0% found this document useful (0 votes)
206 views17 pages

Fil 02 (Feb 15-28)

Uploaded by

nananana123
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
206 views17 pages

Fil 02 (Feb 15-28)

Uploaded by

nananana123
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

Filipino sa Iba’t ibang Disiplina

Fil 02 Northern Christian College


The Institution for Better Life
Nurtured in Christ, Centered in Christ,
Commissioned in Christ

Bb. JOANNA ALIPIO AGUSTIN


Guro

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 1


Filipino sa Iba’t ibang Disiplina
Fil 02
Northern Christian College
The Institution for Better Life
Nurtured in Christ, Centered in Christ,
Commissioned in Christ

NCC’s Fair Use Disclaimer

In the preparation of distance-learning modules and online-accessible


lessons for our students during the CoVid-19 pandemic, the faculty members of
Northern Christian College (NCC) included some copyrighted material, the use of
which were not always specifically authorized by their copyright owners. NCC
used such material in good faith, believing that they were made accessible online
to help advance understanding of topics and issues necessary for the education
of readers worldwide. NCC believes that, because such material is being used
strictly for research, educational, and non-commercial purposes, this constitutes
fair use of any such material as provided for in Section 185 of the Copyright Law
of the Philippines and Section 177 of the US Copyright Law.

No work in its entirety (or substantial portions thereof) was copied; only
isolated articles and brief portions were copied/provided links in the modules and
online lessons. Also, all our students are informed of proper attribution and citation
procedures when using words ideas that are not own.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 2


Fil 02 Filipino sa Iba’t ibang Disiplina
Northern Christian College
The Institution for Better Life
Nurtured in Christ, Centered in Christ,
Commissioned in Christ

Talaan ng Nilalaman
NCC’s Fair Use Disclaimer 2
Talaan ng Nilalaman 3
Deskripsyon at Nilalaman ng Kurso 4
Introduksyon 6
Layunin 6
Panuto 6
Paunang Pagtataya 7
Yunit I. Filipino Bilang Wikang Pambansa, Wika ng Bayan,
at Wika ng Pananaliksik na Nakaugat sa Pangangailangan
ng Sambayanan
Tungkulin ng Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa 9
Filipino bilang Wika ng Bayan 10
Filipino bilang Wika ng Pananaliksik 10
Filipino bilang Larangan & Filipino sa Iba’t ibang Larangan 11
Rebyu sa mga Batayang Kasanayan sa Pananaliksik
Ang Pagpoproseso ng Impormasyon 12
Pagpili ng Batis ng Impormasyon 12
Kategorya sa Pagproseso ng Impormasyon 12
Hakbang sa Pagproseso ng Impormasyon 14
Kahulugan ng Pagbasa 14
Kahalagahan ng Pagbasa 15
Dahilan ng Pagbabasa 15
Pagtataya 16
Talasanggunian 17

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 3


Filipino sa Iba’t ibang Disiplina
Fil 02 Northern Christian College
The Institution for Better Life
Nurtured in Christ, Centered in Christ,
Commissioned in Christ

Deskripsyon ng Kurso:
Ang FILDIS ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa
kasanayan sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang
Filipino sa iba’t ibang larangan, sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga
pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino. Nakatuon ang
kursong ito sa makrokasanayang pagbasa at pagsulat, gamit ang mga
makabuluhang pananaliksik sa wikang Filipino, bilang lunsaran ng pagsasagawa ng
pananaliksik (mula sa pangangalap ng datos at pagsulat ng borador ng pananaliksik
hanggang sa publikasyon at/o presentasyon nito) na nakaugat sa mga suliranin at
realidad ng mga komunidad ng mga mamamayan sa bansa at maging sa
komunidad ng mga Pilipino sa iba pang bansa. Saklaw rin ng kursong ito ang
paglinang sa kasanayang pagsasalita, partikular sa presentasyon ng pananaliksik sa
iba’t ibang porma at venue. Pre-requisite sa kursong ito ang pagkuha ng kursong
Konstektwalisadong Komunikasyon sa Filipino (KOMFIL).

