Bruno ng Cologne
San Bruno ng Cologne | |
---|---|
Kumpesor | |
Ipinanganak | c. 1030 Arkidiyosesis ng Cologne |
Namatay | 6 Oktubre 1101 |
Benerasyon sa | Simbahang Romano Katoliko |
Kanonisasyon | 17 Pebrero 1623 ni Papa Gregory XV [1] |
Kapistahan | Oktubre 6 |
Katangian | Bungo na hinahawakan niya at pinagmumuni-munian, na may isang aklat at isang krus, abitong Kartusyano |
Patron | Calabria, markang pangkalakal |
Si Bruno ng Cologne o Bruno ng Colonia (Cologne, c. 1030 – Serra San Bruno, 6 Oktubre 1101), na tagapagtatag ng Ordeng Kartusyano (Carthusian sa Ingles), ay ang personal na nagtatag ng una sa dalawang mga pamayanan ng ordeng nabanggit. Isa siyang ipinagbubunying guro sa Reims, at isang malapit na tagapagpayo ng dati niyang mag-aaral na si Papa Urbano II.
Kagalingan sa pagsasalita
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kaniyang mga elehiya na pampaglilibing ay nagbubunyi ng kaniyang kahusayan sa pananalita (elokuwensiya), na isang kaparaanan sa pagsasabi ng mga salita, at ng kaniyang mga talento na pampanunula, pampilosopiya, at pangteolohiya; ang kaniyang mga katangian bilang isang guro ay nasasalamin sa mga katangian ng kaniyang mga estudyante, na kinabibilangan nina Eudes ng Châtillon, Papa Urbano II, Rangier na Kardinal na Obispo ng Reggio, Robert na Obispo ng Langres, at ng isang malaking bilang ng mga prelado (matataas na mga kagawad ng simbahan) at mga pinuno ng mga monghe (pangulo ng mga monghe o abbot sa Ingles).
Pamana ni Bruno
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkaraan ng kaniyang kamatayan, ang mga Kartuso (Kartuho o mga Kartusyano) ng Calabria, na noon ay sumusunod sa isang madalas na kostumbre ng Gitnang Kapanahunan, ay nagpadala ng isang "tagapagdala ng pergamino" (tagapagbalita), isang tagapaglingkod ng pamayanan na may sakbibing isang mahabang rolyo o balumbon ng pergamino, na nakabitin mula sa leeg, na naglakbay papunta sa Italya, Pransiya, Alemanya, at Inglatera, na humihinto sa mga nabanggit na lugar upang ipahayag ang pagkamatay ni Bruno, at bilang kapalit ng pagbabalita, ang mga simbahan, mga pamayanan, o mga sangay ay nagsulat sa balumbon na dala ng tagapagbalita ng mga pagpapahayag ng kanilang panghihinayang at paninimdim, na nasa na nasa anyong tuluyan (prosa) o berso (taludtod ng tula), na may kasamang mga pangako ng pananalangin. Marami sa mga balumbong ito ay naipreserba, subalit ang mangilan-ngilan ay napakamasaklaw o punung-puno ng papuri na patungkol kay San Bruno. Isandaan at pitumpu't walong mga naging saksi, na ang karamihan ay nakakakilala sa namatay, ang nagbunyi sa kalawakan ng kaalaman ni Bruno, pati na ang pagkamabunga ng kaniyang mga tagubilin o mga pagtuturo. Ang mga hindi personal na nakakakilala kay Bruno ay humanga sa kaniyang malawak na kaalaman at mga kahusayan. Ang mga disipulo niya ang pumuri sa kaniyang tatlong pangunahing mga pagpapahalaga — ang kaniyang dakilang espiritu ng pagdarasal, labis na mortipikasyon (pagpapakasakit o pagpepenitensiya), at ang debosyon (pagmamalasakit o pamimintuho) kay Mariang Pinagpala.
Ang dalawang mga simbahang itinayo ni Bruno sa ilang (disyerto) ay inilaan para kay Santa Maria: ang simbahan ng Ina ng Casalibus na nasa Dauphiné at ang simbahan ng Ina ng Tore na nasa Calabria. Bilang tapat sa mga inspirasyon ni Bruno, ang mga Batas ng Kartusyano ay nagpapahayag na ang Ina ng Diyos ang una at pangunahing pintakasi ng lahat ng mga kabahayan ng orden, maging sinuman ang kanilang partikular na patron. Si Bruno rin ang eponimo (pinagmulan ng pangalan) para sa San Bruno Creek (Ilat o Sapa ng San Bruno) na nasa California, Estados Unidos.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Derry, George H. (1913). "St. Bruno (2)". Sa Herbermann, Charles (pat.). Catholic Encyclopedia (sa wikang Ingles). New York: Robert Appleton Company. Nakuha noong 27 December 2008. "Si San Bruno (...) ay hindi pormal na nakanonisa. Ang kaniyang kulto, na pinahintulutan ni Leo X para sa Ordeng Kartusyano noong 1514, ay ibinigay ni Gregory XV sa buong simbahan noong 17 Pebrero 1623, bilang isang tila dalawang kapistahan, at iniangat sa klase ng mga doble ni Clement X noong 14 Marso 1674."
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Herbermann, Charles, pat. (1913). Catholic Encyclopedia (sa wikang Ingles). New York: Robert Appleton Company. .
- International Fellowship of St. Bruno
- St Peter's Basilica: St Bruno
- Sito sull'universo certosino