Quarter 1 Periodical Test in Araling Panlipunan 4

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02
Schools Division of Isabela
San Guillermo District
SAN GUILLERMO CENTRAL SCHOOL

TALAAN NG ISPESIPIKASYON NG ARALING PANLIPUNAN 4


UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
S.Y. 2022-2023

Layunin Bilang ng Timbang Bilang Kinalalagyan ng


Araw ng Aytem
Aytem
Natatalakay ang konsepto ng bansa 4 9 3 1,2,3
Natutukoy ang relatibong lokasyon 4 9 3 4,5,6
(relative location) ng Pilipinas batay sa
mga nakapaligid dito gamit ang
pangunahin at pangalawang direksyon
*Natutukoy ang mga hangganan at 4 9 3 7,8,9
lawak ng teritoryo ng Pilipinas gamit
ang mapa
*Nasusuri ang ugnayan ng lokasyon 5 11 3 10,11,12
Pilipinas sa heograpiya nito
*Nailalarawan ang pagkakakilanlang
heograpikal ng Pilipinas:
(a) Heograpiyang Pisikal (klima, 9 20 6 13,21,22,23,24,25
panahon, at anyong lupa at anyong
tubig)
(b) Heograpiyang Pantao 5 11 3 14,15,16
(populasyon, agrikultura, at industriya)
*Nakapagmumungkahi ng mga paraan 5 11 3 17,18,19
upang mabawasan ang epekto ng
kalamidad
Nakapagbibigay ng konlusyon tungkol 9 20 6 20,26,27,28,29,30
sa kahalagahan ng mga katangiang
pisikal sa pag- unlad ng bansa
Kabuuan 45 100% 30
Prepared by:
ERMENIA S. RUIZ
Teacher Checked by:
ELENA Q. MIRANDA
Master Teacher I
Noted by:
RONALDO I. CONTE
Principal II
Republic of the Philippines
Department of Education
Region 02
Schools Division of Isabela
San Guillermo District
SAN GUILLERMO CENTRAL SCHOOL