Ang mga sumusunod ang nilalaman ng kursong Filipino sa Iba’t ibang Disiplina:

Yunit I. Introduksyon
Filipino Bilang Wikang Pambansa, Wika ng Bayan, at Wika ng
Pananaliksik na Nakaugat sa Pangangailangan ng Sambayanan

Rebyu sa Mga Batayang Kasanayan sa Pananaliksik


• Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon
• Pagbabasa at Pagbubuod ng Impormasyon
• Pagsasalin, Paraphrasing Atbp.
• Pagpili ng Paksa ng Pananaliksik
• Pagbabalangkas

Yunit II. Filipino Bilang Larangan at Filipino sa Iba’t Ibang Larangan


• Filipino sa Humanidades, Agham Panlipunan at Iba Pang Kaugnay na
Larangan
• Filipino sa Siyensya, Teknolohiya, Inhenyeriya, Matematika At Iba Pang
Kaugnay na Larangan
Yunit III. Batayang Kaalaman sa Mga Teorya sa Pananaliksik na Akma o Buhat
sa Lipunang Pilipino
• Mga Diskurso sa Nasyonalismo
• Teoryang Dependensiya
• Pagbaklas/Pagbagtas
Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 4
Fil 02 Filipino sa Iba’t ibang Disiplina

• Pantayong Pananaw
• Sikolohiyang Pilipino
• Pantawang Pananaw
• Bakod, Bukod, Buklod

Yunit IV. Batayang Kaalaman sa Metodolohiya (Pagtitipon, Pagpoproseso at


Pagsusuri ng Datos) sa Pananaliksik-Panlipunan
• Pagmamapang kultural, ekonomiko atbp.
• Etnograpiya
• Pananaliksik na leksikograpiko
• Video documentation
• SWOT Analysis
• Literature review
• Pagtatanung-tanong, obserbasyon, interbyu, FGD atbp.
• Participant observation
• Secondary data analysis
• Eksperimental na Pananaliksik
• Case study
• Aksyong Pananaliksik/Action research
• Pagsusuri ng dokumento
• Comparative analysis
• Discourse analysis
• Content analysis
• Saliksik-arkibo (archival research)
• Policy review
• Impact assessment
• Pagsasagawa ng survey
• Transkripsyon

Yunit V. Aktwal na Pagsulat ng Pananaliksik, Presentasyon at/o Publikasyon ng


Pananaliksik

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 5


Fil 02 Filipino sa Iba’t ibang Disiplina

INTRODUKSYON

Pagbati sa inyong pagbabalik sa semestreng ito! Ngayong


bagong taon ay susulong tayo sa bagong mga pagsubok at
bagong asignatura sa taong ito. Ang susunod nating pag-
aaralan ay ang Filipino 02 – Filipino sa iba’t ibang Disiplina. Ang
kursong ito ay nakapokus sa pagpapalawak at nagpapalalim
sa kasanayan sa malalim at mapanuring pagbasa, sa
konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga
pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang
Pilipino.

Layunin at Panuto
Ang modyul na ito ay nakalaan para sa mga mag-aaral sa kolehiyo na
kumukuha ng asignaturang Fil 02 (Filipino sa Iba’t Ibang Asignatura). Sa modyul
na ito, inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang sumusunod:
1. Malaman ang ugnayan ng mga tungkulin ng wikang
Filipino bilang wikang Pambansa, wika ng bayan, at wika ng
pananaliksik na nakaugat sa tunay ng pangangailangan ng
sambayanan,
2. Mapaghamhambing-hambing ang mga batis ng
impormasyon at mapagpasyahan kung anong hanguan
ang wastong gamitin sa pagkuha ng impormasyon,
3. Masagot ang mga inihandang gawain na nakapaloob sa modyul at,
4. Maibigay ang sariling pananaw tungkol sa kahalagahan ng pagbabasa.

