Pumunta sa nilalaman

Papa Marcos

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Marcos)
Saint Mark
Nagsimula ang pagka-Papa18 January 336
Nagtapos ang pagka-Papa7 October 336
HinalinhanSylvester I
KahaliliJulius I
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanMarcus
Kapanganakan???
Rome?
Yumao(336-10-07)7 Oktubre 336
Rome?
Kasantuhan
Kapistahan7 October
Pampapang styles ni
Papa Marcos
Sangguniang estiloHis Holiness
Estilo ng pananalitaYour Holiness
Estilo ng relihiyosoHoly Father
Estilo ng pumanawapostle

Si Papa Marcos (hindi dapat ikalito sa Marcos ang Ebanghelista) ang Papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 18 Enero 336 CE hanggang 7 Oktubre 336 CE na petsa ng kanyang kamatayan. Kaunti ang alam sa kanyang maagang buhay. Ayon sa Liber Pontificalis, siya ay isang Romano at ang pangalan ng kanyang ama ay Priscus. Ang ilang ebidensiya ay nagmumungkahing ang maagang mga talaan ng mga obispo at martir na kilala bilang Depositio episcoporum at Depositio martyrum ay sinimulan sa kanyang pagkapapa. Ayon sa Liber Pontificalis, si Marcos ay naglabas ng isang konstitusyon na nagkakaloob sa obispo ng Ostia ng isang pallium at kumukumpirma ng kanyang kapangyarihan sa pagkokonsagra ng mga bagong nahalal na papa. Ayon din dito, siya ang nagtatag ng Basilica ni San Marco sa Roma at isang sementeryo sa ibabaw ng Katakumba ng Balbina sa labas lamang ng siyudad sa mga lupain na nakamit bilang donasyon mula kay Emperador Constantino. Si Papa Marcos ay namatay sa mga natural na kadahilanan at inilibing sa katakumba ng Balbina.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.