Theotokos
Ang Theotokos ( /ˌθiəˈtɒkəs/; Griyego: Θεοτόκος, transliterasyon: Theotókos) ay ang Griyegong titulo ni Maria, ina ni Hesus na ginagamit lalo na sa Simbahang Ortodokso ng Silangan, Ortodoksiyang Oriental, at mga Silanganing Simbahang Katolika. Ang literal na salin nito ay "Panganganak sa Diyos", "Nagbigay-buhay sa Diyos" at "siyang nagsilang sa Diyos". Maluwag na literal na salin nito ang "Ina ng Diyos."
Ang sinaunang gamit ng salitang ito ay binagyang-diin sa mga Simbahang ng Tradisyong Syriac, na siglo-siglo nang ginagamit ang titulong ito sa kanilang mga sinaunang liturhiya: ang Anaphora ni Mari at Addai (ika-3 siglo),[1][2] at Liturhiya ni Santiago (60 AD).[3][4]
Higit na ginagamit ng mga Katoliko Romano at mga Anglicano ang titulong "Ina ng Diyos" kaysa "Theotokos." Itinadhana sa Konsilyo ng Efeso noong 431 na si Maria ay Theotokos dahil ang kaniyang anak na si Hesus ay parehong Diyos at tao.[5][6]
Etimolohiya at gamit
baguhinAng Theotokos ay dalawang salitang Griyego na pinagsama, Θεός na ibig sabihin ay Diyos at τόκος na ibig sabihin ay pagsilang. Literal itong nasasalin sa Pagsilang sa Diyos. Higit na akmang isinalin naman ito ng historyador na si Jaroslav Pelikan sa "ang siyang nagsilang sa Diyos".[7] Karaniwang hinahayaang di-isinasalin ang Theotokos o pinapakahulugan na lang bilang Ina ng Diyos.
Ang Ina ng Diyos ay literal na salin mula sa isang tanging titulo sa Griyego na: Μήτηρ του Θεού (translit. Mētēr tou Theou), tumpak na salin din ito ng mga salitang Griyego na: Θεομήτωρ (translit. Theomētor; binabaybay rin na Θεομήτηρ, translit. Theomētēr) at Μητρόθεος (translit. Mētrotheos), na matatagpuan sa mga tekstong patristiko at liturhikal, e.g.
... [80] περιφανῶς ἡ ἱερὰ θεομήτωρ ἐξετέλει ... [109] ἐκφαντικώτατά σε τὴν θεοτόκον προσημαίνουσαν ...[8]
Kapistahan
baguhinSa Simbahang Katolika Romana, ang kapistahan ng Kadakilaan ni Maria, Ina ng Diyos (Theotokos) ay ipinagdiriwang tuwing 1 Enero, sa parehong araw ng oktaba ng Pasko. Sa mga bersiyon ng Kalendaryong Romano bago ang 1970, ipinagdiriwang ang pagka-ina ni Maria tuwing 11 Oktubre. Ito'y patuloy pa ring ginugunita ng ilang tradisyonal na Katoliko.
Ang kadalikalaang ito ay nagmula noong 500 AD at unang ipinagdiwang sa mga Silanganing Simbahan.
Iconograpiya
baguhin-
Theotokos ng Vladimir
-
Panachranta Theotokos, illumination from the Gertrude Psalter.
-
Ina ng Diyos, mosaic icon, Hagia Sophia
-
Theotokos ng St. Theodore
-
Ang Iveron Theotokos (Iverskaya), isang ika-11 siglong Rusong icon na batay sa ika-10 siglo Hodegetria type, Monasteryo ng Iviron, Bundok Athos.
-
Theotokos Panachranta mula sa Monasteryo ng Svensky, ni San Alypios ng Kiev
-
Blachernae Icon ng Theotokos
Mga mungkahing babasahín
baguhin- Maunder, Chris (ed.), The Origins of the Cult of the Virgin Mary , (2008, burns & oates/continuumbooks). ISBN 978-0-86012-456-6
- Artemi, Eirini, « The mystery of the incarnation into dialogues “de incarnatione Unigenitii” and “Quod unus sit Christus” of St. Cyril of Alexandria », Ecclesiastic Faros of Alexandria, ΟΕ (2004), 145-277.
- Cyril of Alexandria, On the Unity of Christ, John Anthony McGuckin, trans. ISBN 0-88141-133-7
- McGuckin, John Anthony, St. Cyril of Alexandria: The Christological Controversy (1994, and reprinted 2004) ISBN 0-88141-259-7 A full description of the events of Third Ecumenical Council and the people and issues involved.
- Saint John of Shanghai and San Francisco,""The Orthodox Veneration of Mary, The Birth Giver of God"(2004, Sixth Printing, Third Edition). ISBN 0-938635-68-9
- Ware, Bishop Kallistos, "The Orthodox Way" (1979, Revised Edition, 1995, and reprinted 1999). ISBN 0-913836-58-3
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Addai and Mari, Liturgy of. Cross, F. L., ed. The Oxford Dictionary of the Christian Church. Oxford University Press. 2005
- ↑ "Book for people in English". Kaldu.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-11-06. Nakuha noong 2013-11-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ John Witvliet, "The Anaphora of St. James" in ed. F. Bradshaw Essays on Early Eastern Eucharistic Prayers, 1997
- ↑ "CHURCH FATHERS: Divine Liturgy of St. James". Newadvent.org. Nakuha noong 2013-11-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Braaten, Carl E.; Jenson, Robert W. (2004). Mary, Mother of God. William B. Eerdmans Publishing Company. p. 84. ISBN 0-8028-2266-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "NPNF2-14. The Seven Ecumenical Councils - Christian Classics Ethereal Library". Ccel.org. 2005-06-01. Nakuha noong 2012-10-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pelikan, Jaroslav (1998). Mary Through the Centuries. Yale University Press. p. 55. ISBN 978-0-300-07661-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ On Martyrs: Speech on Simeon, Anne, at the day of the Presentation, and the Holy Theotokos. Saint Methodius of Patara (1865). Albert Jahnius (pat.). S. Methodii Opera Et S. Methodius Platonizans (sa wikang Griyego at Latin). Bol. I. Halis Saxonum, C.E.M. Pfeffer. pp. 109, 110.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)