Narito ang mga panuto sa dapat mong tandaan sa modyul na


ito:
1. Sagutin nang maayos ang panimulang pagtataya na
susukat sa iyong kaalaman sa asignaturang ito.
2. Basahin at araling mabuti ang mga araling nakapaloob sa
modyul,
3. Maging matapat sa pagsagot ng mga gawain. Huwag
kumuha ng sagot sa internet.
4. Isumite ang mga sagot sa itinakdang oras.
5. Magpadala ng mensahe sa guro sa kaniyang gmail
([email protected]) o facebook account
(Joanna Alipio Agustin) kung may katanungan sa nakalaang
oras ng klase.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 6


Fil 02 Filipino sa Iba’t ibang Disiplina

Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at tukuyin ang tamang sagot kaugnay sa mga
aralin ng asignaturang Fil 02. Piliin ang titik ng inyong sagot.

1. Ano ang katutubong wika na ginamit sa Pilipinas bilang wika ng


komunikasyon?
a. Ingles b. Filipino c. Taglish d. Cebuano

2. Ang KWF ay ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na binuo


upangmagsagawa ng mga pananaliksik, paglilinang, pagpapalaganap, at
pagpapaunlad ng Filipino at iba pang wika sa bansa. Ano ang kinakatawan ng
acronym na KWF?
a. Kawanihan ng Wikang Filipino c. Kaukulang Wikang Filipino
b. Komisyon ng Wikang Filipin d. Kongregasyong ng Wikang Filipino

3.Ito ay mahabang pagsulat ng komposisyon na karaniwang inihahanda ng


mga mag-aaral sa loob ng isang semestre.
a. papel pananaliksik c. konseptong papel
b. nobela d. maikling kuwento

4. Kahulugan ng A.P.A.
a. American Physiological Association
b. American Psychological Administration
c. American Physiological Administration
d. American Psychological Association

5. Tawag ito sa talaan ng mga materyal na pinagkunan ng mga impormasyon


sa pagsulat ng sulating pananaliksik tulad ng mga aklat, dyornal, tesis,
disertasyon, magsain at iba pa.
a. apendiks c. talahanayan
b. dahoon ng preliminary d. talasanggunian

6. Itinatadhana ng ________________ na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay


Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa
salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
a. 1987 Konstitusyon, artikulo XIV, seksyon 6
b. 1978 Konstitusyon, artikulo XIV, seksyon 6
c. 1978 Konstitusyon, artikulo XIV, seksyon 9
d. 1935 Konstitusyon, artikulo XIV, seksyon 3
7. Ang dating palaboy ay tumama sa lotto. Milyonaryo na siya ngayon,
nakapagpatayo ng malaking bahay at nakabili ng mga mamahaling sasakyan.
Anupa’t sumaya na ang buhay niya. Ang ikalawang pangungusap ay:
a. opinion c. pahiwatig
b. halimbawa d.paglilinaw

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 7


Fil 02 Filipino sa Iba’t ibang Disiplina

8. Anong tiyak na layunin ng pananaliksik ang ipinakilala sa mga sumusunod:


Ang alcohol ay isang batid na phenomena at sa pamamagitan ng
pananaliksik, maaaring makalikha ng isang fuel mula sa alcohol na ang kalidad
ay katulad sa gasoline.
a. Upang mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makalinang ng mga
bagong instrumento o produkto.
b. Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid
nang phenomena.
c. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na
nalulutas ng mga umiiral na metodo at impormasyon.
d. Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang subtances
at elements.

