Pumunta sa nilalaman

Mga boson na X at Y

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa X and Y bosons)
Mga boson na X at Y
KomposisyonElementaryong partikulo
EstadistikaBosoniko
EstadoHipotetikal
12
Masa≈ 1015GeV/c2
Nabubulok saX: dalawang quark o isang antiquark ay isang may kargang antilepton
Y: dalawang quark o isang antiquark at isang may kargang antilepton, o isang antiquark at isang antineutrino
Elektrikong kargaX: +43 e
Y: +13 e
Kargang kulayhindi sero
Ikot1
Mga estadong ikot2
Weak isospin projectionX: +12
Y: −12
Mahinang hyperkarga53
BL23

Sa partikulong pisika, ang mga boson na X at Y (Ingles: X and Y bosons o misang tinatawag na X bosons)[1]) ang hipotetikal na mga elementaryong partikulo na analogo sa mga boson na W at Z ngunit tumutugon sa bagong uri ng pwersa na hinuluaan ng modelong Georgi-Glashow na isang teoriya ng dakilang pag-iisa. Ang mga boson na X at Y ay nag-uugnay(couple) ng quark sa lepton na pumapayag sa paglabag ng konserbasyon ng bilang na baryon at kaya ay pumapayag sa pagkabulok ng proton.

Ang isang X na boson ay magkakaroon ng sumusunod na mga modo ng pagkabulok:[2]

Xu + u
Xe+ + d

kung saan ang dalawang mga produkto ng pagkabulok sa bawat proseso ay may kabaligtarang chiralidad, ang u ay isang taas na quark, ang d ay isang babang quark at ang e+ ay isang positron.

Ang isang boson Y ay magkakaroon ng sumusunod na mga modo ng pagkabulok: [2]

Ye+ + u
Yd + u
Yd + νe

kung saan ang unang produkto ng pagkabulok sa bawat proseso ay may kaliwang-panig na chiralidad at ang ikalawa ay may kanang-panig na chiradidad at ang νe ay isang elektron antineutrino.

Ang katulad na mga produkto ng pagkabulok ay umiiral para sa ibang mga henerasyon ng quark-lepton.

Sa mga reaksiyong ito, kahit ang bilang na lepton (L) o ang bilang na baryon (B) ay naiingatan(conserved) ngunit ang BL ay naiingatan. Ang iba't ibang rasyo ng pagsasanga sa pagitan ng X na boson at antipartikulo nito(gaya ng sa kaso ng K-meson ang magpapaliwanag ng baryogenesis.

  1. Ta-Pei Cheng; Ling-Fong Li (1983). Gauge Theory of Elementary Particle Physics. Oxford University Press. p. 437. ISBN 0198519613.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  2. 2.0 2.1 Ta-Pei Cheng; Ling-Fong Li (1983). Gauge Theory of Elementary Particle Physics. Oxford University Press. p. 442. ISBN 0198519613.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)