Pumunta sa nilalaman

Unang Pahina

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Napiling artikulo

Isang tamaraw na nasa damuhan ng Pambansang Liwasan ng Bundok Iglit-Baco sa Occidental Mindoro.
Isang tamaraw na nasa damuhan ng Pambansang Liwasan ng Bundok Iglit-Baco sa Occidental Mindoro.

Ang tamaraw (Bubalus mindorensis; dating Anoa mindorensis) ay isang bovine (wangis-baka). Kabilang ang ungguladong mamalyang ito sa pamilyang Bovidae na endemiko sa pulo ng Mindoro sa Pilipinas, bagaman pinaniniwalaan din na namuhay ito sa pulo ng Luzon. Unang natagpuan ang hayop na ito sa buong Mindoro, mula kapatagan hanggang sa kabundukan (2000 metro sa ibabaw ng antas ng dagat), ngunit dahil sa paglawak ng tirahan ng mga tao, pangangaso at pagtrotroso, iilan na lamang ang natira sa mga walang nakatira at madamong lugar, kaya kritikal na nanganganib na ngayon ito. Salungat sa karaniwang paniniwala at nakaraang klasipikasyon, hindi sub-uri ang tamaraw ng kalabaw, na mas malaki lamang ng kaunti. May mga ilang pagkakaiba ito sa kalabaw: ang tamaraw ay mas mabuhok ng kaunti, may mga maliwanag na marka sa kanyang mukha at may mas maikling mga sungay na parang titik V. Ito ang ikalawang pinakamalaking katutubong panlupang mamalya sa bansa pagkatapos ng kalabaw. Tinuturing na pambansang simbolo ng Pilipinas ang tamaraw subalit hindi opisyal. Makikita ang larawan ng tamaraw sa mga baryang piso noong 1980 hanggang sa unang bahagi ng 1990. May anyong pangkaraniwan sa pamilyang kinabibilangan nito ang Bubalus mindorensis. May siksik, mabigat na kayarian, wangis-bakang katawan, apat na mga hitang nagtatapos sa mga unguladong paa at isang maliit, nasusungayang ulo sa hangganan ng maliit na leeg. May maliit ito at masiksik kung ihahambing sa Asyatikong pantubig na kalabaw (Bubalus bubalis).

Alam ba ninyo ...

Napiling larawan

Si Sally Kristen Ride (Mayo 26, 1951 – Hulyo 23, 2012) ay isang Amerikanong astronauta at pisiko. Ipinanganak sa Los Angeles, sumali siya sa NASA noong 1978, at noong 1983 naging unang babaeng Amerikano at pangatlong babae na lumipad sa kalawakan, pagkatapos ng mga kosmonauta na sina Valentina Tereshkova noong 1963 at Svetlana Savitskaya noong 1982. Siya ang pinakabatang Amerikanong astronauta na lumipad sa kalawakan, na nagawa ito sa edad na 32.

May-akda ng larawan: NASA

Sa araw na ito (Disyembre 4)

Disyembre 4

Santa Barbara
Santa Barbara
  • 306 — Pagmamartir ni Santa Barbara.
  • 1639 – Nagawa nina Jeremiah Horrocks at William Crabtree ang unang matagumpay na obserbasyon ng isang transito ng Benus.
  • 1980 – Opisyal na nabuwag ang bandang rak na Ingles na Led Zeppelin.

Mga huling araw: Disyembre 3Disyembre 2Disyembre 1

Patungkol

Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman. Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ng Creative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.

Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.

Sa ngayon, mayroon ang Wikipediang Tagalog na:
47,907
artikulo
157
aktibong tagapag-ambag

Paano makapag-ambag?

Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng Pundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman, notabilidad, at pagkamagalang.

Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo, pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato. Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan

Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.

Kaganapan