Final Script For RPH
Final Script For RPH
Narrator: Ilang taon na ang nakalipas ngunit mas lalong naging mahirap ang
kalagayan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Espanyol. Samu’t saring pagpapahirap
at paghihigpit ang kanilang iniinda araw-araw para lang may maihanda sa kanilang
mga hapag. “demonyo” “indio” mga katagang lagi nilang naririnig.
Filipino: Padre, parang awa niyo na ho. Ilang linggo na pong may sakit ang anak ko.
Kung maaari ho sanang makuha ko na ang aking sahod? Maawa ho kayo, tatlong
linggo na kaming walang sahod, kinakailangan rin po naming mabuhay at bumuhay
ng pamilya.
Prayle: Sino ka… para hamunin ang pamamalakad ko? Sinabi kong hindi pwede!
Umalis ka sa harapan ko!
Filipino: Para niyo nang awa may sakit ho ang anak ko..
Prayle: p*nyeta! (nagdabog or may itapon sa pinoy) Ikulong mo ang demonyong to!
Prayle: Anong sabi mo? Barilin niyo yan, demonyo! ( other workers magpigil na
magsigaw para di madamay)
Prayle: kayo?! anong tinitingin niyo? Kung ayaw niyo matulad sa demonyong to,
matuto kayong sumunod sa mga utos ko! Magsilbing aral to sainyo, mga Indio! (then
mag alis siya)
Narrator: Mabilis na kumalat ang balitang ito, at naging usap-usapan sa bayan lalo
na sa mga Pilipinong sundalo. Marami sa mga mamamayan ang naghinagpis at
hindi mapigilang magalit.
SCENE 2:
(Then suddenly nag dating ang mga gwardya sibil tas magsunod si Gen. Izquerdo)
Gwardia Sibil: Ano ang nirereklamo niyo? Baka nakakalimutan niyong wala kayong
karapatang suwayin ang utos ng mga prayle. Mga traydor!
Gov-Gen. Izquerdo: Diba pinagsabihan na kayong sumunod sa lahat ng utos? Bakit
kelangan niyo pang makialam sa mga walang kwenta na yan?
Narrator: Sa kabilang banda walang kamalay malay ang mga gwardya sibil at ang
mga opisyal ng Espanya. Hindi nila alam na hindi magiging maganda ang kanilang
gabi.
Narrator: Naging magulo at madugo ang gabing yun kung kaya’t mas lalong naging
marahas ang mga espanyol sa mga pilipino. Nagkaroon naman ng pagpupulong ang
mga gwardya sibil kasama si Gobernador General Izquerdo at mga awtoridad ng
Espanya.
Izquerdo: Mga punyeta! Sino ang nag utos sa mga indiong yun na lusubin ang kuta?
Spanish Authority 3: Mabuti pa at ikulong nyo ang mga traydor na iyon. Izquerdo!
Vete,ahora! [umalis ka na, ngayon na]
Izquerdo: alis na, at wag kayong bumalik hangga’t di nakukulong ang mga pari
Narrator: habang nagdadasal ay sapilitang isinama ng mga gwardya-sibil ang
tatlong pari sa pag aakalang sila ang namuno sa pag aaklas. Sila ay walang labang
sumunod, hindi nila alam kung anong dahilan at sila ay nalagay sa ganitong
alanganin.
Izquerdo: Hola? Ano na ba ang balita sa tatlong pari? Sila Gomez, Burgos, at
Zamora
Izquerdo: *chuckle* mabuti, dapat matutunan ng mga indio kung sino ang nasa
posisyon. Hindi natin pahihintulutan ang pagrerebelde at pag hihimagsik nila.
GS2: huwag nating hayaang ito ang magiging simula ng kanilang himagsikan
heneral. Sapagkat malakas ang impluwensya ng mga pari sa kanila.