9. Aling katangian ng pananaliksik ang inilalarawan kung may sinusunod itong


proseso o magkasunud-sunod ang mga hakbang tungo sa pagtuklas ng
katotohanan, solusyon ng suliranin o ano pa mang nilalayon ng pananaliksik?
a. kontrolado c. mapanuri
b. empirikal d. sistematiko

10. Aling katangian ng pananaliksik ang inilalarawan sa pahayag na ito, ang


mga datos ay dapat na mailahad sa pamamaraang numerical at masuri sa
pamamagitan ng statistical treatment upang matukoy ang kanilang gamit at
kahalagahan?
a. gumagamit ng quantitative o statistical na metodo
b. gumagamit ng isang orihinal na akda
c. isang akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskripisyon.
d. nangangailangan ng tapang.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 8


Fil 02 Filipino sa Iba’t ibang Disiplina
Filipino Bilang Wikang Pambansa,
Wika ng Bayan, at Wika ng Pananaliksik na
Nakaugat sa Pangangailangan ng Sambayanan

“Ang wika’y mahalagang instrumento ng komunikasyon ito’y makatutulong sa


pagkakaroon ng mabungang interaskyon” –Anonymous-

Tungkulin ng Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa

Malaki ang ginagampanang


papel ng wikang Filipino bilang
wikang pambansa, at ayon pa sa
ating 1987 Konstitusyon, artikulo XIV,
seksyon 6 nakasaad na:
SEK. 6. Ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nalilinang, ito ay dapat payabungin
at pagyamanin pa salig sa umiiral
na mga wika ng Pilipinas at sa iba
pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana Kinuha
Filipino
sa https://ph.toluna.com/opinions/4787472/Agosto-buwan-ng-Wikang-

ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat


magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ng paggamit Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at
bilang wika sa pagtuturo ng sistemang pang-edukasyon.
Narito pa ang ibang nakasaad sa ating konstitusyon hinggil sa wikang Filipino:
SEK. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas,
Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa
mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat
itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.
SEK. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat
isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.
SEK. 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa
na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino
at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at
pagpapanatili.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 9


Fil 02 Filipino sa Iba’t ibang Disiplina

Filipino bilang wika ng Bayan


Ayon sa Komisyon sa Wikang
Filipino (KWF) Resolusyon Blg. 92-1,
“ang Filipino ay ang katutubong
wikang ginagamit sa buong Pilipinas
bilang wika ng komunikasyon ng mga
etnikong grupo. Katulad ng iba pang
wikang buhay, ang Filipino ay
dumaraan sa proseso ng paglinang
sa pamamagitan ng mga
Kinuha mula sa Varsitarian
panghihiram sa mga wika sa
Pilipinas at mga di- katutubong wika
at mga ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t-ibang sitwasyon,
sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang saligang sosyal at sa mga paksa ng
talakayan at iskolarling pagpapahayag.”
Ang wikang Filipino ay wika ng mga ordinaryong mamamayang Filipino, ito
ang wikang mas higit na nauunawaan ng mas nakararami. Mas higit na
nagkakaunawaan ang bawat isa sa paggamit ng wikang Filipino. Halimbawa:
Ang isang lalaki ay mula sa Aklan at pumunta siya ng Ilocos. Mas mahihirapan
siya sa pakikipag-unawaan kapag ang kanyang wikang gagamitin sa
pakikipagkomunikasyon ay wikang Akeanon tiyak na siya’y hindi mauunawaan
ng kanyang mga kausap na Ilokano at ganoon din siya kapag sinagot naman
siya sa wikang Ilokano ng kanyang kausap kung kaya’t mas makabubuting
gumamit ng isang wika na alam ng lahat upang sila’y mas higit na
magkakaunawaan. Dito pumapasok ang wikang Filipino.

