Ikalawang Sulat sa mga taga-Corinto
Mga Aklat ng Bibliya |
---|
|
Ang Ikalawang sulat sa mga taga-Corinto o 2 Corinto ay isang aklat sa Bagong Tipan ng Bibliya, na sinasabing isinulat ni Apostol Pablo para sa mga Kristiyanong taga-Corinto. Sinundan ito ng Unang Sulat sa mga taga-Corinto. Pinaniniwalaang tatlo ang liham na isinulat para sa mga Corintio subalit dadalawa lamang ang nakaabot sa pangkasalakuyang panahon.[1]
Panahon ng pagkakasulat
baguhinIsinulat at ipinadala ni San Pablo ang Ikalawang Sulat sa mga taga-Corinto noong mga anim na buwan (may nagsasabing pagkaraan ng isang taon[2] pagkalipas na maisulat ang unang liham. Ipinadala niya ang pangalawang liham sa pamamagitan ni Tito magbuhat sa Macedonia.[1]
Katangian ng liham
baguhinSinasabing mahirap sundan at wariin ang nilalaman ng Ikalawang Sulat ni San Pablo sa mga taga-Corinto sapagkat isa itong tugon sa mga pananalita at mga damdamin ng ibang mga tao, mga bahaging hindi matutunghayan sa sulat na ito. Samakatuwid, may kakulangan upang maunawaan ng husto. Gayunman, napanatili sa liham na ito ang pagbibigay liwanag sa naging buhay ni San Pablo noong mga kapanahunang iyon, bilang isang tao at bilang isang tagapangaral ng Kristiyanismo.[2]
Layunin at paksa ng liham
baguhinNasulat ang ikalawang sulat ni Pablo para sugpuin ang mga paninirang ginagawa ng mga Hudyo, at para na rin maipagtanggol ang kaniyang misyong pampananampalataya.[1] Nakatuon ito sa sariling kaugnayan ni San Pablo sa simbahan o parokyang nasa Corinto, sa Gresya. Lalong lumala ang kalagayan ng mga Kristiyanong Corintio kaya't nilarawang ikinaluha at ikinagalit ito ni San Pablo. Nagpadala ng isang liham (ang isa pang sulat na hindi nakarating sa kasalukuyang panahon; hindi ang Ikalawang Sulat sa mga taga-Corinto) na nagsilbing isang sermon at babala: pinagsasabihan niya ang mga taga-Corinto.[2]
Bilang lunas sa suliranin sa Corinto
baguhinPagkaraang maipadala at maibatid sa mga taga-Corinto ang nilalaman ng sulat ni San Pablo (hindi ang Ikalawang Sulat sa mga taga-Corinto), nagdala si Tito ng balitang nagsasaad na nagbagong-loob ang mga mamamayan ng Corinto. Lubhang ikinagalak ito ni San Pablo, gumaan ang kaniyang kalooban, at nagpapasalamat sa mga taga-Corinto. Kaya't naisulat niya ang Ikalawang Sulat sa mga taga-Corinto na kabahagi ngayon ng Bibliya, na nagpapaliwanag ng mga naging kilos ni Pablo at para rin magbalita ng hinggil sa kaniyang mga gawain habang malayo sa Corinto.[2]
Mga nilalaman
baguhinNaririto ang nilalaman ng ginawang pakikipag-unayan ni Pablo sa Iglesya sa Corinto:
- Dinalaw ni Apostol Pablo ang Corinto na unang beses at nanatili roon ng 18 buwan (Mga Gawa 18:11). Umalis siya sa Corinto at nagtungo sa Efeso, kung saan siya nanatili ng 3 taon (Mga Gawa 19:8, 19:10, 20:31).
- Sinulat ni Pablo ang "sulat na pagpapaalala" mula sa Efeso.
- Sinulat ni Pablo ang 1 Corinto mula Efeso (1 Corinto 16:8).
- Dinalaw ni Pablo ang Corinto ng ikalawang beses gaya ng kaniyang sinabi sa 1 Corinto 16:6. Maaring nangyari ito nang nakadestino pa siya sa Efeso. Tinawag niya ito bilang isang "mapait na pagdalaw" sa 2 Corinto 2:1.
- Sinulat ni Pablo ang "sulat ng mga luha".
- Sinulat ni Pablo ang 2 Corinto na nagsasabing muli niyang dadalawin ang Corinto nang ikatlong ulit (2 Cor 12:14, 2 Cor 13:1). Hindi niya sinabi kung saan siya sumusulat, subalit naganap ito noong nilisan ni Pablo ang Efeso patungong Macedonia (Mga Gawa 20).
- Maaaring nakadalaw si Pablo ng 3 beses sa Corinto matapos niyang isulat ang liham na ito dahil nabanggit niya kataga sa Mga Gawa 20:2-3: na nanatili siya ng 3 buwan sa Gresya.
Mga bahagi
baguhinMay tatlong pangunahing mga bahagi ang Ikalawang Sulat sa mga taga-Corinto: Una, ang pagtatanggol ni San Pablo tungkol sa kaniyang sarili (1, 1, - 7, 16). Ikalawa, mga abuloy na ukol sa mga taga-Jerusalem (8, 1, - 9, 15). At ikatlo, tungkol sa kaniyang pagiging alagad (10, 1 - 13, 13).[1] Naririto ang balangkas ng ikalawang liham ni San Pablo:
- Pagbati (1:1-11).
- Ipinagtanggol ni Pablo ang kaniyang mga gawa at pagkaapostol at nagpatunay sa kaniyang pag-ibig sa mga taga-Corinto (1:12 - 7:16).
- Mga paalala sa abuluyan para sa mga mahihirap sa Iglesya sa Jerusalem (8:1 - 9:15).
- Polemikong pagtatanggol sa kanyang pagka-apostol (10:1 - 13:10).
- Mga huling pagbati (13:11-14).
Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 Abriol, Jose C. (2000). "Mga Sulat sa mga Corinto". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 Reader's Digest (1995). "Letter of Paul, 2 Corinthians". The Reader's Digest Bible, Illustrated Edition (Condensed from the Revised Standard Version: Old and New Testaments). The Reader's Digest Association, Inc., Pleasantville, London/New York/Montreal/Sydney/Auckland/Cape Town, ISBN 0276420136.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na kawing
baguhin- Ikalawang Sulat sa mga taga-Corinto (2 Corinthians), mula sa Ang Dating Biblia (1905)
- Ikalawang Sulat ni Pablo sa mga taga-Corinto, Buong Bibliya sa wikang Tagalog, mula sa AngBiblia.net
- 2 Mga Taga-Corinto, Ang Salita ng Diyos (SND, 1998), Bibliyang Tagalog sa Internet (Bagong Tipan), BiblesInternational, BibleGateway.com