Pumunta sa nilalaman

2013 sa Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ito ang mga pangyayari ng 2013 sa Pilipinas.

Mga nanunungkulan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Pebrero 12 -- Nagpadala si Jamalul Kiram III, ang sultan ng Sulu, ng 200 mga armadong tagasunod na sinasabing bahagi ng kanyang "royal army" ng Sultanato ng Sulu, na sumalakay sa Lahad Datu, Sabah, upang okupahin ang bahagi ng inaangking estado ng Sabah, na nagiging sanhi ng isang hidwaan na sumubok sa ugnayang bilateral ng Pilipinas at Malaysia. Pagkatapos ng 17 araw, ipinahayag ng Malaysia noong Marso 1, ng pagwawakas sa 17-araw na sagupaang inudyukan ng grupo. [1]
  • Inantala ng Korte Suprema ng Pilipinas ang pagpapatupad ng Responsible Parenthood at Reproductive Health Act na magbibigay sana ng libreng contraception sa mahihirap na kababaihan at kinakailangan ng sex education sa mga paaralan.
  • Mayo 9 -- Pinaputukan mula sa sasakyang-dagat ng Philippine Coast Guard vessel ang isang Taiwanese fishing vessel sa Balintang Channel na di-umano'y sa loob ng teritoryong maritime ng Pilipinas, ang territoryal na tubig at EEZ na kapwa inaangkin ng dalawang bansa, Pilipinas at Taiwan, na ikinamatay ng isang mangingisdang Taiwanese.
  • Mayo 13 -- Pangkalahatang halalan sa Pilipinas, 2013.
  • Mayo 15 -- Ang Enhanced Basic Education Act of 2013, karaniwang kilala bilang K-12 program ay nilagdaan.[2]
  • Mayo 28 -- Naunang ipinahayag ng COMELEC ang 38 grupo bilang mga nagwaging party list sa Halalan. Nagwagi ang partidong pro-life na Buhay (nakakuha ng 1.2 milyong boto) na tanging nagkamit ng 3 upuan sa Kongreso, habang 13 ang nagkamit ng 2 upuan bawat isa, at 24 iba pa ang nagkamit ng tig-iisang upuan. May lima pang upuan ang nanatiling bakante.[3][4]
  • Agosto 2 -- Internasyonal na relasyon. Dumating sa karagaran ng Pilipinas ang BRP Ramon Alcaraz, ang pinakabagong barkong pandigma ng bansa mula sa Estados Unidos.[15]
  • Agosto 5
    • Alitang armado at mga pag-atake. Umabot sa 8 katao ang namatay habang 24 iba pa ang sugatan matapos ang isang pagsabog sa Lungsod ng Cotabato.[16]
    • Batas at krimen. Parehong nagdesisyon ang Senado at Kamara na itigil ang planong pag-iimbestiga sa kontrobersiyal na pork barrel fund scam matapos mapagkasunduan ng mga senador na ipagpaliban muna ito hangga’t hindi pa natatapos ang imbestigasyon ng ilang ahensiya ng gobyerno.[17]
  • Agosto 6 -- Kalusugan. Ayon sa Kagarawan ng Kalusugan, mahigit sa kalahating milyong Filipino ang may problema sa mata, ang tatlong pinakamadalas na sanhi ng pagkabulag ay katarata, glaucoma at macular degeneration.[18]
  • Agosto 7 -- Alitang armado at mga pag-atake. Sugatan ang 7 sundalo sa Maguindanao matapos sumabog ang isang bomba.[19]
  • Agosto 8
    • Batas at krimen. Inirekomenda ng Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat (NBI) ang pagsasampa ng kasong pagpatay sa kapwa laban sa walong tauhan ng Tanúrang Baybayin ng Pilipinas (PCG), kabilang ang kanilang namumunong opisyal, na sangkot sa pamamaril na nagresulta sa pagkamatay ng mangingisdang taga-Taiwan sa Balintang noong nakalipas na Mayo 9.
    • Internasyonal na relasyon. Inalis ng Taiwan ang lahat ng pagbabawal na ipinataw sa Pilipinas pagkatapos humingi ng tawad ni Pangulong Benigno Aquino sa pamilya ng napatay na mangingisda sa Balintang noong Mayo 9.[20]
  • Agosto 9 -- Kalikasan. Ipinagbawal ang paghuli at pagkain ng mga hayop-dagat sa ilang parte ng probinsiya ng Kabite dahil sa pagtagas ng langis sa karagatan.[21]
  • Agosto 12