Filipino bilang wika ng Pananaliksik

Isa sa daan ng pag-iintelekwalisasyon ng wikang Filipino ay ang paggamit


nito sa mga pananaliksik. Noon pa man ay mayroon nang mga pananaliksik
gamit ang wikang Filipino ngunit hindi ito gamitin o kilala sa mga tao, isa sa mga
dahilan ay kakulangan ng mga terminolohiya, kung kaya’t sa ngayon ay marami
na ang mga terminlohiyang isinasa-Filipino upang magamit ito ng mga Pilipino.
Patunay nito ay ang tema ng pagdiriwang ng buwan ng wikang
Pambansa noong 2018, na may temang Filipino: Wika ng Pananaliksik
isinusulolng nito ang paggamit ng wikang Filipino sa mga gawain pananaliksik ng
mga Pilipino. Sinasabi na ang paggamit ng wikang Filipino sa pananaliksik ay may
malaking tulong sa pagpapaunlad ng ating sariling wika at tumutulong sa
intelektwalisasyon ng ating sariling wika.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 10


Fil 02 Filipino sa Iba’t ibang Disiplina

Filipino bilang Larangan at Filipino sa iba’t ibang Larangan


Ang larang o larangan, salitang Ingles ay field, field of knowledge, areas o
sphere o area of specialization. Ang salitang larang o larangan ay tumutukoy sa
isang partikular na sangay o sub-domain ng pag-aaral o karera ng isang
aktibidad o interes. Halimbawa nito ay ang larangan ng medisina, teknolohiya,
biolohiya at iba pa.
Isang malinaw na katotohanan na sa kasalukuyang panahon ang wikang
Filipino ay tanggap at ginagamit ng mga mamamayang Pilipino, ano mang tribu
o grupo ang kanilang pinanggalingan. Sa kabila ng pagtutol ng maraming
edukador, pulitiko at mga elitista na kontra sa Filipino, hindi mapipigilan ang
pagunlad at paglaganap ng wikang Filipino. Tinatangkilik ito ng karamihan, ito
ang wika ng pagkakaunawaan at pagkakaisa ng mga Pilipino. Ito ang wikang
tumitibok sa puso ng masang Pilipino na siyang nakararami. Kaya ang gamit ng
Filipino ay hindi lamang sa sabjek na Filipino kundi sa lahat ng disiplina. lsang
malaking pagkakamali ang paniniwala ng mga sumasalungat sa paggamit ng
wikang Filipino na ang Filipino ay pag-aaral lamang ng pangngalan, pandiwa,
pang-uri, atbp. at hindi rin pupuwedeng gamitin sa Agham at Matematika. Ito'y
isang malaking kamangmangan dahil ang Filipino ay gamit sa lahat ng
propesyon at disiplina. Hindi na dapat pagtalunan ang katumbas ng mga salita
mula Ingles patungong Filipino dahil para sa mga nakapag-aral ng Filipino at sa
mga nagmamalasakit sa wikang Filipino, ito ay hindi isang malaking suliranin.

Ang paggamit ng Filipino sa iba't ibang disiplina ay makatutulong nang


malaki sa pagpapaunlad ng wikang ito. Basahin ang sinabi ni Dr. Jose Rizal
tungkol sa kahalagahan ng sariling wika:

“paunlarin mo,.. ang wikang sarili, palaganapin ito,


bayaang mapangalagaan ang sariling kaisipan at sa halip na
magkaroon ng lunggati ang panlalawigan lamang, dapat
magkaroon ng kaisipang nayungyungan ng iba, magpaunlad
ka ng kaisipang malaya upang sa gayon ... daanin man sa
katwiran, ni sa þinagkagawian, ni sa wika, ang Kastila
(Ingles) ay hindi makapagpapalagay na siya ay tagarito at
ang ating mamamayan, kailan man, ay hindi maituturing na
ang Kastila (lngles) nga ay mamamayan dito kundi laging
manluhsob lamang, isang banyaga na malao't madali ay
manggagaga ng iyong kalayaan...” (Magracia, E.B. et.al,
2011)

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 11


Fil 02 Filipino sa Iba’t ibang Disiplina
Rebyu sa mga Batayang Kasanayan
sa Pananaliksik

