Pumunta sa nilalaman

Arkitekturang moderno

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Solomon R. Guggenheim Museum sa New York City (1959), panloob, ni Frank Lloyd Wright.
Ang pagkakaiba sa arkitekturang modern, makikita sa dalawang magkatabi na highrise sa Chicago, Illinois. IBM Plaza (kanan, ni Ludwig Mies van der Rohe, (kaliwa), ng estudyante niya na si Bertrand Goldberg).

Ang arkitekturang moderno o arkitekturang makabago ay isang termino na nagsasaad sa isang pangkalahatang konsepto, habang ang kahulugan at saklaw nito ay malawak na nagkakaiba.[1] Ang terminong ito ay madalas naglalarawan sa mga makabagong kilusan sa pagkakataon ng ika-20 siglo, na umasa na maitugma ang mga tuntuning tungkol sa disenyong arkitektura kasama ang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at ang pagbabago ng lipunan.  Bumuo ito ng maraming kilusan paaralang pandisenyo, at estilo ng arkitektura, na ang ilan ay hindi nagkasusundo sa iba, at madalas sumalungat sa mismong pag-uuri.[1]Ang terminong arkitekturang moderno ay maaaring gamitin upang ipakita ang pagkakaiba sa arkitekturang Klasiko na sumusunod sa mga mithiing Vitruvian, habang maaari ring gamitin sa pag-uunawa sa mga iba’t-ibang kontemporaryong estilo ng arkitektura tulad ng Postmodern, High-tech, o kahit din ang New Classical, depende sa konteksto. Sa kasaysayan ng sining, ang rebolusyonaryo at neoklasikong estilo na nagmula sa mga 1800 ay tinatawag ring makabago o modern.

Ang konsepto ng modernismo ay isang pangunahing tema sa mga pagsisikap ng ika-20 siglong arkitekturang moderno. Sa pagkakaroon ng kantanyagang global lalo na sa katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang modernismong pang-arkitektura ay inampon ng mga arkitekto at guro pang-arkitektura, at nagtuloy bilang isang nangingibabaw na estilo ng arkitektura para sa mga institusyonal at korporadong gusali sa ika-21 siglo. Ang konsepto ng modernismo sa huli, ay nakabuo ng mga reaksyon, kapuna-puna ang Postmodernism, kung saan humangad ito upang mapanatili ang mga ¬pre-modern na elemento, habang ang “Neo-classicism” ay umusbong bilang reaksyon sa Post-modernism.

Kabilang sa mga kilalang arkitekto na importante sa kasaysayan at pag-unlad ng makabagong pagkilos ay sina Ludwig Mies van der Rohe, Le Corbusier, Walter Gropius, Erich Mendelsohn, Frank Lloyd Wright, Louis Sullivan, Gerrit Rietveld, Bruno Taut, Arne Jacobsen, Oscar Niemeyer at si Alvar Aalto.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Growth, Efficiency, and Modernism" (PDF). U.S. General Services Administration. 2006 [2003]. pp. 14–15. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2011-03-31. Nakuha noong 1 Marso 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)