GS3: madaling mapapaniwala ang mgaq indio, ng mga bastardong iyon. Lalo na
kapag ginamit ng mga pari ang pangalan ng Diyos sa kanilang mga sasabihin.
GS2: kung ganon, malaki ang posibilidad na magsimula ang himagsikan dahil sa
pagkakamatay ng mga paring ito. Lalo na’t sila’y parang hari sa mga mata nila. Na
handa silang pumatay, magpakamatay at lumaban para lamang sa kanila.
GS3: Sumusunod lamang ang mga indio sa mga makapangyarihan. Kaya kung wala
na ang mga pari? Wala na silang ibang mapupuntahan kundi tayo.
Izquerdo: kaya kailangang patayin ang mga paring ito upang mawala ng tuluyan ang
kanilang impluwensya! (silence) nakapag utos sila ng dalawang daang mga pilipino
upang lusubin ang fort san felipe at kaya pa nilang mag utos ng marami pa upang
tayo ay kalabanin. Hindi natin papayagan ang kaguluhan sa ating bansa, ang
katahimikan, ang kapayapaan ay dapat manatili! Hindi natin papayagang iwaksi nila
ang ating gobyerno!
SCENE 3:
Narrator: Kita sa mga mata ng dalawang pari ang pagkabalisa at pagkalito sa lahat
ng nangyayari. Sa kabilang banda ng silid, makikita si Padre Burgos na taimtim na
nagdadasal sa Diyos at humihingi ng kasagutan sa mga pangyayaring ito.
Narrator: Makalipas ang ilang oras, sila ay kinuha ng mga gwardya sibil sa kanilang
kulungan at idinala sa harap ng mgaraming pilipino, upang hatulan ng kamatayan
gamit ang garote o silya elektrica
Gomez: Ang ating patutunguhay isang lugar na kung saan hindi kikilos ang mga
dahon nang walang kumpas ang mahal sa Panginoong Diyos.
(PEOPLE CHATTERING)
Zamora:Wala kaming kasalanan(crying).
Izquierdo: Father Zamora… katapusan mo na, Sige na!
(PEOPLE CRYING)
Izquierdo: Padre Burgos, traydor na Pari.
Burgos: ito pa lamang ang simula ng ating laban.
Izquierdo: Tumahimik kayo. Itong taong to ang namuno sa pag sugod sa fort san
felipe.
SCENE 4:
Rizal: (Naguguluhan) Hindi kuya, ang puso ko ay nasasaktan sa sinapit ng ating ina,
wala siyang kasalan ngunit bakit ito nangyari sa kanya? Siya ay walang awang
inalipusta ng mga kastila sa isang hindi katanggap tanggap na kadahilanan.
Paciano: (Nag-aalab na galit) Dahil wala tayong kalayaan sa sarili nating bayan,
wala tayong karapatan na humindi sa mga kastila. Sinakop nila tayo, inabuso at
inalipusta. At hindi lang ang ating Ina ang biktima Rizal. Nalaman ko rin na ang
pagkamatay ng tatlong padre ay dahil sa maling pagpaparatang ng mga kastila,
gusto lang nila Padre Burgos na tayong mga Filipino ay mamulat sa ating mga
karapatan at sa pang aalipin ng mga kastila. Dahil lang sa mga salita na walang
basehan sila ay pinarusahan, ipinakita nga ng mga kastila kung gaano sila
nakakasuklam. Kaya makinig ka sa akin pepe.
Paciano: (Tumitig sa mga mata ni Rizal) Kailangan natin na ipamulat sa ating mga
kababayan ang kanilang totoong pagkakakilanlan, kung ano ang kanilang karapatan.
Ipamulat sa kanila ang pang aabuso ng mga prayle at mga kastila.
Rizal: (Tumutok sa kapatid) Makakamit nating mga Filipino ang kalayaan, magiging
atin ang ating bayan.
SCENE 5:
Writer 1: Hay nako, baka isa yang nobela para sa mga binibining iyong binihag,
ginoong Rizal?