Ang Pagpoproseso ng Impormasyon


Ang pagpoproseso ng impormasyon ay maihahalintulad sa kung
paano inaayos ang tahanan at opisina.Ginagamitan ito ng iba’t
ibang mahuhusay na estratehiya. Tulad ng pag-aayos ng tahanan
at opisina, inaalam kung paano maoorganisa ang mga
kasangkapan, kung saang lugar ilalagay ang mga ito at kung
paano iaayos ang mga ito sa lagayan. Sa pagpoproseso naman
ng impormasyon nilalapatan ng maayos na sistema at
organisasyon ang konsepto o mga kaisipan upang maintindihan
itong lubos at mapanatili sa kaisipan.

Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon

Ayon kina Bernales, et al (2012) na ayon kina Mosura, et al. (1999), ang mga
hanguang primarya (primary sources) ay:
— Mga individwal awtoridad,
— Mga grupo o organisasyon tulad ng pamilya,
asosasyon, unyon, fraternity, katutubo o mga
minorya, bisnes, samahan, simbahan at gobyerno,
— Mga kinagawiang kaugalian tulad ng relihiyon at
pag-aasawa, sistemang legal at ekonomik at iba pa,
at
— Mga pampublikong kasulatan o dokumento tulad
ng konstitusyon, batas-kautusan, treaty o kontrata at
ang lahat ng orihinal na tala, katitikan sa korte, sulat,
jornal at taalarawan o dayari.
Ang mga hanguang sekondarya (secondary sources) naman ay:
a. Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensaklopidya,
taunang-ulat o yearbook, almanac at atlas,
b. Mga nalathalang artikulo sa jornal, magazin,
pahayagan, at newsletter,
c. Mga tisis, disertasyon at pag-aaral ng fisibiliti, nailathala
man ang mga ito o hindi, at
d. Mga monograf, manwal, polyeto, manuskrito at iba pa.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 12


Fil 02 Filipino sa Iba’t ibang Disiplina

Hanguang Elektroniko o Internet


Maituturing ang internet ngayon bilang isa sa
pinakamalawak at pinakamabilis na hanguan ng mga
inpormasyon o datos. Kung ang internet ay maaaring
pagkunan ng impormasyon o datos, nangangahulugan
lamang na malaking tulong ito sa pananaliksik.
Narito ang mga ilang sa mga websites na maaaring
mapagkunan ng tamang impormasyon.
1. Ang web page Uniform Resource Locators (URLs) na nagtatapos sa .edu ay
mula sa institusyon ng edukasyon o akademiko.
Halimbawa: http://www.university_of_makati.edu/
2. Ang .org ay nangangahulugang mula sa isang organisasyon at ang .com ay
mula sa komersyo o bisnes.
Halimbawa: www.knightsofcolumbus.org
www.yahoo.com
3. Ang .gov ay nangangahulugang mula sa institusyon o sangay ng
pamahalahaan.
Halimbawa: www.makaticity.gov
http://www.tourism.gov
Kategorya ng Pagproseso ng Impormasyon
1. Pandinig (Aural o Auditory)
Sa pamamagitan ng pandinig ay natatamo ang
mahahalagang impormasyon. Karaniwan sa mga
indibidwal na nakakapagproseso sa pamamagitan ng
pandinig ay iyong may hilig sa musika o iyong may hilig
sa pakikinig ng talakayan o anumang gawaing may
kaugnayan sa paggamit ng tainga o pandinig.
2. Pampaningin (Visual)
Ang mga mapa, tsart, dayagram, graphic organizer, mga
pattern at mga hugis ay ilan sa mga pinakamahusay na
kagamitan para sa mga indibidwal na may kahusayang
biswal. Ang mga impormasyon ay kanilang napoproseso sa
pamamagitan ng mahusay na pagpapakahulugan o
interpretasyon sa mga bagay na kanilang nakikita.
3. Pagkilos (kinesthetic)
Sa prosesong ito, nagaganap ang pag-unawa sa
pamamagitan ng pagkilos o paggawa ng isang bagay na
pisikal. Nakauunawa ang mga indibidwal sa ganitong proseso
sa pamamagitan ng mga demonstrasyon, eksibit, pag-aaral
ng kaso, at mga kongkretong aplikasyon. Ginagamit ng mga
mag-aaral na kinaesthetic ang lahat ng kanilang mga
pandama.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 13


