Pumunta na sa main content

Kailan pinakamagandang bumisita sa Germany?

Travel advisory

Batay ang impormasyon sa page na ito sa historical averages at maaaring hindi ipinapakita ang kasalukuyang sitwasyon. Alamin mula sa local authorities ang pinakabagong travel advice.

Magbasa pa

Pinakamagandang bumisita sa Germany sa pagitan ng Mayo at Setyembre. Sa kabila ng paminsan-minsang pag-ulan, nababagay pa rin ang mga buwang ito sa pagpasyal sa lahat ng inaalok ng Germany, dahil sa mainit na panahon at mahahabang araw.

Karaniwang banayad at kaaya-aya ang panahon sa huling bahagi ng spring, bago lumipat ang mga average na temperatura sa twenties at mas tumaas pa sa Hunyo, Hulyo, at Agosto. Mararamdaman mo ang pinakamainit na klima sa mga lungsod tulad ng Frankfurt at Offenbach, habang nagkakaroon ang Berlin ng mainit – kung kadalasa’y maulan – na mga araw sa summer. Kung isasantabi ang lagay ng panahon, maraming dapat ipagdiwang sa Germany sa pagitan ng Mayo at Setyembre. Ito man ay ang Hafengeburtstag festival sa Hamburg, ang Karneval sa Berlin, o ang world-famous Oktoberfest ng Munich, marami kang makikitang libangan sa pagbisita mo rito.

Monthly weather at travel tips sa Germany

Pinakamalamig at pinakamadilim na buwan sa Germany ang Enero, na may maiiksing araw at mga temperaturang napakalapit sa 0°C. Ngunit hindi naman ito puro negatibo – ang malamig na klima ay nagdudulot ng maayos na ski conditions sa kabundukan, at magandang pagkakataon ito para manatili sa loob ng bahay at sulitin ang mga museum, gallery, tindahan, at restaurant ng Germany.

Bagama’t hindi ganoon kasikat sa mga skier kumpara sa ilan sa mga karatig bansa nito, maraming top resort sa Germany na magdadala sa ‘yo sa mga piste map, kabilang ang Garmisch-Partenkirchen, ang Harz Mountains, at ang Allgäu. Ang capital ay hindi magiging kasing lamig ng mga abalang slope sa bundok, ngunit kakailanganin mo pa ring magsuot ng makapal na damit – gawin ito nang nakaporma sa installment ng Berlin Fashion Week sa Enero.

4°C

Pinakamataas

-0°C

Pinakamababa

17 araw

Ulan

Ang lagay ng panahon sa malaking bahagi ng Germany sa Pebrero ay medyo mas mainit kaysa sa Enero – ngunit kakailanganin mo pa ring magdala ng makapal na damit para labanan ang mga single-digit na temperatura. Bagama’t partikular na maginaw malapit sa Hamburg at sa baybayin ng Baltic Sea, ang magandang balita ay isa rin ang Pebrero sa mga pinakatuyong buwan ng bansa.

Dahil sa malamig at tuyong panahon at mga school holiday sa Pebrero, nasa pinakaabalang panahon ang mga ski slope at resort. Habang kasagsagan ng ski season sa kabundukan, marami ring party sa mga metropolitan na lungsod sa ibaba. Nagsisimula ang “Karneval” period sa Nobyembre, pero umaabot ang maingay na pagdiriwang nito sa huling linggo ng Mahal na Araw. Sa panahong ito, makikita mo ang mga pangunahing kalsada sa mga lungsod tulad ng Cologne, Mainz, at Bonn na nagiging mga walkway para sa mga parada, prusisyon ng carnival, at dagsa ng mga partygoer na nakasuot ng magagarbong damit.

4°C

Pinakamataas

-2°C

Pinakamababa

14 araw

Ulan

Ang Germany sa Marso ay maaaring maging medyo maginaw ang pakiramdam sa simula, ngunit may presko at pakiramdam ng spring sa pagtatapos ng buwan. Sa kabila ng mga tumataas na temperatura at mas dumadalas na pagpapakita ng araw, magandang idea pa ring magdala ng maraming makapal na damit – at pati na ng sunglasses para sa paminsan-minsang maliwanag na hapon sa spring.