Writer 2: Oo nga, oh kay tamis pa naman ng mga ngiti na ibinibigay sayo ng mga
binibini.
Rizal: Ano ba kayo, yun naman talaga ang layunin ko, kaso mahihirapan tayong
ipalaganap ito kung agagamitin ko ang La Solidaridad lalo pa’t bantay sarado tayo ng
mga Espanyol
Graciano: May punto ka, Antonio. Di hamak na mas makapangyarihan ang mga
Espanyol Jose. Wag mo sanang kalimutan yan.
Narrator: Ipinakita ni Rizal Ang nasimulan niya kina Marcelo, Antonio, at Graciano.
Napahanga ang tatlo sa gawa ni Rizal, Lalo na Kay Ibarra. Tauhan sa nobelang
isinulat. Kahit hindi sigurado si Rizal ipinagpatuloy niya ang kanyang nobela,
hanggang sa naibahagi niya na ang mga ito sa bawat Pilipino. Samu’t saring mga
reaksyon ang naging sagot sa kanyang nobela, ngunit mayroong nag aalab na
kagustuhan ang mga Pilipino, yun ay ang gawin din ang mga ginawa ni Ibarra sa
nobela.
P1: Ang ganda ng nobela ano? Ngayon ay napapaisip ako kung kaya ko rin ng gawin
ang mga ginawa ni Ibarra.
Narration: Taong 1892, pag uwi ni Rizal mula Europa. Iba't ibang uri ng pag
salubong ng mga kapuwa pilipino sa kanya dahil na din sa kanyang nobelang, Noli
me Tangere. Sa kabila nito, dose-dosenang kastila rin ang naghihintay sa kanyang
pag-uwi, na naghihintay na siya ay magkamali at dakpin. Pagka-uwi ni Rizal, taong
1892 Hulyo 3, Pinamunuan niya ang La Liga Filipina sa Doroteo Ongjunco, Tondo
Manila upang maangat ang pilipinas at hindi para sa rebolusyon. Subalit, Narinig ng
mga Kastila na si Rizal ay nagtayo ng organisasyon at siya ay inaresto.
(Nigawas na si Rizal)
Rizal: Paumanhin, ngunit anong kaguluhan ito at Dito kayo sa bahay Doroteo nag
ingay?
KASTILA 1: Dakpin ang indiyong iyan.
(Tudlo Kay Rizal) (Giadto sa kawal si Rizal ug gi dakop)
Graciano Lopez Jaena: Anong ginagawa ninyo't siya'y inyong hinuhuli? Anong
pagkakasala'y si Rizal ay inyong dinadakip!?
KASTILA 1: Ika'y manahimik! Ang indiyong ito ay traydor!
(Gitutukan ug baril si Graciano)
Narration: Dinala si Rizal sa Dapitan gamit Ang barko. Pag dating sa dapitan,
sinalubong si Rizal ng mga guwardiya at nakilala niya rin si Fr. Antonio Obach at
Pablo Pastels. Binigyan ng parusa si Rizal na kailangan niya Doon manatili ng apat
(4) na taon. Sa kabilang banda, si Ricardo Carniceros isang politico militar
commander Ng Dapitan taong 1892 ay nag bigay Ng dalawang pagpipilian. Manatili
sa pamamhala ni Carnicero o sa kumbento, ngunit para manirahan sa mga pari
kailangan niya bawiin ang sinabi sa kanyang sinulat na nobela na patungkol sa
simbahang katoliko. Naging maganda Naman Ang trato Kay Rizal sa Dapitan, maari
lang syang dumayo sa ibang nayon basta't Hindi sa labas ng Dapitan.
SCENE 7:
Jose Rizal: Mabuti naman, Valenzuela. Hindi ko lubos maisip na ang aking
ipinaglalaban ay mapupunta lang sa wala.
