Pumunta sa nilalaman

Asiryong Simbahan ng Silangan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Simbahang Assyrian ng Silangan)

Asiryong Simbahan ng Silangan
Assyrian church of the East.png
Emblem ng Asiryong Simbahan ng Silangan
Tagapagtatag Bumabakas ng mga pinagmulan ni kay Apostol Tomas, Bartolomeo, Thadeo ng Edessa at Mari.
Independensiya n/a
Rekognisyon
Primado Katolikos-Patriarka ng Asiryong Simbahan ng Silangan na si Mar Dinkha IV Khanania
Headquarters Chicago, Illinois, Estados Unidos
Teritoryo Gitnang Silangan, India, Hilagang Amerika, Oceania, at Europa.
Mga pag-aari
Wika Syriac,[1] Aramaic
Mga tagasunod 400,000 - 500,000[2][3][4]
Websayt www.assyrianchurch.com/

Ang Asiryong Simbahan ng Silangan o Assyrian Church of the East at opisyal na Banal an Apostolikong Katolikong Asiryong Simbahan ng Silangan[5] Klasikong Siriako: ܥܕܬܐ ܩܕܝܫܬܐ ܘܫܠܝܚܝܬܐ ܩܬܘܠܝܩܝ ܕܡܕܢܚܐ ܕܐܬܘܪܝܐʻIttā Qaddishtā w-Shlikhāitā Qattoliqi d-Madnĕkhā d-Āturāyē, ay isang Simbahang Syriac na historikal na nakasentro sa Mesopotamia. Ito ang isa sa mga simbahan na nag-aangkin ng pagpapatuloy sa historikal na Patriarkada ng Seleucia-Ctesiphon - ang Simbahan ng Silangan. Hindi tulad ng karamihan ng mga simbahang bumabakas ng kanilang mga pinagmulan sa sinaunang panahon, ang modernong Simbahang Asiryo ng Silangan ay walang komunyon sa ibang mga simbahan, sa Silangang Ortodokso, Oriental na Ortodokso o Simbahang Katoliko. Ang simbahang ito ay pinamumunuan ng Katolikos-Patriarka ng Asiryong Simbahan ng Silangan na si Mar Dinkha IV na kasalukuyang nangangasiwa mula sa Chicago, Illinois, United States. Sa ilalim ng Katolikos-Patriarka ay ang isang bilang mga obispong metropolitano, mga obispo ng diocese, mga pari at mga deakono na naglilingkod sa mga diocese sat parokya sa buong Gitnang Silangan, India, Hilagang Amerika, Oceania, at Europa kabilang ang Caucaus at Rusya. Sa teolohiya, ang simbahang ito ay nauugnay sa doktrina ng Nestoryanismo na humantong sa simbahang ito na makilala bilang "Simbahang Nestoryano" bagaman ang mga pinuno ng simbahan ay minsang tumatakwil sa tawag na Nestoryano. Ang simbahang ito ay gumagamit ng dialektong Syriac ng wikang Aramaiko sa liturhiya nito na Ritong Silangang Syrian na kinabibilangan ng mga anaphora na itinutro kina San Thadeo ng Edessa at San Mari, Teodoro ng Mopsuestia at Nestorio.[6]

Ang Simbahan ng Silangan ay umunlad mula sa maagang mga pamayanang Kristiyanon Asiryo sa probinsiyang Assuristan ng Imperyong Partia. Sa tugatog nito ay kumalat ito sa sentro ng Mesopotamia hanggang sa Tsina at India. Ang isang alitan tungkol sa paghalili ng patriarka ay humantong sa sisma ng 1552 na humantong sa pagkakaroon ng dalawang magkatunggaling mga patriarka. Ang isang paksiyon na kalaunang lumitaw mula sa pagkakabahaging ito ay naging modernong simbahang Asiryo ng Silangan samanatalang ang isa pa ay naging simbahang kilala ngayon bilang Kaldeong Katolikong Simbahan na pumasok sa isang komunyon sa Simbahang Katoliko.

Ang Simbahan ng Silangan ay orihinal na umunlad noong unang siglo CE sa mga rehiyong nagsasalita ng Aramaiko ng Asirya, Babilonia at hilagang kanluaran ng Persia(ngayong Iraq, timog silangang Turkey, hilangang silangang Syria at kanlurang Iran) hanggang sa silangan ng imperyong Romano-Byzantine. Ito ay isang simbahang Apostoliko na pinaniniwalaang itinatag ng mga apostol na Tomas na Apostol, Thadeo ng Edessa at Bartolemeo. Sinasabi ring ang apostol Pedro ay nagdagdag ng pagpapala nito sa Simbahan ng Silangan sa panahon ng kanyang pagbisita sa sede ng Babilionia, "Ang babae na nasa Babilonia ay bumabati sa inyo. Siya rin ay isang hinirang na tulad ninyo. Binabati rin kayo ni Marcos na aking anak." (1 Pedro 5:13).[7]

