Simbahan ng Banal na Sepulkro
Church of the Holy Sepulchre | |
---|---|
Relihiyon | |
Pagkakaugnay | Christianity |
Taong pinabanal | 325/326 |
Lokasyon | |
Lokasyon | Old City of Jerusalem |
Arkitektura | |
Uri | Church, Basilica |
Istilo | Romanesque, Baroque |
Ang Simbahan ng Banal na Sepulkro o Church of the Holy Sepulchre na tinataawag ring Basilica of the Holy Sepulchre o Church of the Resurrection sa Silangang Kristiyanismo ay isang simbahang gusali sa loob ng kwarter na Kristiyanong may pader na Lumang Siyudad ng Herusalem. Ang lugar na ito ay pinapipitaganan bilang ang golgotha[1] kung saan ayon sa bibliya ay pinagpakuan ni Hesus[2] at pinaniniwalaang naglalaman ng lugar kung saan inilibing si Hesus(ang sepulkro). Ang gusaling ito ay higit sa lahat at pinakamahalgang lugar ng pilgrimahe ng mga Kristiyano simula pa ng ika-4 siglo CE bilang ang inaangking lugar ng pagkabuhay na muli ni Hesus. Sa ngayon, ito ay nagsisilbi na mga headkwarter ng Griyegong Ortodoksong Partiarka ng Herusalem samantalang ang kontrol nito ay pinagsasaluhan sa pagitan ng ilang mga simbahang Kristiyano at entidad na sekular sa komplikadong kaayusan na hindi nabago sa loob ng mga siglo. Ito ay tahanan rin ng Silangang Ortodokso, Ortodoksong Oriental at Simbahang Katoliko Romano.[3] Ang ilang mga Kristiyano ay tumuturing sa alternatibong libingang hardin sa Herusalem na ang tunay na lugar ng pinagpakuan at pinagbuhayang muli ni Hesus.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong simula ng ika-2 siglo CE, ang lugar ng kasalukuyang simbahang ito ay isang templo ng diyosang si Aphrodite. Ang lugar na ito ay alternatibong inilarawan ng ilang mga sinaunang manunulat bilang isang templo ni Venus na katumbas na Romano ng Griyegong si Aphrodite. Inangking ni Eusebio ng Caesarea na ang lugar ay orihinal na isang lugar na Kristiyano ng benerasyon ngunit sinadyang takpan ng emperador Hadrian ang mga lugar na Kristiyano ng lupa at nagtayo ng kanyang sariling templo sa tuktok dahil sa kanyang pagkapoot sa Kristiyanismo. Ang templo ni Aphrodite ay malamang na itinayo bilang bahagi ng rekonstruksiyon ni Hadrian ng Herusalem bilang Aelia Capitolina noong 135 CE kasunod ng pagkakawasak ng Unang Digmaang Hudyo-Romano noong ca. 70 CE at Himagsikang Bar Kokhba noong 135 CE. Iniutos ni Emperador Constantino I noong mga 325/326 CE na ang templo ay wasakin at ang lupa na nagbibigay ng isang patag na ibabaw sa templo ay alisin. Kanyang inutos kay Marcius ng Herusalem na lokal na Obispong Kristiyano na magtayo ng isang simbahan sa lugar. Inutos ni Constantino sa kanyang inang si Helena na magtayo ng mga simbahan na umaalala sa buhay ni Hesus. Si Helena ay presente noong 326 CE sa pagtatayo ng simbahan sa lugar at nagsangkot ng kanyang sarili sa paghuhukay at pagtatayo. Sa paghuhukay, inangking muling natuklasan ni Helena ang Tunay na Krus at isang libingan bagaman ang salaysay ni Eusebio ay hindi nagbabanggit ng presensiya ni Helena sa paghuhukay o pagkakatuklas ng isang krus ngunit isa lamang libingan. Ang simbahang Kristiyano ni Emperador Constantino I ay itinayo bilang dalawang magkadugtong na mga simbahan sa dalawang magkaibang mga banal na lugar kabilang ang isang malaking basilika(ang Martyrium) at isang saradong kolonadong atrium(ang Triportico) sa tradisyonal na lugar ng golgotha sa isang sulok at isang rotunda na tinawag na anastasi(resureksiyon) na naglalaman ng isang pinutol ng batong kwarto na tinukoy nina Helena at Macarius bilang ang libingan ni Hesus. Ang harapang bato sa kanlurang dulo ng gusali ay tinagpas bagaman hindi maliwanag kung gaano karami ang natira sa panahon ni Constantino. Ayon sa imbestigayong arkeolohikal, ang templo ni Aphrodite ay umabot ng malayo tungo sa kasalukuyang areang rotuna at ang sarado ng templo ay kaya umabaot ng mas malayo sa kanluran. Ang domo ng rotunda ay nakumpleto sa huli ng ika-4 siglo CE. Ang gusali ay natupok ng apoyt noong 614 CE nang sakupin ng mga Persian sa ilalim ni Khosrau II ang Herusalem at bumihag sa Krus. Noong 630, matagumpay na nagmartsa ni Emperador Heraclius sa Herusalem at ibinalik ang Tunay na Krus sa muling itinayong simbahan ng Banal na Sepulkro. Sa ilalim ng mga Muslim, ito ay nanatiling isang simbahang Kristiyano. Ito ay pinrotektahan ng mga sinaunang pinunong Muslim na nagbabawal ng pagkawasak ng mga ito at paggamit bilang tirahang mga kwarter. Noong 966, ang mga pinto at bubong ay nasugo sa isang riot. Noong Oktubre 18,1009, inutos ng kalipang Fatimid na si Al-Hakim bi-Amr Allah ang kumpletong pagwasak ng simbahan. Ang reaksiyon ng mga Europeo sa kumpletong pagwasak nito ay gulat at pagkasiphaya na may masidhing mga kinalabasan. Halimbawa, sinisi ng mongheng Cluniac na si Rodulfus Glaber ang mga Hudyo na nagresulta sa pagpapatalsik sa mga Hudyo sa mga bayan ng Pransiya na Limoges at iba pa. Sa huli, ang pagkakawasak ng simbahang ito ang nagbigay ng impetus sa paglulunsad ng kalaunang Mga Krusada ng mga Kristiyano. Sa isang malawak na mga saklaw ng negosiasyon sa pagitan ng mga Fatimid na Muslim at Imperyong Bizantino noong 1027-1028, ang isang kasunduan ay naabot kung saan ang bagong Kalipang si Ali az-Zahir na anak ni Al-Hakim ay pumayag sa muling pagtatayo at muling pagpapalamuti ng simbahan. Ang muling pagtatayo ay nakumpleto sa malaking pagpopondo ng Emperador Constantine IX Monomachos at Patriarka Nicephorus ng Constantinople. Bilang konsesyon, ang moske ng Constantinople ay muling binuksan at ang mga sermon ay ipinahayag sa ngalan ni as-Zahir. liph in Baghdad)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Church of the Holy Sepulchre, Jerusalem". Jerusalem, , Israel: Sacred-destinations.com. 2010-02-21. Nakuha noong 2012-07-07.
- ↑ McMahon, Arthur .L. (1913). Catholic Encyclopedia (sa wikang Ingles). New York: Robert Appleton Company.
{{cite ensiklopedya}}
:|access-date=
requires|url=
(tulong) . Sa Herbermann, Charles (pat.). - ↑ The search for a Protestant Holy Sepulchre: the Garden Tomb in nineteenth-century Jerusalem, The Journal of Ecclesiastical History, April 01, 1995, Kochav, Sarah