Pumunta sa nilalaman

Carl Czerny

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Carl Czerny
Kapanganakan21 Pebrero 1791
  • (Austria)
Kamatayan15 Hulyo 1857
LibinganZentralfriedhof
MamamayanImperyo ng Austria
Trabahopiyanista, kompositor, musicologist, music theorist, music educator
Asawanone

Si Carl Czerny o Karl Czerny (21 Pebrero 1791 – 15 Hulyo 1857) ay isang Austrianong piyanista, kompositor, at guro. Higit siyang nakikilala sa ngayon dahil sa kanyang mga aklat ng mga piyesa ng musika o tugtuging pampagsasanay na pinag-aaralan upang mapaghusay o malinang ang isang tekniko para sa pagtugtog ng piyano. Pinakakilala sa mga aklat ng pagsasanay niyang ito ang The School of Fingering ("Ang Paaaralan ng Paggamit ng mga Daliri").[1]

Ipinanganak siya sa Vienna, Austria. Nag-aral siyang kasama si Ludwig van Beethoven. Siya ang nagturo sa pagtugtog ng piyano kay Franz Liszt.[1] Kakilala at naimpluwensiyahan si Czerny ng tanyag na mga piyanistang sina Muzio Clementi at Johann Nepomuk Hummel.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Carl Czerny". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977., Dictionary Index para sa titik na C, pahina 626.


TalambuhayMusika Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.