Timog
Itsura
Ang Timog (Kastila: Sur) ay isa sa mga direksyong kardinal at isa sa mga puntos ng aguhon. Ang Timog ay kabaligtaran ng hilaga at patayo sa silangan at kanluran. Ginagamit ito sa pagturo sa lugar o posisyong matatagpuan sa babang bahagi ng mapa o kaya mula sa isang indibidwal.
Sa Pilipinas, ang anyong-tubig na nasa timog ng bansa ay ang Dagat Celebes. Ang Pulo ng Saluag ay ang pinakatimog na isla na matatagpuan sa probinsya ng Tawi-tawi sa Mindanao. Ang mga bansang nasa timog ng Pilipinas ay ang Indonesia, Brunei, at Malaysia, na pawang may sakop sa Isla ng Borneo.