    • Sakuna at aksidente. Bagyong Labuyo (Utor - Internasyonal na pangalan), 2013: Nagsuspinde ng klase sa iba’t ibang antas ang ilang paaralan sa Maynila at maging sa mga probinsiya dahil sa pananalasa ng bagyong Labuyo. Isa ang patay dahil sa pagguho ng lupa sa probinsiya ng Benguet. Ipinasara rin ang Daang Kennon. Matinding hinagupit ng bagyo ang probinsiya ng Aurora, matapos nitong lumapag sa lupain ng Casiguran.[22][23][24]
    • Palakasan. Tinalo ng Iran ang koponan ng Pilipinas sa Kampeonato ng FIBA Asya 2013 sa talang 85-71.
  • Agosto 13
  • Agosto 14
  • Agosto 15 -- Internasyonal na relasyon. Itinaas ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas o DFA ang antas ng alerto bilang 3 sa Ehipto at pansamantalang ipinatigil ang pagpapadala ng mga manggagawa dahil sa kaguluhang nagaganap sa Cairo.[28]
  • Agosto 16 -- Sakuna at aksidente. Lumubog ang barko ng MV St. Thomas Aquinas pagkatapos bumangga sa isa pang barkong pangkargamento sa Cebu, 26 katao ang unang naiulat na namatay. Noong Agosto 17, Tumaas sa bilang na 31 katao ang patay at 170 pa ang nawawala.[29][30]
Nagwagi si Megan Young ng titulong Miss World Philippines at kalaunan ay nakoronahan bilang Miss World 2013.
  • Agosto 21
    • Sakuna at aksidente. Umabot na sa 7 ang nasawi at mahigit 600,000-katao ang naapektuhan ng hagupit ng nagsanib-puwersang bagyong "Maring" at habagat, naparalisa ang buong Maynila at malaking bahagi ng Luzon.
    • Sakuna at aksidente. Natagpuang buhay ang isang mangingisdang taga-Batanes na nawala noon pang Agosto 11, sa bansang Hapon matapos tangayin ng kanyang bangka ng malalakas na alon. [32]
  • Agosto 22 -- Sakuna at aksidente. Pumasok na sa teritoryo ng Tsina ang bagyong Maring "Trami" (internasyonal na pangalan) pagkatapos manalanta at kumitil ng 17 katao sa Pilipinas.[33]
  • Agosto 23 -- Sakuna at aksidente. Nasa 662 pa ring mga lugar ang nananatiling lubog sa baha dahil sa habagat, mula ito sa 88 munisipalidad na sakop ng Rehiyon I, III, IV-A, IV-B at Pambansang Punong Rehiyon o Maynila.
  • Agosto 26 -- Politika at eleksiyon. Binuo at ginawa ang ang malawakang kilos protesta laban sa Priority Development Assistance Fund scam sa iba't-ibang lugar sa buong bansa. Nagsagawa rin ang komunidad ng mga Pilipino sa buong mundo ng welga ng pagkakaisa. Ang pinakamalaking demonstrasyon na ginanap ay ang Martsa ng Milyong Katao sa Luneta Park sa Maynila.[34]
  • Agosto 28 -- Batas at krimen. Sumuko si Janet Lim-Napoles kay Pangulong Benigno Aquino III, kasunod ng pag-anunsuyo ng Pangulo na gagantimpalaan ng 10-milyong piso kung sino ang makakapagturo sa kanyang kinaroroonan. Si Napoloes ay hinanap ng awtoridad dahil sa kaugnayan nito sa pork barrel scam.[35][36]
Ang Munisipyo ng Lungsod ng Zamboanga kung saan inakala ng MNLF na magtaas ng bandila ng Bangsamoro Republik sa kasagsagan ng krisis sa lungsod.
Ang Basilica of the Holy Child sa Lungsod ng Cebu pagkatapos ng lindol sa Bohol.
  • Oktubre 15 -- Bandang 8:12 ng umaga (PST), niyanig ng matinding lindol ang lalawigan ng Bohol na may magnitude ng 7.2 Ms na nagresulta sa 222 nasawi, 976 nasugatan, at 8 nawawala.
Kinaroroonan ng Lalawigan ng Davao Occidental.
  • November 7 - Sa unang pagkakataon, humarap sa Senado ang umano'y mastermind sa P10 billion pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles upang sagutin ang mga paratang laban sa kanya.
Ang rutang tinahak ng Bagyong Haiyan, o Yolanda, ang pinakamalakas na bagyo sa Pilipinas.
Mapa ng Lalawigan ng Laguna na nagpapakita ng kinaroroonan ng Lungsod ng San Pedro.
  • Disyembre 28 -- Ipinatupad ang pagiging lungsod ng bayan ng San Pedro, Laguna, ang ika-144 na lungsod sa bansa, matapos magwagi sa isang plebisito.[44][45] Naunang nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Batas Republika Blg. 10420[46] na nagsabatas na gawing lungsod ang naturang bayan.[47]

