Pumunta sa nilalaman

Romanisasyong Hepburn

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Hepburn romanization)

Wikang Hapones

Wikang Hapones

Ang sistemang romanisasyong Hepburn (Hapones: ヘボン式ローマ字 Hebon-shiki Rōmaji) ay ipinangalan kay James Curtis Hepburn, na gumamit nito upang maisalin ang tunog ng wikang Hapones sa alpabetong Latin sa ikatlong edisyon ng kanyang diksyonaryong Hapones-Ingles, na nailimbag noong 1887. Orihinal na iminungkahi ang sistema ng Samahan para sa Romanisasyon ng Alpabetong Hapones (Society for the Romanization of the Japanese Alphabet) (羅馬字会 Rōmajikai) noong 1885. Sunod na inirebisa ang sistemang Hepburn at itinawag itong Shūsei Hebon-shiki Rōmaji (修正ヘボン式ローマ字). Itong bersyong inirebisa ay noong kinilala bilang Hyōjun-shiki Rōmaji (標準式ローマ字) (pamantayang estilo).

Ang orihinal at inirebisang uri ng Hepburn ay nananatili bilang paaran ng pagsalin ng Hapones na may pinakamalawak na pagtanggap. Dahil batay sa ponolohiyang Ingles ang Hepburn, karaniwang makakapagbigkas nang mas tumpak sa orihinal ang isang tagapagsalita ng Ingles na walang alam sa Hapones kaysa sa salitang isinalin sa sistemang Kunrei-shiki Rōmaji (sistemang inatas ng Gabinete).

Hapon Ang lathalaing ito na tungkol sa Hapon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.