Usapan:Talaan ng mga lungsod at bayan sa California
Itsura
Ito ang pahinang usapan upang talakayin ang Talaan ng mga lungsod at bayan sa California. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
Ilang katanungan...
[baguhin ang wikitext]Magandang araw/gabi po, @Jojit fb:!
Didiretso na po ako sa punto ko: may mga tanong po ako:
- Bakit po luklukan lang? Alam ko pong seat of government ang ibig sabihin ng luklukan, pero diba po, kabisera rin yon, since nandoon yung gobyerno ng kondado?
- Bakit po Mga sanggunian? Diba po dapat, sanggunian na lang, since isang maituturing na collective noun yung salita? Mukhang repetitive na po yata kung may mga pa sa unahan nito e.
- Bakit po naka-redirect yung mga pangalan ng munisipalidad sa pahinang ring ito? So basically, paikot-ikot lang po yung mga magbabasa. Diba po, dapat di na lang po ito ni-link?
Ayoko ko po kasing magsimula ng edit war (at baka mapagkamalan niyo po akong nanggugulo lang), kaya naman tinanong ko muna po rito, since medyo malaki-laki po yung maaapektuhang laman ng pahina kung babaguhin ko po yung mga nasa itaas.
GinawaSaHapon (makipag-usap) 13:02, 9 Oktubre 2020 (UTC)
- Hi @GinawaSaHapon: ito ang mga sagot ko:
- Hindi lahat ng luklukan ng pamahalaan ay kabisera din. Tapos, kahit na magkasinghulughan sila sa isang bansa, nakakalito rin na sabihin na "kabisera/luklukan" ito dahil sa Tagalog, kapag sinabing "kabisera," kadalasan itong tumutukoy sa "kapital" na lugar (halimbawa, ang kabisera ng Laguna ay Santa Cruz) at hindi yung luklukan ng kapital o tinatawag din minsan na "kapitolyo" (halimbawa, ang kapitolyo ng Laguna ay matatagpuan sa Abenida ng Pedro Guevarra, Santa Cruz).
- Hindi collective noun ang "sanggunian." Maaring isa lamang ang sanggunian o higit pa at hindi isang koleksyon. Samakatuwid, hindi paulit-ulit o repetitive ang "Mga sanggunian."
- Naka-redirect yung mga munisipalida/lungsod kasi one-liner o walang sapat na impormasyon ang mga iyon sa matagal na panahon na isa sa mga dahilan sa pagbura. Ninais ko na lamang na i-redirect kaysa burahin. Ngayon, kung gusto mong tanggalin ang internal link ng mga ni-redirect na munisipaldad/lungsod sa artikulong ito, okay lang. Hindi ako tututol.
- Sana nasagot ko ang mga tanong mo. Salamat. :-) --Jojit (usapan) 08:03, 12 Oktubre 2020 (UTC)
- @Jojit fb: Aa... okey po. So, dapat palang Mga Sanggunian. Salamat po sa paglinaw, kala ko, di niyo na po ito sasagutin e. Tatanggalin ko na po yung mga redirects po nito., nang mabura na po yung mga pahinang yon.
- Salamat po sa pagsagot. GinawaSaHapon (makipag-usap) 08:34, 12 Oktubre 2020 (UTC)
- Koreksyon. "Mga sanggunian" at hindi "Mga Sanggunian" kasi sinusunod natin ang sentence case. --Jojit (usapan) 09:06, 12 Oktubre 2020 (UTC)