Mga paggunita

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga okasyon sa italiko ay "special holidays ," mga nasa bold ay ang "regular holidays."

Sa karagdagan, inoobserbahan ng maraming lugar ang mga lokal na pista opisyal, tulad ng pagkakatatag ng kanilang bayan. Ito rin ay "espesyal na araw."

  • Enero 2 – Stephanie Nicole Ella, biktima ng ligaw na bala. (namatay sa edad 7)
  • Enero 7 – Gonzalo "Lito" G. Puyat II, dating pangulo ng FIBA (isinilang Mayo 21, 1933)
  • Enero 8 – Fr. Anscar J. Chupungco, OSB, liturhista at teologo. (isinilang Nobyembre 10, 1939)
  • Enero 22 – Erlinda Domingo, Alkalde ng Maconacon, Isabela.
  • Enero 24 – Pepe Pimentel, TV host. (isinilang Abril 30, 1929)
  • Enero 30 – Egay Navarro, cameraman at cinematographer. (isinilang 1950)
  • Pebrero 5 – Dennis Aranas, suspek na tumestigo (sa kaso ng pagpaslang).
  • Pebrero 6
  • Pebrero 8 – Elvie Villasanta, komedyante. (isinilang Disyembre 14, 1927)
Lolong
  • Pebrero 10 – Lolong, pinakamalaking buwayang naitala.
  • Marso 10
  • Marso 15 – Subas Herrero, aktor. (isinilang Abril 3, 1949)
  • Marso 21 – Isagani Cruz, dating mahistrado ng Korte Suprema. (isinilang 1924)[48]
  • Marso 23 – Dr. Onofre Copuz, Pambansang Siyentista. (isinilang Disyembre 1, 1926)[49]
  • Marso 30 – Bobby Parks, Sr., manlalaro ng basketball.
  • Abril 3 – Vicente “Ting” Jayme, dating Kalihim ng Pananalapi. (isinilang Oktubre 27, 1928)
  • Abril 7 – Billy Esposo, kolumnista. (namatay sa edad 64)
  • Abril 24 – Pedro P. Romualdo, Kinatawan (Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Camiguin) sa Kapulungan ng mga Kinatawan (apat na beses: 1987-1998, at 2007-Abril 24, 2013). (isinilang Hunyo 29, 1935)
  • Abril 30 -- Roberto Chabet, Ama ng Sining Konseptuwal ng Pilipinas. (isinilang Marso 29, 1937)
  • Mayo 12
    • Daisy Hontiveros-Avellana, National Artist for Theater. (isinilang Enero 26, 1917)
    • Jose Jay Pernes, kandidato sa pagka-Kongresista noong Halalan 2013. (namatay sa edad 49)
  • Mayo 15 – Raul Gonzalez, mamamahayag at Vice President of Public Affairs ng Government Service Insurance System. (isinilang 1935)
  • Mayo 19 – Bella Flores (Remedios Papa Dancel), aktres. (isinilang Pebrero 27, 1929)
  • Mayo 20 – Emmanuel Velasco, dating state prosecutor. (namatay sa edad 54)
  • Mayo 28 – Edgar “Eddie” Sinco Romero, National Artist for Cinema and Broadcast Arts. (isinilang Hulyo 7, 1924)
  • Hunyo 2 – Brig. Gen. Daniel Lucero, dating tagapagsalita ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
  • Hunyo 12 – Hugo Gutierrez, Jr., dating mahistrado ng Korte Suprema. (isinilang Enero 29, 1927)
  • Hunyo 26 – Sammy Lagmay, aktor at komedyante. (namatay sa edad 55)