Fil 02 Filipino sa Iba’t ibang Disiplina

Hakbang sa Pagproseso ng Impormasyon:


a. Pagtukoy (Defining)- ito ang pagpapahayag ng kahulugan. Ito ang
paglalarawan sa kalikasan, saklaw at kahulugan.
b. Paghahanap (Locating)-Pagdidiskubre ng eksaktong lugar o posisyon ng
isang bagay.
c. Pagpili (Selecting)- maingat na pamimili sa pinakamabuti o pinakaangkop
na bagay.
d. Paglalahad/Pagbabahagi (Presenting)- isang anyo ng pagpapahayag
na naglalayong mabigyang-linaw ang isang konsepto o kaisipan, bagay o
paninindigan upang lubos na maunawaan ng nakikinig o bumabasa.
e. Pagtatala at Pagsasaayos (Recording and Organizing)- ang ganitong
paraan ng pagkuha ng impormasyaon ay ang pagsunod sa mga bagay na
dapat ay may pagkakaayos.
f. Pagtatasa (Assessing)- isa itong proseso ng pagkalap at pagsusuri ng
impormasyon mula sa iba’t ibang batis/ paraan/ estratehiya upang
magkaroon ng malalim na pag-unawa ang guro sa nalalaman, naiintindihan,
at magagawa ng mga mag-aaral sa natutuhan sa kanilang leksyon,
paggawa ng Gawain, proyekto, atbp. sa kanilang asignatura.

Kahulugan ng Pagbasa
Ang pagbabasa ay interpretasyon ng
mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan
(Fabrigas et.al.) Ipinahahayag ng manunulat
ang kanyang ideya o kaisipan sa sinumang
marunong bumasa pamamagitan ng
nakalimbag na sagisag. Sa pamamagitan ng
pagbabasa sa mga rekord,dyornal,magasin at
iba pa ay nalalaman ng mambabasa ang mga
kaisipan at damdaming nais iparating ng
manunulat.
Ayon kay William S. Gray “Ama ng
Pagbasa” Nangyayari ito sa mambabasa sa
apat na yugto. Una ang pagbasa sa akda,
pangalawa, ang pag-unawa sa binasa,
pangatlo ang pagsasama at pag-uugnay ng
mga kaalaman batay sa mga naunang
William S Gray-Ama ng Pagbasa
artikulong binasa at sa mga karanasan at (Mula sa ReadingHall of Fame)
pang-apat reaksyon sa binasa.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 14


Fil 02 Filipino sa Iba’t ibang Disiplina

Kahalagahan ng Pagbasa
Pinatutunayan na mahalaga
ang pagbasa dahil:
1. Sa pamamagitan
nasusukat ang kabuuan ng
isang tao sa kanyang
pagsasalita kapag palabasa
ang isang tao, marami siyang
maibabahagi na kaisipan,
kaalaman at karunungan batay
sa genre na nabasa niya na
makapag-aangat sa kanyang
kalagayan sa lipunang
ginagalawan. Mula sa https://online.merrimack.edu/student-literacy-important-for-
student-success/
2. Nagpapataas ito ng
kalidad ng pagkaunawa ng isang tao sa bawat anggulo ng buhay, pagsasalita
o pagsusulat, kaakbay sa kanyang pagkilos.
3. Nakatutuklas ng maraming karunungan at kaalaman ang isang taong
palabasa na tutugon sa kanyang pangangailangan pangkabatiran sa ibat-
ibang larangan tulad ng siyensya, panitikang pagsusulat o pagsasalita man,
kasaysayan, sikolohiya at maging sa lipunan kinabibilangan.h
4. Higit sa lahat mahalaga ang pagbasa sa isang tao para hindi mapag-
iwanan ng panahon ng Cyberworld at iba pang mga teknolohiyang
nagsusulputan.

