Summative Test 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SUMMATIVE TEST 1

AP7-KWARTER 1
PANGALAN____________________________________
BILUGAN ANG TITIK NG IYONG SAGOT
1.Ang minsang binansagang Farther India at Little China dahil sa impluwensya ng mga nasabing kultura at
kabihasnan nito
A.Timog-Silangang Asya B. Heograpiya C.Klima D.pacific ring of fire
2. Ang kontinenteng may pinakamalawak na kalupaang sakop sa buong mundo at pinaninirahan ng
maraming tao
A.Timog-Silangang Asya B. Asya C.Klima D.pacific ring of fire
3.Tumutukoy sa pag-aaral ng mga katangiang pisikal ng daigdig
A.Timog-Silangang Asya B. Heograpiya C.Klima D.pacific ring of fire
4. Kilala rin sa tawag na Circum-Pacific Seismic Belt; lugar na nagtataglay ng maraming hanay ng mga
bulkan
A.Timog-Silangang Asya B. Heograpiya C.Klima D.pacific ring of fire
5. Tumutukoy sa kalagayan ng atmospera ng isang lupain sa loob ng mahabang panahon
A.Timog-Silangang Asya B. Heograpiya C.Klima D.pacific ring of fire
6. Ito ay yamang galing sa lupa, hayop man o halaman.
A. yamang-tubig B.yamang-lupa C.yamang gubat D.yamang mineral
7. Ito ay mga yamang nanggaling sa tubig
A. yamang-tubig B.yamang-lupa C.yamang gubat D.yamang mineral
8. Ito ay mga yamang nanggaling sa gubat.
A. yamang-tubig B.yamang-lupa C.yamang gubat D.yamang mineral
9. Ito ay mga yamang makikita sa kuweba o sa kailaliman ng lupa
A. yamang-tubig B.yamang-lupa C.yamang gubat D.yamang mineral
10. Ito ay nagmula sa mga buhay o organikong materyal. Kasama rito ang mga hayop.
A. non-renewable B.biotic C.abiotic D.renewable
11. Ang likas na yaman na nagmula sa mga hindi-buhay at di-organikong materyal.
A. non-renewable B.biotic C.abiotic D.renewable
12. Ito ang mga bagay at organismo na kayang palitan o maparami ng kalikasan sa maiksing panahon
lamang
A. non-renewable B.biotic C.abiotic D.renewable
13. Likas na yaman na hindi kaagad mapapalitan o mapaparami ng kalikasan.
A. non-renewable B.biotic C.abiotic D.renewable
14. Bakit mahalaga ang mga likas na yaman sa isang bansa?
I. Sapagkat ang likas na yaman ang tumutustos sa mga pangangailangan ng mamamayan.
II. Sapagkat ang likas na yaman ay nagbibigay ng karangalan sa isang bansa.
III. Ang likas na yaman ang pinagkukunan ng mga hilaw na materyales.
IV. Ang likas na yaman ang nagbibigay ng yaman sa bansa.
A. I, II B. III, IV C. I, III D. II, IV
15. Malaki ang bahaging ginagampanan ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga tao. Mas higit na
napaunlad ng tao ang antas ng pamumuhay at natutugunan ang pangunahing pangangailangan. Kung kayo
ang mag-iisip ng pamamaraan, ano ang inyong gagawin upang higit na mapakinabangan ang likas na yaman
at makatulong sa pag-unlad ng ating bansa?
a. Gagamitin ng wasto ang mga likas na yaman upang makatugon sa pangangailangan ng tao.
b. Hindi makikialam sa mga usapin sa likas na yaman dahil ito ay usapin ng Pamahalaan.
c. Kinakailangang iluwas ang mga produkto sa ibang bansa upang higit na pakinabangan ng
mamamayan.
d. Hindi na gagamitin ang mga likas na yaman upang higit na mapagyaman.
16. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa taglay na likas na yaman ng Timog Silangang Asya?
