Lampreya
Ang lampreya, lamprey, o lamprea (na tinatawag ding igat na lampreya o lampreyang palos [bagaman hindi naman talaga mga igat o palos], mula sa Ingles na lamprey eel at tinatawag ding lamprey lamang) ay isang isdang kahawig ng mga igat at mga palos[1], at walang mga panga (mga Agnatha) ngunit may mga ngipin, at tila embudo o balinsunsong (parang tsimineya) ang bungangang sumisipsip o humihigop. Bagaman kilalang-kilala ang mga lampreya dahil sa mga uring bumubutas ng mga laman o katawan ng iba pang mga isda upang makasipsip ng dugo, kakaunti lamang ganitong mga uri o nasa minoridad lang. Sa soolohiya, kalimitang hindi itinuturing na tunay na isda ang mga lampreya dahil sa kanilang napakakakaibang morpolohiya at pisyolohiya.
Lampreya | |
---|---|
Lampreya ng dagat mula sa Swesya | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | Petromyzontiformes
|
Pamilya: | Petromyzontidae
|
Mga subpamilya | |
Sanggunian
baguhinAng lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.