Tipang Kasulatan ng Kilusan/Pagbabago (Susog)
Appearance
This was a historical draft of the Wikimedia Movement Charter. The latest version of the Charter that is up for a global ratification vote from June 25 to July 9, 2024 is available in the main Meta page. We thank the stakeholders of the Wikimedia movement for their feedback and insights in producing this draft. |
Pagbabago (Susog)
Ang Wikimedia Movement Charter ay idinisenyo upang tumagal ng maraming taon. Dahil dito, ang mga pagbabago sa Charter ay gagawin lamang sa mga pambihirang pangyayari. Kung sakali man, ito ay ang mga maliliit na pagbabago sa pagbaybay at balarila na hindi nagbabago sa kahulugan o layunin ng nakasulat na Charter.
Mga kategorya ng mga susog
- Mga maliliit na pagwawasto.
- Pagwawasto ng pagbaybay at balarila na hindi nagbabago sa kahulugan o layunin ng Charter.
- Mga pagbabagong nakakaantig lamang sa mga pamaraang gawain ng Global Council.
- Mga pagbabagong durugtungan ang pangkalahatang mga pananagutan at pagiging kasapi ng GC.
- Mga pagbabagong magreretoke sa mga kinahahalagaan ng kilusan; o ang mga pananagutan at karapatan ng mga nagkukusang-loob, project, kaakibat, hub, Wikimedia Foundation, mga hinaharap na Wikimedia Movement Organizations, at ang higit na malawak na Kilusang Wikimedia.
- Mga pagbabagong iminungkahi ng Kilusang Wikimedia.
Kategorya ng Pagbabago | Pamamaraan | Change Approval Body | Mga naiTala |
1 | Dalawa sa Tatlo (⅔) ay sumu-suporta sa iminungkahing pagbabago | Global Council Board | |
2 | Dalawa sa Tatlo (⅔) na suporta para sa iminungkahing pagbabago | Global Council Assembly | Pagsangguni sa pamayanan ay tinagubilin |
3 | Nararapat na pagsangguni sa pamayanan, dalawa sa tatlo (⅔) na suporta para sa pagbabago, mula sa boto pagkatapos ng pagsangguni | Global Council Assembly | |
4 | Boto ng buong Kilusan, suporta ng karamihan sa pagbabago | Wikimedia Movement | Mekanismo ng pagboto upang masundan ang pamamaraan ng ratipikasyon nang mas malapit hangga't maaari, kabilang ang suportang boto mula sa WMF Board of Trustees |
5 | Ang mga panukala ay dapat matugunan ang pamantayan upang makapagpatuloy sa pagboto. Boto sa lawak ng buong Kilusan, suporta ng karamihan sa pagbabago | Kilusang Wikimedia | Mekanismo ng pagboto upang masundan nang mas malapit ang pamamaraan ng pagpapatibay, hangga't maaari, kasama ang boto ng suporta mula sa WMF Board of Trustees |
Pamamaraan ng pagmumungkahi ng mga pagbabago sa Charter ng Kilusang Wikimedia
Ang Global Council Board ay maaaring magmungkahi ng mga pagbabago sa Kategorya 1, 2, 3 o 4. Ang Global Council Assembly ay maaaring magmungkahi ng mga pagbabago sa Kategorya 2, 3 at 4. Ang mga pagbabago sa Kategorya 5 ay mungkahi ng mga kasapi ng Kilusang Wikimedia.