Rizal: Alam ko kung saan kayo nanggagaling, pero hindi pa handa ang ating mga
kababayan. Ni wala tayong armas o pondo para sa kanila, tiyak ko’y sila ay natatakot
pa rin hanggang ngayon. Wala tayong kalaban-laban.
Valenzuela: Kung ganon, Dr. Rizal bakit hindi ka na lang sumama sa akin? Halika
na’t tumakas rito.
Jose Rizal: Kung ako man ay lalabas, hindi ito sa paraang pagtakas.
Valenzuela: Hindi ito ang panahon uapng irespeto ang batas, sapagkat ang pagtrato
nila sa ating mga Pilipino ay hindi patas.
Rizal: Kung iyan ang katuwiran ng Bayan, tiyak na dala nito'y kaguluhan.
Rizal: Boses natin ang nakuha nila, iyon din ang babawiin natin sa kanila. Hindi natin
kailangan ng dahas, hindi pa handa ang mga Pilipino at siguradong dala nito ay gulo
at dumadanak na dugo.
Valenzuela: Kung mananatili ka rito, pano na ang mga bagay na nasimulan mo?
Rizal: Katawan ko lamang ang nakakulong dito sa pihitan, ngunit hindi nito kayang
pigilan ang kaluluwang gustong lumaban. Mabuti pa at kumbinsihin niyo na lang ang
mga mayayaman nating kababayan para mabigyan kayo ng pondo, lumapit kayo kay
Antonio Luna, tiyak ko’y mabibigyan niya kayo ng tulong.
Valenzuela: Pero Doktor?!
Narrator: Galit na umalis si Valenzuela sa selda, nagtaka ang mga Gwardya Sibil
kung ano ang pinagtalunan ng dalawa. Kinabukasan ay umalis na si Valenzuela
pabalik sa Maynila, taliwas sa orihinal na plano na isang buwan siyang mananatili sa
Dapitan.
🟦 Transition
🟥 In this scene, we can see that Bonifacio held a meeting along with the other
founders of Katipunan
❌: Ano ang dapat nating gawin ngayong ang La Liga Filipina na ang balak nilang
tugisin?
❌: Hindi tayo dapat tumigil
❌: Kailangan na natin kumilos, hindi sapat ang salita, kailangan na natin ng 'gawa'.
Bonifacio: Hindi nagtagumpay ang plano ni Rizal na mapayapang paraan, kung nais
natin ang tunay na kalayaan, wala nang ibang paraan, kung hindi ang himagsikan.
Narrator: Ang pagkakulong ni Rizal ay naging isang malaking dagok para sa mga
kasapi ng La Liga Filipina. Pati na rin sa grupo nila Bonifacio. Ngunit ito rin ang
naging dahilan upang mas tumibay ang kanilang kagustuhan na ituloy ang
paghihimagsik para sa kanilang bayan, para sa lahat ng pilipino, para sa buong
bansa.
🟥 Isa isang nag si permahan ang mga dumalo sa pagpupulong sa isang papel gamit
ang pluma at kanilang dugo
🟥 In this scene, we can see that the people are redistricting/ spreading a dyaryo para
i convince ang mga tao na maging miyembro ng Katipunan.
SCENE 8:
Teodoro: Tamad? (Galit). Tamad pala ha, ipapakita ko sayo na hindi ako tamad!
*Umalis
Teodoro: Honoria, nakakainis talaga itong mga kasamahan ko sa trabaho. Biro mo,
pinagtatawanan nila ako dahil meron silang dagdag 2 piso sa sweldo nila tapos ako
wala.
Teodoro: Sabi nila tamad raw ako, nakakainsulto, na ang ginagawa nga lang nila ay
parang natutulog lang pero ako? Araw araw akong nagbubuhat ng papeles nila tapos
ako pa ang tamad? Di mo ba alam, na yung kanilang ginagawang diaryo ay sulat ng
Katipunan, magrespeto naman sila sa kapwa Katipunero nila?