Mga Dahilan Kung Bakit tayo Nagbabasa


1. Gustong maglibang o libangin ang sarili.
2. Pampalipas oras.
3. Upang hindi mapag-iwanan ng panahon.
4. Madagdagan ang kaalaman.
5. Magkaroon ng kamalayan sa mga nagaganap sa paligid.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 15


Fil 02 Filipino sa Iba’t ibang Disiplina

Pagtataya
I. TAMA O MALI. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag. Isulat naman
ang MALI kung hindi wasto. (5pts.)

___________1. Ang impormasyon ay mga bagong kaalaman na natanggap mula


sa mga nababasa, naririnig at napapanood na napoproseso ayon sa sariling
karanasan.
___________2. Sa pagpili ng impormasyon ay kailangang isaalang-alang ang
masusing pagpili ng mga makabuluhang datos at kaalaman.
___________3. Ang batis ng impormasyon ay nahati sa tatlong hanguan: ang
hanguang primarya, hanguang sekondarya, at hanguang elektroniko.
___________4. Ayon kina Bernales, et al (2012) na ayon kina Mosura, et al. (1999)
ang hanguang primarya ay ang mga indibidwal o awtoridad.
___________5. Ang tinaguriang Ama ng Pagbasa ay si Wilhem Gray.
II. TUKUYIN. Tukuyin kung anong uri ng hanguan ang kinabibilangan ng
mga sumusunod.(5pts.)
1. journal
2. almanac
3. katitikan sa korte
4. google
5. konstitusyon

III. REPLEKSIYON. Sumulat ng isang sanaysay tungkol iyong napagtanto o


natutuhan sa araling ito. Gamiting gabay ang mga sumusunod na
katanungan para sa iyong pagsusulat.(20pts.)
1. Paano ko mapapatibay ang wikang Filipino?
2. Bakit mahalaga ang wika sa aking sarili, sa kapwa at sa bayan?
3. Bakit kinakailangang gumamit ng wikang mas higit na nauunawaan ng isang
tao sa pakikipag-usap?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 16


Fil 02 Filipino sa Iba’t ibang Disiplina

Talasanggunian
Mga Nailimbag

Magracia, E.B., et.al. (2011). Mabisang pagbasa at pagsulat tungo sa


pananaliksik (Aklas sa Filipino 2). Malabon City: Mutya Publishing House, Inc
Mendoza, Z.M. at Romero, M.L. (2007). Pagbasa at Pagsulat sa iba't ibang
disiplina sa antas tersarya. Maynila: Rex Bookstore, Inc.
Bernales, R.A. (2006). Kritikal na Pagbasa at Lohikal na Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik. Valenzuela City: Mutya Publishing House Inc.

Elektroniko
Añonuevo, R. T., (2016). Ang Filipino Bilang Disiplina: Sakop, Lawak, at
Potensiya ng Pagtuturo ng Panitikan Kaugnay ng Bagong Kurikulum Bunsod ng K
to 12. Katipunan, 1(1). Retrieved from https://ejournals.ph/article.php?id=14999

Zafra, G. S., (2016). Ang Pagtuturo ng Wika at Kulturang Filipino sa


Disiplinang Filipino (Konteksto ng K-12). Katipunan, 1(1). Retrieved from:
https://ejournals.ph/article.php?id=14998

Tarun, J. Z., (2012). Wikang Filipino Bilang Akademik na Programa at


Akademik na Disiplina. ISUCabagan Journal of Research, 21(2). Retrieved from
https://ejournals.ph/article.php?id=14999

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 17

You might also like