Ang opisyal na pagkilala ay unang ipinagkaloob sa pananampalatayang Kristiyano sa ikaapat na siglo CE sa pag-akyat sa trono ni Yazdegerd I ng Imperyong Sassanid. Noong 410 CE, Ang synod ng Seleucia-Ctesiphon ay idinaos sa kabiserang Sassanid na pumayag sa mga namumunong obispo na humalal ng isang pormal na Katolikos o pinuno. Ang Katolikos na si Mar Isaac ay inatasan na parehong mamuno sa pamayanang Kristiyano at sumagot sa ngalan nito sa emperador na Sassanid.[8][9]

Sa ilalim ng pamimilit mula sa emperador na Sassanid, ang Simbahang ng Silangan ay papalaking naghangad na idistansiya ang sarili nito mula sa Kanluraning Simbahan ng Imperyo Romano. Noong 424 CE, ang mga obispo ng imperyong Sassanid ay nagpulong sa isang konseho sa ilalim ng Katolikos na si Mar Dadisho I (421-456) at tinukoy na mula nito ay hindi na sila sasangguni sa mga problemang pang-disiplina o pang teolohiya sa anumang panlabas na kapangyarihan at lalo na sa anumang obispo o Konseho ng Simbahan sa Imperyo Romano.[10] Sa gayon, ang mga Simbahang Mesopotamian at Persian ay hindi kinatawan sa iba't ibang mga Konseho ng Simbahan ng Kanluraning Simbahan. Hindi naramdaman ng mga pinuno ng Simbahang Persian na sila ay nakatali sa anumang mga desisyon ng ituring na mga konsehong imperyal ng Roma. Sa kabila nito, ang mga kredo at kanon ng Unang Konseho ng Nicaea na nagpapatibay ng buong pagkadiyos ni Kristo ay pormal na tinanggap sa Synod ng Seleucia-Ctesiphon.[11] Ang pagkakaunaw ng Simbahang Asiryo ng Silangan sa terminong hypostasis ay iba mula sa depinisyong ibinigay sa Konseho ng Chalcedon. Dahil dito, hindi kailanman inaprubahan ng Asiryong Simbahan ng Silangan ang depinisyong Chalcedonian.[11] Ang kontrobersiya sa teolohiya na sumunod sa Unang Konseho ng Efeso ay naging mahalagang sandali sa kasaysayan ng Simbahan. Kinondena ng Konseho na heretikal ang Kristolohiya ni Nestorius na ang pag-aatubili nitong ipagkaloob sa Birheng Marya ang pamagat na Theotokos(Ina ng Diyos) ay inunawang ebidensiya na siya ay naniwala sa dalawang magkahiwalay na mga persona(sa halip na sa dalawang mga kalikasan) na presente sa loob ni Kristo. Nakita ng emperador na Sassanid na napopoot sa imperyo Romano ang pagkakataon na siguraduhin ang katapatan ng kanyang mga nasasakupang Kristiyano at nagbigay suporta sa sismang Nestorianismo. Nagsagawa ng mga hakban ang emperador na Sassanid upang sementuhan ang primasiya ng partidong Nestorian sa loob ng simbahang Persian na nagkakaloob sa mga kasapi nito ng proteksiyon at pagpaslang sa pro-Romanong Katolikos na si Babowai at pinalitan ito ng obispong Nestorian na si Nisibis, Barsauma.[12] Kinumpirma ng Katolikos-Patriarka na si Mar Babai I(497–503) ang assosiasyon ng Simbahang Persa (Persian) sa Nestorianismo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "CNEWA United States - The Assyrian Church of the East". Cnewa.us. 1997-08-15. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-31. Nakuha noong 2012-06-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Nestorian". Encyclopædia Britannica. Retrieved 19 Abril 2010.
  3. "CNEWA United States - The Assyrian Church of the East". Cnewa.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-23. Nakuha noong 2012-06-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. [1]
  5. An Introduction to the Christian Orthodox Churches, By John Binns, page 28 [2]
  6. Cross, F. L. & Livingstone E.A. (eds), Oxford Dictionary of the Christian Church, Oxford University Press, 1997, p.351-352
  7. "Holy Apostolic Catholic Assyrian Church of the East". Oikoumene.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-10-01. Nakuha noong 2012-06-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. J.-M. Fiey, Jalons pour une histoire de l'eglise en Iraq, (Louvain: Secretariat du CSCO, 1970)
  9. M.-L. Chaumont, La Christianisation de l'empire Iranien, (Louvain: Peeters, 1988).
  10. Henry Hill, Light from the East, (Toronto Canada: Anglican Book Centre, 1988) p. 105.
  11. 11.0 11.1 Cross, F.L. & Livingstone E.A. (eds), Oxford Dictionary of the Christian Church, Oxford University Press, 1997, p. 351
  12. Leonard M Outerbridge, The Lost Churches of China, (Westminster Press, USA, 1952)