  • Hulyo 5 – Amable “Ama” Quiambao, aktres sa mga pelikula, telebisyon, at teatro. (isinilang Enero 19, 1947)
  • Hulyo 9 – Andrea VeneracionNational Artist for Music. (isinilang Hulyo 11, 1928)
  • Agosto 15 – Behn Cervantes, direktor at aktor. (isinilang Agosto 26, 1938)
  • Agosto 19 – Romeo Candazo,  Kinatawan ng nag-iisang distrito ng Lungsod ng Marikina sa Mababang Kapulungan (1992-2001). (isinilang Hunyo 18, 1952)
  • Agosto 21 – Rodolfo Tan Cardoso, manlalaro ng chess. (isinilang Disyembre 25, 1937)
  • Agosto 25 – Erwin Chiongbian, dating Kinatawan (nag-iisang distrito ng Sarangani) sa Mababang Kapulungan. (namatay sa edad 69)
  • Setyembre 7 – Susan Fuentes (Susan Toyogon), Queen of Visayan Songs. (isinilang Nobyembre 1, 1954)
  • Setyembre 11 – Francisco “Frank” Chavez, dating Solicitor General. (isinilang Pebrero 6, 1947)
  • Setyembre 13 – Nora Daza, personalidad sa pagluluto. (isinilang Disyembre 2, 1928)
  • Oktubre 7 – Leandro Mendoza, dating hepe ng pulisya. (isinilang Marso 24, 1946)
  • Oktubre 9 – Maximiano Tuazon Cruz, prelado ng Simbahang Romano Katoliko. (isinilang Abril 4, 1923)
  • Oktubre 15 – Cancio C. Garcia, dating Associate Justice ng Korte Suprema ng Pilipinas. (isinilang Oktubre 20, 1937)
  • Oktubre 18 – Alberto Romualdez, Jr., dating Kalihim ng Kalusugan (1998-2001). (isinilang Setyembre 14, 1940)
  • Oktubre 20 – Sultan Jamalul Kiram IIISultanato ng Sulu. (isinilang Hulyo 16, 1938)
  • Oktubre 27 – F. Landa Jocano, antropologo. (isinilang Pebrero 5, 1930)[50]
  • Oktubre 31 – Andres R. Narvasa, dating Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman (1991-1998) (isinilang Nobyembre 30, 1928)
  • Nobyembre 2 – Renato “Guido” del Prado, aktor. (isinilang 1940)[51]
  • Nobyembre 4 – Fr. Jose “Joe” Dizon, aktibista. (isinilang 1948)
  • Nobyembre 23 – June Keithley-Castro, personalidad ng People Power (isinilang Marso 10, 1947)
  • Nobyembre 29 – Col. Manuel F. Segura, beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at may-akda ng aklat. (isinilang Enero 1, 1919)
  • Disyembre 4 – Pedro Subido, gold medalist. (namatay sa edad 83)
  • Disyembre 13 – Ret. Gen. Delfin Bangit, dating hepe ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. (isinilang 1955 o 1956)
  • Disyembre 15 – Jonas Joshua Garcia, baguhang boksingero. (namatay sa edad 16)[52]
  • Disyembre 18 – Dominic “Papadom” Gamboa, pangunahing bokalista ng bandang Tropical Depression. (isinilang Disyembre 19, 1965)
  • December 20 – Ukol Talumpa, Alkalde ng Labangan, Zamboanga del Sur.
  • Disyembre 25 – Ismael "Mel" A. Mathay, Jr., dating Alkalde ng Lungsod Quezon (1992-2001). (isinilang Hunyo 26, 1932)

