Anastasius ng Terni
Si San Anastasius ng Terni o Anastasio ng Terni (namatay noong Agosto 17, bandang 553), kilala rin bilang Anastasius IX o Anastasio IX, ay isang obispo at santo ng Simbahang Katoliko. Naging obispos siya ng Banal na Sede ng Terni, Italya. Ayon sa ilang mga paglalahad, isang katutubo ng Sirya si Anastasius bago namirmihan sa Italya. Noong kanyang kapanahunan, naging masugid na kalaban siya ng Arianismo, isang heresiyang tinatanggihan ang kabanalan o dibinidad ni Hesukristo. Ilan pa sa kanyang mga nagawa ay ang paglilinis at renobasyon ng mga simbahan ng kanyang diyoses, at ang pagpapatayo ng isang katedral na handog para sa misteryo ng Asunsiyon ni Maria (pag-akyat sa langit ni Birheng Maria. Namatay si Anastasius dalawang araw pagkaraan ng pagdiriwang sa kataimtiman ng pag-akya ni Maria sa kalangitan. Pagkaraan malimutan ang kinalalagyan ng libingan ni Anastasius noong ika-11 daang taon, muli itong natuklasan noong 1039, pagkaraang mapanaginipan ng isang magbubukid. Nang mabuksan ang libingan ni Anastasius, napansing ang libingang ito ay naglalaman ng hindi pa bulok at hindi pa nasisirang bangkay ni Anastasius na nadadamitan pa rin ng mga kasuotang episkopal o pang-obispo, at nagmumula sa loob ng libingan ang isang kaaya-ayang bango.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Magnificat, Tomo 11, Blg. 6, Agosto 2009, pahina 261.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.