Pumunta sa nilalaman

Anna Jarvis

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Anna Marie Jarvis (1 Mayo 1864, Grafton, Kanlurang Virginia[1] o Webster, Kanlurang Virginia - 24 Nobyembre 1948, Kanlurang Chester, Pensilbanya) ay ang tagapagtatag ng kapistahan Araw ng mga Ina sa Estados Unidos. Ang kanyang pagpupunyagi na maparangalan ang kanyang inang si Gng. Anne Reeves Jarvis ay nagresulta sa pagdiriwang ng Araw ng mga Ina sa Grafton at sa Philadelphia noong 1908. Ginawa niya ang lahat upang maipasa ng Kongreso ng Estados noong 1914 ang isang resolusyon na maging isang pambansang kapistahan ang ikalawang Linggo ng Mayo taun-taon upang maparangalan ang lahat ng mga ina.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Jarvis, Anna". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), titik J, pahina 311.


TalambuhayEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.