Sarawak
Ang Sarawak ay isa sa dalawang estado ng Malaysia sa pulo ng Borneo. Isa rin ito sa mga estadong nagtatag ng pederasyon ng Malaysia, kasama ng Hilagang Borneo (Sabah), Singapore at ng Pederasyon ng Malaya. May awtonomong batas ang Sarawak, lalo na pagdating sa pandarayuhan na kaiba sa mga estado ng Tangwaying Malaysia. Kilala ang estado bilang Bumi Kenyalang ("Lupain ng mga Kalaw").
Matatapuan ang Sarawak sa hilagang-kanluran ng Borneo at kahangganan nito ang estado ng Sabah sa hilagang-silangan, Indonesia sa timog, at napalilibutan nito ang Brunei. Kuching ang kabisera ng estado na may populasyong umaabot ng 700,000.[1] Batay sa huling senso noong 2010, umabot sa 2,420,009 ang populasyon ng Sarawak.[2]
Mga sanggunian
baguhinMay kaugnay na midya tungkol sa Sarawak ang Wikimedia Commons.