Medyo tahimik ang events calendar pati na ang buhos ng tao sa Germany sa Marso, maliban na lang sa pagdating ng mga turista sa Berlin para sa Internationale Tourismus Börse (ITB) – ang pinakamalaking travel exhibition sa mundo. Isa pang event na karapat-dapat bigyang-pansin ay ang Hamburger Dom ng Hamburg. Hindi lang ito isa sa mga pinakamatandang funfair sa Europe – na nagsimula pa noong 1329 – isa rin ito sa mga pinakamalaki, kaya asahan ang mga roller coaster, ride, pagkain, at saya para sa buong pamilya.

10°C

Pinakamataas

1°C

Pinakamababa

14 araw

Ulan

Kasagsagan ng spring sa Germany kapag Abril. Habang nasa kalangitan ang araw at umaabot ang average na temperatura ng Germany sa mga 10°C para sa buwan, paiba-iba pa rin ang lagay ng panahon. Posibleng umaraw at pagkatapos ay biglang umulan, kaya magandang idea na magdala ng payong at kapote.

Umulan man o umaraw, abalang buwan ito para sa mga event at activity, kung kailan nangyayari ang mga pagdiriwang ng Easter sa iba’t ibang dako ng bansa. Ang Abril sa Berlin ay panahon para ipagdiwang ang sining, sa pamamagitan ng mga film event, classical music gala, at art gallery na bukas sa weekend. Bagama’t pakiramdam ng ilan ay medyo malayo pa ang Oktoberfest, nagpapasya ang mga lungsod ng Stuttgart at Munich na maagang buksan ang mga bariles ng beer sa panahon ng mga tradisyunal na pagdiriwang ng Spring Festival. Maaari kang patuloy na magsuot ng lederhosen at dirndls para maging tanda ng pagtatapos ng Winter festivities ng Maifest, o palitan ang mga ito ng mga witch at warlock costume para sa mga mala-Halloween na Walpurgisnacht parade sa mga village ng Harz Mountain.

14°C

Pinakamataas

5°C

Pinakamababa

14 araw

Ulan

Naglalaro ang mga average na temperatura sa palibot ng 15°C mark sa Germany kapag Mayo. Makakaranas ka ng bahagyang mas maginaw na panahon sa kahabaan ng mga baybayin ng North Sea at Baltic Sea, habang ang mga mas gitna at katimugang rehiyon tulad ng Berlin at Bavaria ay tumutulong na pataasin ang average na temperatura. Mayroon ding paminsan-minsang pag-ulan, kaya magandang magdala ng payong sakaling umulan.

Dumarating ang mas mainit na panahon sa tamang oras para sa locals na ine-enjoy ang mga public holiday at party sa Mayo na nagsisimula sa Labor Day sa unang araw ng buwan. Nagiging abalang-abala ang Berlin sa araw na ito dahil sa mga street party at demonstrasyon na ginaganap sa malaking bahagi ng lungsod. Sa huling bahagi ng buwan, ginagaya ng Berlin ang Rio de Janeiro sa panahon ng Carnival of Cultures – isang apat na araw na pagdiriwang ng diversity ng lungsod – habang sa Hamburg, may mga concert, fair, at fireworks para sa kanilang Hafengeburtstag party. Kung gusto ng mas mahinanon, pumunta sa Göttingen para panoorin ang mga opera performance at classical concert ng International Handel Festival.

17°C

Pinakamataas

8°C

Pinakamababa

15 araw

Ulan

Ang Hunyo sa Germany ay may posibilidad na maging mainit at maaraw, kung kailan ang mga oras na may liwanag ng araw ay umaabot nang lampas 9:00 pm. Sinusulit ng locals ang panahon sa pamamagitan ng paglangoy sa mga lawa at mga dagat ng hilagang baybayin, kaya magdala ng swimwear at sunblock kung gusto mo silang samahang lumangoy. Gugustuhin mo ring mag-iwan ng space sa maleta para sa isang payong, dahil pinakamaulang buwan ng Germany ang Hunyo.