A. Ang Timog-Silangang Asya ay mayaman sa langis at petrolyo.
B. Ang Timog-Silangang Asya ay nagtataglay ng pinakamalaking deposito ng ginto.
C. Ang Timog-Silangang Asya ang nangunguna sa industriya ng telang sutla.
D. Ang Timog-Silangang Asya ay nagtataglay ng malalawak na kagubatan.
17. Ang bawat bansa sa rehiyon ng Timog Silangang Asya ay may taglay na iba’t ibang uri ng likas yaman
na nakatutulong sa pag-unlad ng mga bansa sa Timog Silangang Asya. Alin sa sumusunod ang HINDI
naglalarawan sa likas na yaman na taglay ng rehiyon ng Timog-Silangang Asya?
A. Salat sa likas na yaman ang rehiyon ng Timog Silangang Asya.
B. Ang rehiyon ng Timog Silangang Asya ay nangunguna sa larangan ng magagandang aplaya o
beaches.
C. Ang Timog Silangang Asya ay kilala sa mala-paraisong mga pulo at baybayin na may pinong-
pinong buhangin.
D. Ang Timog-Silangang Asya ay tahanan ng mga natural wonders o kahanga-hangang tanawin na
likha ng kalikasan.
18. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya na sagana sa yamang likas. Sa katunayan
ang bansang ito ang nangunguna sa pagluluwas ng mga produktong at sa buong
mundo.
A. barley at oats
B. ginto at uling
C. langis ng niyog at kopra
D. rubber at jute
19. Anong bansa sa rehiyon ng Timog Silangang Asya matatagpuan ang pinakamaraming puno ng Teak?
A. Brunei C. Cambodia
B. Myanmar D. Vietnam
20. Ang bansang ito sa Timog-Silangang Asya ay may malaking deposito ng langis at natural gas, gayundin
ang 35% ng liquefied gas sa buong daigdig.
A. Malaysia C.Indonesia
B. Singapore D.Brunei
21. Sagana sa likas na yaman ang rehiyon ng Timog-Silangang Asya dahil na rin sa tropikal na klimang
nararanasan dito, maliban sa isang bansa nito na maliit lamang ang lupang agrikultural ngunit nagsisilbing
sentro ng kalakalan at komersyo ng rehiyon. Alin sa sumusunod ang bansang iyon?
A. Cambodia c.Thailand
B. Vietnam d. Singapore
22. Ang mga ilog sa Timog-Silangang Asya ay pinagtatayuan ng mga dam na maaaring pagkunan ng
kuryente na tinatawag na .
A. solar electricity
B. hydroelectricity
C. static electricity
D. current electricity
23. Ang Timog-Silangang Asya ay mayroong malawak na katubigan kung saan matatagpuan ang iba’t ibang
uri ng isda at shellfish. Bukod sa pagsasaka, ano pa ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Asyano na
naninirahan dito?
A. Pagmimina c.pangingisda
B. pag-aalaga ng hayop d. Pagtotroso
24. Mahalagang produkto ang dagta ng rubber tree. Anong bansa sa Timog-Silangang Asya pangunahing
prodyuser ng rubber sa buong daigdig?
A. Indonesia c. Thailand
B. Pilipinas d. Myanmar
25. Mayaman sa likas na yaman ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Bilang Asyano paano mo
maipakikita ang pangangalaga sa yamang likas na ipinagkaloob ng Diyos sa atin
I. Makikiisa sa mga gawain na may layuning pangalagaan ang kapaligiran at likas yaman.
II. Sasali sa mga organisasyon sa barangay na tumutulong sa pangangalaga ng likas na yaman.
III. Susunod sa mga pinaiiral na batas na may kaugnayan sa pangangalaga sa kapaligiran
IV. Makikilahok lamang sa mga gawaing pangkalikasan kung ito ay makatutulong sa pansariling
kapakanan.
a.I, II, IV c. I, II, III
b. II, III, IV d. I, III, IV
26. Tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay
A. habitat B.ecological balance C.siltation D.red tide
27.Timbang na ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ang kanilang kapaligiran
A. habitat B.ecological balance C.siltation D.red tide
28.Pagdami ng deposito ng banlik na dala ng umaagos na tubig sa isang lugar
A. habitat B.ecological balance C.siltation D.red tide
29.Sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng dagat
A. habitat B.ecological balance C.deforestation D.red tide
30.Pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa mga gubat
A. habitat B.ecological balance C.deforestation D.red tide

You might also like