Honoria: Katipunan?
Teodoro: Kasapi ako rito Honoria, siguro di nakakalapit ang salitang pantabi tabi sa
iyo kaya di mo alam
Honoria: At ikay kasapi rito? Huy jusko Teodoro, mamatay ka sa ginagawa mo!
Nako natatakot ako sa iyong mga sinasabi paano na ang buhay mo rito. Mas mabuti
ay umamin ka na, baka pagbigyan ka pa ng mga prayle ng pagkakataong magbago.
Kung kayang ipatawad ng Diyos ang tao, kayang kaya rin ng tao na ipatawad ang
kanyang kapwa. Umamin kana Teodoro (Paiyak)! Ayaw kong makita kang masaktan.
Teodoro: Pagiisipan ko muna. *umalis
Honoria: Opo, kasapi raw siya ng Katipunan, sabi niya rebelde ang mga ito
Teresa: *nagiisip, mas mabuting umamin siya kay Padre Gil baka mabuhay pa siya
Padre Gil: Umamin kana kasi, alam kong may kinalaman ka sa Katipunan (Kalmado)
diba? DIBA (Galit)?
Padre Gil: Ah wala pala, sige palayain niyo siya. Dakpin niyo pamilya niya at
babarilin natin siya sa harap ng kanyang mga anak (patawa).
Katipunero: HA? Wala silang kinalaman dito Bat niyo sila idadamay (takot)?
Padre Gil: Wag kang mag alala, ikaw lang ang babarilin namin.
Jacinto: May ipapatawag pa ba tayo Andres? Halos isang libo na tayo rito sa Pugad
Lawin
Bonifacio: kung mas maraming dadalo, mas Maganda
Bonifacio: Alam ko ang sinabi sa atin ni Dr. Rizal, pero wala na tayong magagawa.
Jacinto: Tama si Dr. Pio, Andres, alam kong buong taon nating silang sinanay, pero
kung walang baril, wala tayong magagawa. Tapos sa sinabi ni Dr. Rizal, di pa handa
ang pusot isipan ng mga Pilipino
Bonifacio: Dito ako tututol kay Dr. Rizal, simula nung itinaguyod natin ang
Katipunan, lahat sila ay handa nang lumaban para sa kanilang minamahal. Buo na
ang kanilang puso, at isipan. Eto na ang tamang panahon ng himagsikan.
Bonifacio: Hinde… Pagisipan ko muna, nandito parin yung takot sa aking puso kasi
itinuring ko ang kasapi natin bilang mga anak. Ayaw ko silang mamatay. Kaya
pagisipan ko muna.
Tandang Sora: Hmmm, pang araw araw may bukas pa. Pero narinig ko sa kasapi
niyo na, nagbabalak kang ilunsad ang himagsikan? Tama ba?
Bonifacio: Ewan ko, pwede naman kaming sumuko at idadaan natin sa pagprotesta.
Para kakaunti ang mamamatay.
Tandang Sora: Alam ko na ikay nalulungkot, natatakot, at saka nahihirapan. Siguro
sumpa na ito ng Supremo, at ng Katipunan pero nais ko munang sabihin kung bakit
kayo nandito. Diba ang sabi mo ay gusto mo ang anak ng iyong mga kapatid ay
makakita na ng Kalayaan?
Bonifacio: Opo
Tandang Sora: Siguro hindi lang ikaw ang nangangarap ng ganoon Andres, siguro
ang lahat ng Katipunero sa iyong harapan, iyon rin ang dahilan kung bakit gusto
nilang sumapi rito. Kaya payo ko Andres na, sa 3 daang taon nilang pananakop,
hindi lamang ang lupain ang kanilang nakuha, kundi eto at ito, ang puso at isipan.
Hindi lamang kastila ang sumakop sa lupang ito kundi ang takot, ang pangangamba.