Handang-handa na rin ang events calendar pagsapit ng Hunyo, na isang napakalaking buwan para sa musika. May bagay na aangkop sa bawat panlasa, ito man ay ang mga nakahahalinang ritmo sa Africa Festival sa Würzburg, mga heavy-hitting riff sa Nürburgring, o walang kakupas-kupas na classical music sa Bachfest ng Leipzig. Kung wala sa mga ito ang magpapaindak sa iyo, abangan ang mga libreng concert sa mga lungsod sa buong Germany bilang bahagi ng pandaigdigang Fête de la Musique. Isa pang highlight na dapat abangan ay ang Kieler Woche, isang malaking sailing festival sa Kiel na tumatagal nang isang linggo, at itinuturing na pinakamalaki sa uri nito kahit saang dako.

21°C

Pinakamataas

11°C

Pinakamababa

15 araw

Ulan

Ang mainit na panahon at mahahabang araw ay ginagawa ang Hulyo na isa sa mga pinakamagandang panahon para bisitahin ang Germany. Kasagsagan ng travel season sa bansa, habang tumatakas ang locals papunta sa mga lawa at baybayin para magpalamig mula sa mga temperatura na maaaring umaabot nang mas mataas sa 30°C. Ang mainit na klima ay nangangahulugang mayroon ding posibilidad ng thunderstorms, kaya magdala ng kapote at maraming shorts, t-shirt, at swimwear.

Kailangan din ng partywear para sa mga pagbisita sa maraming lungsod ng Germany sa Hulyo – lalo na’t nangyayari dito ang ilan sa pinakamalalaking LGBTQ+ pride parade ng Europe. Umaakit ang mga pagdiriwang na ito – na kilala rito bilang Christopher Street Day – ng daan-daang libong tao sa mga lungsod tulad ng Berlin, Munich, at Cologne. Maaari ka ring sumali sa mga party sa ibang dako ng Germany – nabubuhay ang lungsod ng Coburg para sa Samba Festival, habang isinusuot ng Hamburg ang 70s disco outfit nito para sa Schlagermove street parade. Mayroon ding ilang mas nakaka-relax na event sa paligid, tulad ng mga opera concert sa panahon ng Opernfestspiele ng Munich, classical music sa Schleswig-Holstein Musik Festival, at mga bagong trend sa Berlin Fashion Week.

24°C

Pinakamataas

14°C

Pinakamababa

16 araw

Ulan

Ang mga average na temperatura na humigit-kumulang 20°C ay ginagawa ang Agosto na isa sa pinakamaiinit na buwan sa Germany. Kailangan mong mag-impake ng damit para labanan ang init, pero maganda ring magdala ng kapote sakaling maipit ka sa paminsang-minsang thunderstorm sa hapon.

Nagpupunta ang locals sa mga baybaying rehiyon ng hilaga para sulitin ang summer weather ng Agosto. Bukod sa pag-enjoy sa mga beach at nakakapreskong simoy ng Baltic Sea, sulit ding dumaan sa Rostock para makita ang mga fleet ng mga kamangha-manghang naglalayag na barko sa panahon ng Hanse Sail. Sa Stuttgart sa timog, nagbabagong-anyo ang city center para sa apat na araw ng musika, entertainment, at pagkain sa panahon ng Stuttgarter Sommerfest. At sa pagtatapos ng buwan, nagsisilbing host ang Berlin sa Lange Nacht der Museen – isang napaka-espesyal na gabi kung kailang binubuksan ng mga museum, castle, at planetarium ng lungsod ang kanilang mga hall, terrace, at archive sa publiko.