Sa Larangan ng Pamamahayag

Mga mamamahayag na pinaslang sa bansa sa taong 2013 (siyam)[53]ː

Iba pang impormasyon
Lawak 300,000 kilometro kwadrado (115,831 milya kwadrado)
Populasyon (Pagtataya noong 2013): 97,571,700[54]
Kabisera Maynila (ang ilang mga opisina ng pamahalaan at mga kagawaran ay matatagpuan sa Lungsod ng Quezon at iba pang mga lugar sa Kalakhang Maynila)

Tingnan din

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "TIMELINE Sabah's bloody Friday" Rappler. 03-01-2013. Hinango 11-02-2016.
  2. "Philippines creates opportunities in overhaul of K-12 education system" ICEF Monitor. 08-09-2013. Hinango 09-20-2016.
  3. "Official tally of votes for the 2013 party-list race" Naka-arkibo 2016-08-11 sa Wayback Machine. Rappler. 05-22-2013. Hinango 09-20-2016.
  4. "53 'initial' party-list winners proclaimed" Rappler. 05-28-2013. Hinango 09-20-2016.
  5. "Official tally of votes for the 2013 senatorial race" Naka-arkibo 2016-09-13 sa Wayback Machine. Rappler. Hinango 09-20-2016.
  6. "Comelec releases final, official vote tally for Senate polls" The Philippine Star. 06-06-2013. Hinango 09-20-2016.
  7. "Remaining Senate winners to be proclaimed" Philippine Daily Inquirer. 05-18-2013. Hinango 09-20-2016.
  8. "Comelec to proclaim 5 senators tonight" The Philippine Star. 05-18-2013. Hinango 09-20-2016.
  9. "COMELEC completes 'Magic 12' senators list" The Summit Express. 05-18-2013. Hinango 09-20-2016.
  10. "(UPDATE) Comelec proclaims all 12 winning senatorial bets" The Philippine Star. 05-18-2013. Hinango 09-20-2016.
  11. "Tampuhan nina Enrile at Alan Peter Cayetano, tinuldukan na" GMA News. 07-25-2013. Hinango 12-27-2016.
  12. "Manila bus ban is legal, Isko insists" ABS-CBN News. 07-26-2013. Hinango 12-27-2016.
  13. "CDO blast death toll rises to 6" ABS-CBN News. 07-27-2013. Hinango 12-27-2016.
  14. "Mutya ng Pilipinas 2013 winners crowned" GMA News. 07-29-2013. Hinango 12-27-2016.
  15. "Newest warship arrives in PH waters" ABS-CBN News. 08-02-2013. Hinango 12-27-2016.
  16. "Bilang ng patay sa pagsabog sa Cotabato City, umakyat na sa 8" GMA News. 08-06-2013. Hinango 12-27-2016.
  17. "SENADO AT KAMARA UMATRAS SA PORK BARREL PROBE" Naka-arkibo 2013-10-11 sa Wayback Machine. Abante-Tonite. 08-06-2013. Hinango 12-27-2016.
  18. "DOH: Mahigit sa kalahating milyong Pinoy may problema sa mata" GMA News. 08-06-2013. Hinango 12-27-2016.
  19. "7 sundalo sa Maguindanao, sugatan sa pagsabog ng bomba" GMA News. 08-07-2013. Hinango 12-27-2016.
  20. "Taiwan lifts Philippines sanctions after shooting apology" BBC News. 08-09-2013. Hinango 12-27-2016.
  21. "Gathering, eating shellfish banned in parts of Cavite due to oil spill" GMA News. 08-09-2013. Hinango 12-27-2016.
  22. "Klase sa Metro Manila at iba pa suspendido" Naka-arkibo 2016-04-09 sa Wayback Machine. Abante-Tonite. 08-12-2013. Hinango 12-27-2016.
  23. "1 killed in Benguet landslide; Kennon Road closed" GMA News. 08-12-2013. Hinango 12-27-2016.
  24. "Aurora, matinding hinagupit ng Bagyong Labuyo" GMA News. 08-12-2013. Hinango 12-27-2016.
  25. "Military assistance ng US sa PH lumobo" Naka-arkibo 2016-04-09 sa Wayback Machine. Abante-Tonite. 08-13-2013. Hinango 12-27-2016.
  26. "Ilang bayan sa Aurora, isinailalim sa state of calamity" GMA News. 08-14-2013. Hinango 12-27-2016.
