Unang Pahina
Napiling artikulo
Ang Roma (pagbigkas [ˈroːma]) ay ang punong-lungsod ng bansang Italya at isang espesyal na komuna ng bansa (pinangalanang Comune di Roma Capitale, "Ang Komuna ng Punong Lungsod ng Roma"). Nagsisilbi rin itong punong-lungsod ng rehiyon ng Lazio. Tatlong milenyo nang tinitirhan ito ng mga tao, simula noong unang itinatag ito, ayon sa tradisyon, noong 753 BK. Matatagpuan ito sa mga ilog Tiber at Aniene, malapit sa Dagat Mediteraneo. Makikita sa loob nito ang Lungsod ng Vaticano, isang malayang bansang kinikilala ng mundo, at nagsisilbing punong himpilan ng Simbahang Katolika at ang tirahan ng Santo Papa. Ang Roma ay ang pinakamalaking lungsod sa Italya at isa rin sa mga pinakamalalaki sa Europa, na may lawak na 1,285 kilometro kuwadrado (496.1 mi kuw). Ito ang sentro ng Kalakhang Lungsod ng Roma, na may populasyon ng 4,355,725 (2020) naninirahan, at may katayuan bilang ang pinakamataong kalakhang lungsod sa Italya. May KGK ito ng €75 bilyon—higit na mataas pa sa Bagong Zeeland at katumbas ng Singapore—noong taong 2001. Ibinubunga ng bayan ng Roma ang 6.5% ng pangkalahatang KGK ng Italya, ang pinakamalaking halaga sa lahat ng lungsod ng bansa. Umaabot ang kasaysayan ng lungsod nang 2,800 taon, kung kailan ito ay naging himpilan ng sinaunang Roma (Kahariang Romano, Republikang Romano, at Imperyong Romano), at sunod ng Estadong Papal, Kaharian ng Italya, at ngayon ng Republikang Italyano.
Alam ba ninyo ...
- ...na nagsampa ng petisyon si Solisitor Heneral Menardo Guevarra para kanselahin ang sertipiko ng kapanganakan ni Alice Guo, alkalde ng Bamban, Tarlac, na inisyu ng Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas, kasunod ng mga pagdududa sa kanyang pinagmulan at pagkamamamayan?
- ...na nakabuo ang OpenAI, ang may gawa ng ChatGPT, ng ilang malalaking modelo ng wika na nailabas sa mga open source na modelo dati?
- ... na unang inilagak ang labi ni Jose Rizal sa Liwasang Paco bago ito nailipat sa bahay ng kapatid niyang si Narcisa at kalaunan, sa Liwasang Rizal?
- ... na maaring makuha ang langis ng niyog sa dalawang uri ng proseso: basa o tuyo?
- ... na nakakahawa ang pagtawa, (nakalarawan ang batang tumatawa) at maaaring magdulot ang pagtawa ng isang tao ng pagtawa mula sa iba bilang positibong tugon?
Napiling larawan
Si Sally Kristen Ride (Mayo 26, 1951 – Hulyo 23, 2012) ay isang Amerikanong astronauta at pisiko. Ipinanganak sa Los Angeles, sumali siya sa NASA noong 1978, at noong 1983 naging unang babaeng Amerikano at pangatlong babae na lumipad sa kalawakan, pagkatapos ng mga kosmonauta na sina Valentina Tereshkova noong 1963 at Svetlana Savitskaya noong 1982. Siya ang pinakabatang Amerikanong astronauta na lumipad sa kalawakan, na nagawa ito sa edad na 32.
May-akda ng larawan: NASA
Sa araw na ito (Disyembre 25)
Disyembre 25: Pasko (Kalendaryong Gregoryano); Araw ng Quaid-e-Azam (Pakistan)
- 350 — Nakipagkita si Vetranio kay Constantius II sa Naissus at pinuwersang bumaba sa pwesto bilang Caesar.
- 1776 — Tumawid sina George Washington at ang Hukbong Kontinental sa Ilog Delaware upang atakihin ang pwersang Hessiyano na naglilingkod sa Gran Britanya sa Trenton, New Jersey.
- 1926 — Namatay si Emperador Taishō ng Hapon. Ang kanyang anak, si Prinsipe Hirohito (nakalarawan) bilang Emperador Showa.
- 1991 — Bumaba sa pwesto si Mikhail Gorbachev bilang pangulo ng Unyong Sobyet.
- 2000 — Piniramahan ni Pangulong Vladimir Putin ang isang batas na bumubuo ng isang panibagong Pambansang Awit ng Pederasyong Ruso alinsunod sa pambansang awit ng Unyong Sobyet.
Mga huling araw: Disyembre 24 — Disyembre 23 — Disyembre 22
Patungkol
Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman. Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ng Creative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.
Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.
Sa ngayon, mayroon ang Wikipediang Tagalog na: | |
48,045 artikulo |
130 aktibong tagapag-ambag |
Paano makapag-ambag?
Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng Pundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman, notabilidad, at pagkamagalang.
Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo, pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato. Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan
Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.
Kaganapan
- Nagdeklara ang Pangulo ng Timog Korea na si Yoon Suk Yeol ng batas militar upang supilin ang diumanong "mga pagbabanta ng mga puwersang komunista sa Hilagang Korea at upang alisin ang mga elementong kontra-estado." Binawi din niya din niya ang deklarasyon ilang oras pagakatapos ng boto ng pagtutol ng Kapulungang Pambansa.
- Ipinabatid ng mga Palestinong opisyal na malapit na ang Fatah at Hamas na umabot sa kasunduan sa paghirang ng kumiteng teknokratiko na mamamahala sa Piraso ng Gaza kasunod ng katapusan ng digmaang Israel–Hamas.
- Pinandigan ng isang korte sa Lungsod ng Ho Chi Minh, Biyetnam ang parusang kamatayan para sa makapangyarihang negosyante ng ari-ariang lupain at bahay na si Trương Mỹ Lan pagkatapos napagpasyahang nagkasala ng pagdispalko ng $12.5 bilyon sa pamamagitan ng Sai Gon Joint Stock Commercial Bank.
- Naghain ng reklamong pagsasakdal (o impeachment) laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte (nakalarawan) ng Pilipinas ang koalisyon ng mga pribadong indibiduwal na sinasaad sa pagsasakdal ang 24 na artikulo ng pagsasakdal, kabilang maling paggamit ng bilyong pisong pondong konpidensyal sa kanyang panunungkulan bilang alkalde ng Lungsod ng Dabaw at Pangalawang Pangulo, at direktang pagsangkot sa mga patayang labas sa batas (o extrajudicial killings at pagbabanta laban sa mga matataas na opisyal partikular kina Pangulong Bongbong Marcos, Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, at Ispiker Martin Romualdez.
-
Commons
Repositoryo ng midya -
Wikidata
Datos ng kaalaman -
Wikikawikaan
Mga sipi -
Wiktionary
Diksiyonaryo -
Wikispecies
Direktoryo ng mga espesye -
Wikivoyage
Gabay sa paglalakbay -
Wikisource
Aklatan -
Wikiversity
Kurso at aralin -
Wikinews
Balita at kaganapan -
Wikibooks
Aklat-aralin at manwal -
Wikifunctions
Librerya ng mga punsyon -
MediaWiki
Paggawa ng software na wiki -
Meta-Wiki
Koordinasyon ng proyektong Wikimedia
-
1,000,000+ artikulo
-
250,000+ artikulo
-
50,000+ artikulo