23°C

Pinakamataas

13°C

Pinakamababa

15 araw

Ulan

Bagama’t naghuhudyat ang Setyembre ng pagsisimula ng autumn sa Germany, nagpapatuloy ang mainit na panahon mula sa summer kaya may kaaya-ayang temperatura at mahahabang araw. Dahil nasa kalangitan ang araw at balik-eskuwela ang mga local na bata, napakagandang panahon ang Setyembre para libutin ang Germany at bisitahin ang ilan sa mga world-famous event na nangyayari dito.

Isa sa mga pinakakilalang event ay ang Oktoberfest – na, sa kabila ng medyo nakakalitong pangalan, ay nagsisimula talaga sa Setyembre. Munich ang tahanan ng original at pinakamalaking pagdiriwang ng Oktoberfest sa mundo, ngunit makakahanap ka rin ng mga beer festival – at ang mga kasama nitong fairground at traditional German food – sa mga lungsod tulad ng Hannover, Stuttgart, Frankfurt, at Berlin. Kung nais ng pahinga mula sa mga beer tent, puwedeng bumagay ang (sana’y) maaraw na panahon ng Setyembre para sa panonood ng Berlin Marathon.

18°C

Pinakamataas

10°C

Pinakamababa

13 araw

Ulan

Medyo pabago-bago ang lagay ng panahon sa Germany sa Oktubre, ngunit karaniwang nanatili itong medyo banayad. Makakaranas ka pa rin ng ilang maaraw na maghapon, ngunit ang malamig at preskong klima ay nangangahulugan na kakailanganin mo ng ilang pampatong na damit kapag lumalabas at naglilibot sa Germany. Kung gusto mong magpainit tulad ng locals, isuot ang iyong dirndl o lederhosen at panoorin ang pagtatapos ng mga pagdiriwang ng Oktoberfest ng Setyembre nang nakaporma.

Marami pa ring puwedeng gawin sa Germany kapag nagtapos na ang mga nag-uumapaw sa pagdiriwang ng beer. Itinatabi ng Munich ang mga beer tent at itinatago ang mga stein para magbigay-daan sa taunang marathon ng lungsod sa unang bahagi o kalagitnaan ng Oktubre. Sa Frankfurt, puwedeng magpakasawa sa pinakamalaking book fair sa mundo ang mga mahilig magbasa, habang Berlin ang lugar para makita ang mga sikat na landmark na pinapailawan sa panahon ng Festival of Lights.

14°C

Pinakamataas

7°C

Pinakamababa

14 araw

Ulan

Makakakuha ka ng mga maagang sign ng winter kapag Nobyembre sa Germany. Bumababa ang average na temperatura papunta sa single digits, at may posibilidad na maging malamig, basa, at mahangin ang panahon. Ang madilim na kalangitan ay mayroon ding pakinabang – karamihan sa mga tao mula sa mga naunang buwan ay nakaalis na ng bansa pagsapit ng Nobyembre, kaya maaari mong sulitin ang mas maiiksing pila para sa ilan sa mga nangungunang tourist attraction ng Germany.

Sa pagitan ng mga pagbisita sa mga pasyalan tulad ng Brandenbrug Gate, Reichstag, at Museum Island ng Berlin, may ilang event na dapat ding puntahan kung nandito ka. May mga show ang JazzFest Berlin tulad ng mga live concert, pelikula, at talakayan, habang sa huling bahagi ng Nobyembre, idinaraos ng Munich ang Tollwood Winter Festival – isang pangkulturang pagtitipon na may musika at sining, pagkain at mga pamilihan, at eco-friendly focus.

9°C

Pinakamataas

4°C

Pinakamababa

15 araw

Ulan

Nagsisimula ang ginaw ng winter pagdating ng Disyembre sa Germany. Magdala ng maiinit na damit para sa mga average na temperatura na naglalaro nang kaunti sa itaas ng zero degree mark – o sa ibaba nito sa ilan sa mga Alpine region. Kung nangangarap ka ng white Christmas, maaaring may kaunting snow sa Bavaria sa Disyembre, na puwedeng madagdagan pa habang papataas ka nang papataas sa mga bundok.

