Pumunta sa nilalaman

Carracci

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pansariling guhit ni Carracci

Si Annibale Carracci ay isinilang sa Bologna noong 1560. Kaunti lamang ang nalalaman tungkol sa kanya gayun pa man sinasabing noong taong '80 siya ay sumama sa kanyang mga pinsan na si Ludovico Carracci (1555-1619) at kapatid nito na si Agostino Carracci (1557-1602) noong mabuksan ang "Accademia dei Desiderosi" kilala rin sa tawag na "Incamminati." Sa eskwelahang iyon,importante ang mga asignatura tulad ng Matematika at geometria, anatomia at pag-aaral sa mga opera ng mga maestro noong sinauna. Ang kanilang mga pinta ay nakabase sa pagpinta ng natural at pagsasalarawan ng katotohanan.

Ang isa sa importanteng naipinta ni Annibale ay ang "Grande Maccelleria" (Malaking Karnehan) http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/a/a7/Carracci-Butcher%27s_shop.jpg

Bansag: Grande Maccelleria Gumawa: Annibale Carracci Petsa: 1583-1585 Laki: taas na 2 m at laki na 2 1/2 m Teknika: Mantika sa tela Lokasyon: Oxford, Christ Church Picture Gallery

Ang "Grande Maccelleria" ay isang di rilehiyosong gawa ni Annibale na naglalarawan ng buhay at natural na pamumuhay. Inilalarawan dito ang buhay ng tatlong magkakarne. Gayundin maaari nating makita ang iba't ibang yugto ng trabaho ng tatlong magkakarne: mula sa pagpatay sa hayop (sa gitna), sa pagsasabit ng karne (sa kanan) at ang dalawang yugto ng bentahan (sa kaliwa) ang pagkikilo at pamimili ng sariwang karne. Ang opera na ito ay may pantay-pantay na linyang imahinarya perpendikular: makikita sa mga nagsabit na karne na at sa mesa. Ang nag-iisang sumira sa grilya na ito ay ang lalaki sa kaliwa na kumukuha ng pera sa kanyang pitaka. Ang opera na ito ay papalayo sa tinatawag na "pittura manieristica" at siyang tinatawag na "pittura di genere" (inilalarawan ang mga aktwal na gawain ng isang persona na isanasabuhay ang kanyang normal na trabaho).


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.