UNANG MARKAHAMG PAGSUSULIT


S.Y. 2022-2023
ARALING PANLIPUNAN
Pangalan: _______________________________Baitang:________ Pangkat: _____ Iskor: _____
I. Panuto: Basahin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ang isang bansa ay maituturing na bansa kung ito ay binubuo ng apat na elemento, alin sa
mga sumusunod?
a. teritoryo, soberanya, kalayaan, tao c. tao, teritoryo, at pamahalaan,
b. pamahaalaan, soberanya, tao d. tao, teritoryo,
pamahalaan,soberanya/kalayaan
2. Ito ang tinitirhan ng mga tao at pinamumunuan ng pamahalaan,
a. Pamahalaan b. Teritoryo c. Kalayaan d. Soberanya
3. Sa iyong palagay, maituturing ba na bansa ang Pilipinas? Bakit?
a. Oo, dahil ang Pilipinas ay may kalayaan
b. Oo, dahil ang Pilipinas ay may sariling teritoryo.
c. Oo, dahil ang Pilipinas ay may pamahalaan na pinamumunuan ng mamamayan.
d. Oo, dahil ang Pilipinas ay may mamamayan, pamahalaan, teritoryo at soberanya.
4. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa rehiyong __________?
a. Timog-silangang Asya c. Timog-kanlurang Asya
b. Silangang Asya d. Timog Asya
5. Ang anyong tubig na nasa timog na bahagi ng Pilipinas ay ang _____________________
a. Bashi Channel c. Karagatang Pasipiko
b. Dagat Celebes d. Dagat kanlurang Pilipinas
6. Alin sa mga sumusunod na anyong lupa na nakapaligid sa bansang Pilipinas?
a. China, Amerika, Indonesia c. Vietnam, Singapore, Cambodia
b. Taiwan, Indonesia, Vietnam d. Vietnam, Brunei, Malaysia
7. Ang Pilipinas ay may lawak na umaabot sa ___________ kilometro?
a. 300 b. 3000 c. 30,0000 d. 300,000
8. Bilang isang mamamayang Pilipino, ano ang pinagbabasehan natin ng hangganan at lawak
ng teritoryo ng Pilipinas?
A. Artikulo I ng Saligang Batas ng 1987 C. Artikulo 3 ng Saligang Batas ng 1987
B. Artikulo 2 ng Saligang Batas ng 1987 D. Artikulo 4 ng Saligang Batas ng 1987
9. Ito ang kabuuang bilang ng mga pulo sa Pilipinas
a. 1,700 b. 3,100 c. 6,451 d. 7, 641
10. Ito ay pag-aaral ng katangiang pisikal ng lugar tulad ng lokasyon, hugis, sukat, lawak,
klima, anyong lupa, anyong tubig at iba pang pinagkukunang yaman. Ang kaugnayan ng
mga ito sa pamumuhay ng tao ay kasama rin sa pinag-aaralan.
a. Heograpiya b. Topograpiya c. Teritoryo d. Pamahalaan
11. Paano malalaman ng iyong kamag-aral kung anong angkop na gagamitin upang matukoy
ang hangganan at lawak ng teritoryo ng isang bansa?
a. sa pamamagitan ng mapa
b. sa pamamagitan ng pakikipanayam
c. sa pamamagitan ng pagbaba sa komiks
d. sa pamamagitan ng pakikinig sa radio
12. Alin sa mga sumusunod ang isa sa hindi- mabuting epekto ng hegrapiyang pisikal ng
bansa?
a. Marami tayong pulo na nagsisilbing daungan ng iba’t ibang sasakyang pandagat.
b. Malawak ang ating pangisdaan
c. Hindi naipapaabot agad ng mga mamamayan ang kanilang mga hinaing o suliranin sa
pamahalaan lalo na yaong mga nasa liblib na lalawigan o kabundukan
d. Marami tayong mga magagandang baybayin na dinarayo ng mga turista
13. May dalawang uri lamang ng panahon sa ating bansa. Ano ang mga ito?
a. tag-ulan at tag-araw c. tag-ulan at tagsibol
b. b. tag-araw at tagsibol d. taglamig at tag-lagas
14. Bilang ng mga tao na naninirahan sa isang tiyak na lugar o rehiyon.
a. Pantao b. Populasyon c. Lipunan d. Industriya
15. Anong rehiyon sa bansa ang may pinakamaraming populasyon?
a. CAR b. CALABARZON c. Rehiyong II d. MIMAROPA
16. Ito ay ang pagpaparami ng mga gawaing pamproduksiyon gaya ng pagpaparami ng mga
hayop, halaman at iba pa. Ito ay nakabatay sa pisikal na kalagayan ng isang lugar.
a. Industriya c. Heograpiya
b. Agrikultura d. Topograpiya
17. Paano na katutulong ang ahensyang Philippine Atmospheric,Geophysical and
Astronomical Services Administration(PAGASA) sa mga mamamayan ngPilipinas?
a. binibigay nito ang magiging lagay ng panahon(weatherforecast) para sa mga
sumusunod na araw
b. ipinapaalam nito ang pinagmulan at lakas ng pagyanig
c. sinisiguro nito ang mabuting kalusugan ng mga mamamayan
d. tinutukoy nito ang nararapat na gawing isolation area o evacuation center
18. Kasalukuyang kumakain ang iyong pamilya nang biglang lumindol. Alin sa mga
sumusunod na gawain ang ibibigay mong mungkahi para sa kaligtasan ng lahat?
a. ready, set and go c. stop, drop and roll
b. duck, cover and hold d. stop, look and listen
19. Paano nakatutulong ang ahensyang PhilippineVolcanology and
Seismology(PHILVOLCS) sa mga tao?
a. sinisiguro nito ang mabuting kalusugan ng mamamayan
b. tinutukoy nito ang nararapat na gawing isolation area o evacuation center
c. binibigay nito ang magiging lagay ng panahon (weather forecast) para sa mga
sumusunod na araw
d. ipinapaalam nito sa mga tao ang maaaring lakas ng pagputok ng bulkan at lawak ng
pinsala.
20. Kung ang anyong tubig ay nagsisilbing daanan ng mga sasakyang pandagat para sa kalakal,
ano naman ang anyong lupa?
a. dahil sa sasakyang pandagat napaunlad ang kalakalan
b. nagbibigay – saya sa mga turista sa panahon ng tag – init
c. taniman ng iba’t ibang produkto gaya ng palay, tubo at mais
d. nabibighani ang mga turista tuwing nasisilayan ang mga ilog, lawa at talon

II. A. Panuto: Basahin at piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Dagat ilog bukal lambak burol


Sierra Madre

__________21. patag na lupa sa pagitan ng bundok.


__________22. mahaba at paliko likong anyong tubig na tumutuloy sa dagat. Hindi maalat ang
tubig dito.
__________23. Ito ay mataas na bahagi ng lupa ngunit mas mababa sa bundok.Pabilog ang
hugis ng itaas nito.
__________24. Bahagi ng karagatan. Mas mainit ang tubig dito kaysa sa karagatan.
__________25. Anyong tubig na nagmumula sa ilalim ng lupa. Ang tubig na nanggagaling dito ay
mainit at mayaman sa mga mineral.

B. Pnuto: Isulat ang kahalagayan o pakinabang sa mga anyong lupa at anyong tubig sa pag-
unlad ng bansa. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

•Nagbibigay ng lakas enerhiya •Mataba ang lupa dito at


mainam na tanimam at nagsisilbing
•Nagsisilbing panangga sa mga bagyo,taniman at pastulan atraksiyon ng mga turista
•Malawak na taniman ng palay, mais, tubo at gulay •Maaring gawing resort,
pasyalan o lugar para sa piknik

Anyong Lupa/Anyong Tubig Pakinabang/Kahalagahan


26. bulubundukin
27. dalampasigan
28. bulkan
29. Kapatagan/talampas
30. Talon

You might also like