Sa kabila ng malamig na panahon sa labas, dumaragsa ang maraming tao sa mga sikat na Christmas market sa iba’t ibang dako ng bansa. Ang mga plaza ng bayan ay nasasakop ng mga rustic wooden hut, na nagbebenta ng traditional Christmas food, handcrafted na mga regalo, at maraming nakakapagpainit na mulled wine. Ang Christkindlesmarkt sa Nuremberg, Striezelmarkt sa Dresden, at Gendarmenmarkt sa Berlin ay kasama sa ilan sa mga pinakamalalaki at pinakamagagandang Christmas market sa Europe. Kapag naranasan mo na ang Christmas festivities, maghanda para ipagdiwang ang Bisperas ng Bagong Taon – na kilala rito bilang Silvester – na may fireworks at mga party sa iba’t ibang dako ng Germany.

6°C

Pinakamataas

2°C

Pinakamababa

17 araw

Ulan

Weather at temperature sa Germany

Ang pinakamagandang lagay ng panahon sa Germany ay dumarating sa pagitan ng Mayo at Setyembre. Nagbabago ang temperatura at mga kondisyon sa panahong ito, ngunit sa pangkalahatan, maaari kang umasa sa isang mainit na klima at mahahabang araw – lalo na sa Hulyo at Agosto, ang dalawang pinakamainit na buwan sa Germany. Ang mga temperatura sa mga lungsod tulad ng Berlin at Frankfurt ay maaaring umakyat papunta sa low thirties sa panahong ito. Nag-aalok ang Mayo at Hunyo ng mga mas banayad na klima na tamang-tamang para sa paglilibot sa great outdoors, samantalang nanatiling nakakagulat na mainit ang Setyembre habang ang summer ay nagiging autumn. Ang weather forecast sa pagitan ng Mayo at Setyembre ay puwedeng maging angkop para sa kaaya-ayang pagbabasa, ngunit magandang idea rin na magdala ng payong sakaling magkaroon ng spring showers at summer thunderstorms.

Enero Pebrero Marso Abril Mayo Hunyo Hulyo Agosto Setyembre Oktubre Nobyembre Disyembre
Berlin Pinakamataas 3°C 4°C 9°C 15°C 19°C 22°C 26°C 25°C 19°C 14°C 9°C 6°C
Pinakamababa -1°C -3°C 0°C 4°C 8°C 11°C 14°C 13°C 10°C 6°C 3°C 1°C
Ulan 17 araw 14 araw 15 araw 14 araw 15 araw 15 araw 16 araw 15 araw 14 araw 15 araw 16 araw 17 araw
Munich Pinakamataas 4°C 2°C 10°C 14°C 17°C 21°C 24°C 24°C 18°C 13°C 8°C 6°C
Pinakamababa -1°C -5°C -0°C 4°C 8°C 11°C 14°C 13°C 9°C 6°C 2°C -1°C
Ulan 17 araw 14 araw 15 araw 14 araw 15 araw 15 araw 16 araw 15 araw 14 araw 15 araw 16 araw 17 araw
Hamburg Pinakamataas 4°C 4°C 9°C 13°C 17°C 19°C 23°C 22°C 18°C 14°C 9°C 6°C
Pinakamababa -0°C -1°C 1°C 3°C 8°C 10°C 13°C 12°C 10°C 7°C 4°C 2°C
Ulan 17 araw 14 araw 15 araw 14 araw 15 araw 15 araw 16 araw 15 araw 14 araw 15 araw 16 araw 17 araw
Frankfurt Pinakamataas 5°C 4°C 11°C 15°C 18°C 22°C 26°C 24°C 19°C 14°C 9°C 7°C
Pinakamababa 1°C -1°C 2°C 6°C 9°C 12°C 15°C 14°C 11°C 8°C 4°C 2°C
Ulan 17 araw 14 araw 15 araw 14 araw 15 araw 15 araw 16 araw 15 araw 14 araw 15 araw 16 araw 17 araw
Cologne Pinakamataas 6°C 5°C 10°C 14°C 17°C 20°C 23°C 23°C 18°C 15°C 10°C 8°C
Pinakamababa 1°C -1°C 2°C 5°C 8°C 11°C 14°C 13°C 10°C 8°C 5°C 3°C
Ulan 17 araw 14 araw 15 araw 14 araw 15 araw 15 araw 16 araw 15 araw 14 araw 15 araw 16 araw 17 araw
Düsseldorf Pinakamataas 6°C 5°C 11°C 15°C 18°C 21°C 24°C 23°C 19°C 15°C 10°C 8°C
Pinakamababa 2°C -0°C 2°C 5°C 9°C 11°C 15°C 14°C 11°C 8°C 5°C 4°C
Ulan 17 araw 14 araw 15 araw 14 araw 15 araw 15 araw 16 araw 15 araw 14 araw 15 araw 16 araw 17 araw