Pero ang hindi nila maaagaw, ay ang ating kaalaman, at ang ating pagmamahal.
Kayat tanong ko sa iyo, susuko ka ba? O lalaban?
Bonifacio: Paano kung ang mga pamilya natin mismo ang mamamatay dito sa
labanan? Paano ko sila maproprotektahan kung baril at kanyon ang nakatutok sa
kanila?
Bonifacio: Opo
Bonifacio: KATIPUNAN! Alam kong takot na takot kayo. Takot tayong lahat na baka
may mawala sa ating minamahal, at sa ating mga buhay. Na baka mamamatay ang
ating mga anak, mga asawa, mga pamilya, at mga minamahal sa bawat kanyon,
baril, at iba pang mga sandatang nakatutok sa atin at kanilang harapan. Pero nais
niyo sanang malaman, na ang pinaka nakamamatay na sandatang gamit ng kalaban
ay hindi ang baril, kundi ang katakutan. Ang pinaka-karumal dumal nilang ginawa ay
hindi lamang sa pagpatay ng ating kapwa, kundi ang pagaalipin ng pusot isipan nito
dahil sa takot. Pero mga kaibigan, hinding hindi mamamatay ang puso ng isang
Pilipino dahil ang pinaka malakas nating depensa laban sa kastila ay ang ating pag-
ibig para sa isat isa, para sa iba, para sa ating mga pamilya, at para sa bayan.
Kulang man tayo sa armas, kahit itak lang ang ating gagamitin, kahit wala man
tayong pagkain o inumin, lalaban tayo hanggang sa huli, sa ngalan ng pag-ibig. Kaya
ilabas niyo ang mga cedula niyo, itong papel ang mismong umaalipin sa ating lahat,
isang papel na nagbibigay ng takot sa bawat isa, isang papel na nagsasabi na kahit
kailanman hanggat narito ito, ang ating anak, at anak ng ating mga anak ay alipin ng
Espanya. Ipapakita natin sa buong mundo, na karapat-dapat tayong mamahala, at
magmamay-ari ng lupang namana natin sa ating katutubo. Ipakita natin sa kastila na
walang lakas ng kanilang malalaking kanyon ang wawasak sa pagmamahal ng isang
Pilipino. Tayo ay mga anak ng bayan kaya ORAS NA PARA LUMABAN, AT
SIMULAN ANG HIMAGSIKAN PARA SA ATING BAYAN. KAYA PUNITIN ANG MGA
CEDULA NINYO, Mabuhay ang Pilipinas!!!!
SCENE 9:
(While ga narrate kay iexecute ang pagdala saiya sa guardia civil sa dapitan.)
- another scene -
(Pasok si Rizal wearing black suit and few meters behind him was guards
accompanied by Lt. Luis Taviel de Andrade, two Jesuit priests and more soldiers
behind him.)
Sfx*: kanang intense gud
(Rizal looked at the sky while walking and mentioned how beautiful that day was.)
Rizal: Maaari niyo ba akong barilin habang ako ay nakaharap sa mga (firing squad,
ewan if guardia civil gyapon ni sila)
Firing squad: Tumalikod ka!
(Rizal turned his back against Filipino soldiers. May spanish armies dito na scene).
Sfx.: intense sound effect, tapos si rizal is naga act na parang tanggap niya na talaga
ang pangyayari ganito ganyan blabla.
de Las Alas: Magandang umaga mga kapatid, narito tayo ngayon sa kumbensiyon
na ito upang magkaroon ng dialogo tungkol sa ibat ibang usaping pang Katipunan.
De Las Alas: Pero mayroon nang gobyerno ang Katipunan, may batas at panukala
tayong sinusunod. Mayroon na rin tayong Supremo, na kinikilala ng lahat bilang
pinuno ng Katipunan.
Tirona: Ngunit hindi pormal at opisyal ang pagkaroon ng pwesto ng ilang miyembro
ng Katipunan.