  27. "ARREST WARRANT VS NAPOLES IPINALABAS" Naka-arkibo 2016-03-04 sa Wayback Machine. Abante-Tonite. 08-15-2013. Hinango 12-27-2016.
  28. "DFA raises Alert Level 3 in Egypt, suspends deployment of workers" GMA News. 08-15-2013. Hinango 12-27-2016.
  29. "At Least 17 Dead After Ferry Collides with Cargo Ship in Philippines" Naka-arkibo 2019-09-09 sa Wayback Machine. World Maritime News. 08-16-2013. Hinango 12-27-2016.
  30. "Philippines ferry Thomas Aquinas sinks, many missing" BBC News. 08-17-2013. Hinango 12-27-2016.
  31. "Megan Young, itinanghal na Miss World-Philippines 2013" GMA News. 08-19-2013. Hinango 12-27-2016.
  32. "Batanes fisherman found alive in Japan after drifting at sea for days" GMA News. 08-21-2013. Hinango 12-27-2016.
  33. "Storm lashes China after killing 17 in Philippines" Associated Press via Charlotte Observer. 08-21-2013. Hinango 12-27-2016.
  34. "'Scrap pork barrel! Punish the corrupt'" Naka-arkibo 2018-11-22 sa Wayback Machine. Rappler. 08-26-2013. Hinango 12-27-2016.
  35. "Napoles surrenders to PNoy, now in PNP custody - Palace" GMA News. 08-28-2013. Hinango 12-27-2016.
  36. "Janet Napoles surrenders" Naka-arkibo 2016-03-17 sa Wayback Machine. InterAksyon. 08-28-2013. Hinango 12-27-2016.
  37. "Timeline: Crisis in Zamboanga City" GMA News. 09-10-2013. Hinango 10-15-2016.
  38. "Chronology of Zamboanga standoff" The Philippine Star. 09-10-2013. Hinango 10-15-2016.
  39. "Muslim rebel attack shuts down Philippine city" Agence France-Presse via Fox News. 09-08-2013. Hinango 12-27-2016.
  40. "Troops free civilians in Philippine rebel stand-off" BBC News. 09-17-2013. Hinango 12-27-2016.
  41. "Philippines evacuates coastal villages as super typhoon approaches en route for China"[patay na link] Reuters. 09-20-2013. Hinango 12-27-2016.
  42. "Super typhoon cuts power, unleashes landslides in northern Philippines" Reuters. 09-21-2013. Hinango 12-27-2016.
  43. "TIMELINE: Super Typhoon Yolanda (Haiyan)" Naka-arkibo 2016-09-11 sa Wayback Machine. Rappler. 11-09-2013. Hinango 10-15-2016.
  44. "San Pedro now a component city of Laguna" The Philippine Star. 12-30-2013. Hinango 09-20-2016.
  45. "It’s official: San Pedro town in Laguna now a city" Philippine Daily Inquirer. 12-31-2013. Hinango 09-20-2016.
  46. "Republic Act No. 10420" Naka-arkibo 2016-10-11 sa Wayback Machine. Official Gazette of the Republic of the Philippines. 03-27-2013. Hinango 09-20-2016.
  47. "San Pedro approved as Laguna's 6th city" Naka-arkibo 2015-10-15 sa Wayback Machine. Rappler. 12-31-2013. Hinango 09-20-2016.
  48. "Isagani Cruz, SC justice, Inquirer columnist; 88" Philippine Daily Inquirer. 03-22-2013. Hinango 11-02-2016.
  49. "Dr. Onofre D. Corpuz, a significant life" The Philippine Star. 04-03-2013. Hinango 4-21-2017.
  50. "F. Landa Jocano, anthropologist and UP professor emeritus, passes away" GMA News. 10-28-2013. Hinango 11-02-2016.
  51. "Actor Renato del Prado dies at 73" ABS-CBN News. 11-02-2013. Hinango 11-02-2016.
  52. "Comatose 16-year-old boxer passes away" GMA News. 12-15-2013. Hinango 11-02-2016.
  53. "Journalists Killed in Philippines." Committee to Protect Journalists. Hinango Agosto 29, 2016.
  54. World Development Indicators. Google Public Data Explorer. Hinango Set. 20, 2016.