Mula sa Forecast.io ang weather data

Halaga ng stay sa Germany

Gustong mag-travel nang sulit? Dito, puwede mong tingnan ang average na halaga ng accommodation sa Germany kada gabi.

    0 41 82 123 164
  • ₱ 6,777 Enero
  • ₱ 6,742 Pebrero
  • ₱ 7,226 Marso
  • ₱ 7,472 Abril
  • ₱ 8,131 Mayo
  • ₱ 9,101 Hunyo
  • ₱ 8,047 Hulyo
  • ₱ 8,037 Agosto
  • ₱ 8,852 Setyembre
  • ₱ 7,961 Oktubre
  • ₱ 7,548 Nobyembre
  • ₱ 7,536 Disyembre
    0 41 82 123 164
  • ₱ 5,555 Enero
  • ₱ 5,716 Pebrero
  • ₱ 5,891 Marso
  • ₱ 6,058 Abril
  • ₱ 6,578 Mayo
  • ₱ 6,828 Hunyo
  • ₱ 7,168 Hulyo
  • ₱ 7,094 Agosto
  • ₱ 6,494 Setyembre
  • ₱ 6,401 Oktubre
  • ₱ 5,821 Nobyembre
  • ₱ 6,790 Disyembre
    0 41 82 123 164
  • ₱ 2,436 Enero
  • ₱ 2,623 Pebrero
  • ₱ 2,923 Marso
  • ₱ 3,211 Abril
  • ₱ 3,777 Mayo
  • ₱ 4,488 Hunyo
  • ₱ 3,909 Hulyo
  • ₱ 3,656 Agosto
  • ₱ 4,100 Setyembre
  • ₱ 3,385 Oktubre
  • ₱ 2,973 Nobyembre
  • ₱ 3,162 Disyembre
    0 41 82 123 164
  • ₱ 8,040 Enero
  • ₱ 7,584 Pebrero
  • ₱ 7,856 Marso
  • ₱ 7,751 Abril
  • ₱ 8,502 Mayo
  • ₱ 8,490 Hunyo
  • ₱ 9,540 Hulyo
  • ₱ 9,352 Agosto
  • ₱ 8,025 Setyembre
  • ₱ 8,367 Oktubre
  • ₱ 7,605 Nobyembre
  • ₱ 9,865 Disyembre
    0 41 82 123 164
  • ₱ 5,299 Enero
  • ₱ 5,342 Pebrero
  • ₱ 5,598 Marso
  • ₱ 5,687 Abril
  • ₱ 6,153 Mayo
  • ₱ 6,292 Hunyo
  • ₱ 6,468 Hulyo
  • ₱ 6,497 Agosto
  • ₱ 6,266 Setyembre
  • ₱ 6,016 Oktubre
  • ₱ 5,594 Nobyembre
  • ₱ 5,928 Disyembre

Pinakamagagandang puntahang lugar sa Germany

Tingnan ang ilan sa mga pinakasikat na lungsod, mapupuntahang lugar, at dapat gawin sa Germany!

Ano ang sinasabi ng ibang travelers sa kanilang bakasyon sa Germany