Tirona: Pero patungkol sa sinabi ni Baldomero, may mga kapatid tayong di nakilahok
sa eleksiyon na yun, kung dapat lamang na maging Pangulo ang Supremo, dapat
idaan natin ito sa opisyal, patas, at pormal na halalan.
Bonifacio: Bat yung dalawang kawal ay laging nakatingin sa atin? Ano ba ang
meron?
Procopio: Andres!
Bonifacio: Bakit?
Bonifacio: Napansin ko rin. Binalaan na rin ako ni Ginoong Diego Mojica kanina na
posibleng mayroong dayaan, pero itoy malabo.
*pagpasok
De Las Alas: Magandang umaga mga kaibigan. Dahil nandito tayo ngayon upang
magkaroon ng halalan na pinangunahan ni Supremo Andres Bonifacio, nais ko
munang itanong sa Supremo kung anong klaseng pamahalaan ang itataguyod natin
Bonifacio: Inaanyahan ko po, na kung sino man ang ating mahalal, nararapat na
respetuhin natin ang desisyon.
Tirona: Di kami sang ayon dito, napagusapan na natin noong nakaraang araw, na
pormal at opisyal ang ating paghalal, pumayag pa nga rito ang ating supremo. Pero
sa usapang nominasiyon, inonomina ko si Mariano Trias.
Bonifacio: Uulitin ko, Emilio Aguinaldo bilang presidente, Mariano Trias bilang Bise
Presidente, Artemio Ricarte bilang Kapitan-Heneral ng Hukbong Sandatahan,
Emiliano Riego de Dios bilang direktor ng digmaan, at Andres Bonifacio bilang
Direktor ng Internal. Palakpakan sa mga bagong nahalal.
Tirona: Tama naman ang sinabi ko Andres, hindi ka sapat sa trabahong iyan, wala
kang lugar sa pamahalaan.
Ricarte: Andres, wag, hindi mo ito kasalanan pero wag mong gawin yan, kapatid mo
rin yan bilang isang Tagalog.
Bonifacio: Napagusapan natin na kung sino man ang mahalal ay dapat respetuhin
ang desisyon. Idindedeklara ko bilang Supremo at tagapagsimuno ng Halalang ito na
ang eleksiyon na ito ay walang bisa at di kinikilala bilang opisyal at pormal.
SCENE 11:
P3:Sigurado akong magiging hadlang sila sa ating mga plano, hindi natin magagawa
ang gusto natin sa bayan.
P2:Kapag hindi natin tanggalin si Bonifacio, bukod sa kastila baka maging kalaban
pa natin ang katipunan.
Narration: Noong Abril 1897, nag away ang pwersa nina Aguinaldo at Bonifacio sa
Limbon. Nahuli si Bonifacio at ang kanyang kapatid na si Procopio matapos ang
sagupaan. Nahaharap si Bonifacio sa paglilitis ng isang konseho na ipinatawag ng
pamahalaan ni Aguinaldo. Ang paglilitis ay isinagawa sa Maragondon, Cavite, noong
unang bahagi ng Mayo 1897. Natagpuan ng korte na si Bonifacio aymay kasalanan
sa pagtataksil at sedisyon
(Mga tauhan ni Aguinaldo Gi adtoan nila sila Bonifacio sa Naic, Cavite then gi Pusil si
Procopio then si Andres gi samaran sa may liog tas gi pusil pud sa may balikat ug si
Gregoria ni uban)
Gregoria: Mahal ko, hintayin mo ako bukas pag gising mo nandito rin ulit ako(sabay
halik sa noo)
(Nihawa siya habang ga hilak)
Narrator: Ngunit, taliwas sa kanyang inakala hindi na pala niya makikita ang
kanyang asawa sapagkat dinala na sila Andres at Procopio sa Bundok ng
Maragondod upang hatulan ng kamatayan
(After pag hawa ni Gregoria gikuha ang mag igsoon ug gi dala sa mountains of
Maragondon ug didto sila gi patay)
X :Andres at Procopio Bonifacio, kayo’y hinahatulan ng kamatayan.
SCENE 12:
(Filipino soldiers and Spanish soldiers, tas act ng ga retreat ang mga Filipino
Soldiers)
T(Mag act diri ang said two important Characters which is si Aguinaldo Ug Paterno
nga ga meeting or negotiate no dialogue mag act lang)(I Follow ang ginayawyaw sa
Narator.)
SCENE 13:
Heneral Mariano Noriel: Ka Miyong, kung nagpaplano tayong lusubin ang mga
Kastila sa Alapan, kailangan natin silang paligiran at putulin ang kanilang linya.
Heneral Aguinaldo: May plano ako Mariano, wag kang mag alala. Lulusubin ni
Heneral Paciano Rizal at del Pilar ang ruta galing Laguna para puputulin nila ang
mga linya upang matiyak na hindi sila mabibigyan ng karagdagang mga sundalo at
bala.
Heneral Aguinaldo: May ipapagawa ako sa iyo Noriel isang sorpresa para sa
Kastila…
Pena: Mga kawal, narito na ang duwag na Aguinaldo sa inyong harapan. Humanda
kayo at ipaglaban ang Espana. Hindi kailanman maaapakan ng mga indio ang
bandila ng Espana.
Aguinaldo: *narealize nila na biskan unsa ilang buhaton wa gihapon ga atras ang
mga Spanish forces pero kalit niabot sila Ricarte og si Noriel dala dala ang Philippine
Flag.
*nigawas dayon ang Filipino soldiers sa sagbotan para sa surprise attack tapos
nikalit tira sa mga naga usbong na Spanish
Spanish Soldier: Heneral, di na natin sila kaya, wala na talaga tayong bala. Ano na
po ang utos ninyo Heneral? Heneral? HENERAL?
Aguinaldo: Mga kababayan, dahil nanalo tayo sa Alapan, itaas natin ang bandila ng
Pilipinas. Maging marka ito ng katapangan, at pag aaruga ninyo sa Bayan. Maraming
salamat mga kababayan, kayo ang nagbigay ng panalo sa araw na ito, kayo ang
nagbigay ng buhay sa inyong mga anak, at sa anak ng inyong mga anak na silay
malaya nang mga tao sa bayan na ito. MABUHAY ANG SUNDALONG PILIPINO.
SCENE 14:
Narrator: Kita sa mga mata ng bawat isa ang saya na para bang nawala ang
matinding tinik sa kanilang dibdib. Sa wakas at nakamit na nila ang matagal na
nilang ipinaglalaban.Pagkatapos magbunyi ng grupo ni Aguinaldo,sila ay nagsagawa
ng isang pagpupulong kasama ang lahat ng mga nakisali sa rebolusyon at ang
kanilang mga pamilya.
Narrator: Ang paglalakbay tungo sa isang 'bansang malaya sa galit' ay patuloy, at ito
ay nagsisimula sa bawat isa sa atin. Gamit ang mga bagay na nakuha natin sa
nakaraan, mas handa na tayo ngayon upang bumuo ng isang maayos na bansa—
kung saan hindi nangingibabaw ang galit. Ang paglalakbay na patungo sa araw ng
Kalayaan ng ating bansa ay isang halimbawa sa katotohanan na ang kalayaan ay
higit pa sa larangan ng pulitika. Ito ay tungkol sa mga emosyon at mga tugon din.
Habang inaalala natin ang mga pakikibaka ng nakaraan, alalahanin din natin ang
ating pangako sa hinaharap kung saan hindi na mananaig ang galit.
(ending scene lahat magpunta sa gitna and iwagayway ang flag tas magsigaw ng
VIVA REPUBLICA FILIPINA)