Pumunta sa nilalaman

Tilya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tilya bilang isang tersiyaryong kulay
  bughaw
  tilya
  lunti
Tilya
About these coordinatesAbout these coordinates
About these coordinates
— Color coordinates —
Hex triplet #008080
sRGBB (r, g, b) (0, 128, 128)
HSV (h, s, v) (180°, 100%, 50[1]%)
Source HTML/CSS[2]
B: Normalized to [0–255] (byte)

Ang tilya[kailangan ng sanggunian] (Ingles: teal) ay isang kagitnang kulay na bughaw-lunti, katulad sa siyan. Hango ang pangalan nito mula sa isang ibon—ang karaniwang tilya (Anas crecca, common teal sa Ingles)—na may kakulay na gúhit sa ulo nito. Kadalasang ginagamit ang salita upang karaniwang itukoy ang mga uri ng siyan sa pangkalahatan.

Malilikha ito sa pamamagitan ng paghahalo ng bughaw sa luntiang base, o pinatingkad kung kinakailangan gamit ang itim o abo.[3] Ang maipaparis na kulay sa tilya ay maron.[4] Isa rin ito sa panimulang pangkat ng 16 na web kulay na HTML/CSS na binuo noong 1987. Sa modelong RGB na ginagamit upang makalikha ng mga kulay sa mga screen ng kompyuter at telebisyon, makalilikha ang tilya sa pamamagitan ng pagbaba ng liwanag ng siyan nang humigit-kumulang kalahati.

Ang tilya ay isang kulay-tersiyaryo sa modelong kulay ng RYB.

Isang usong kulay ang tilya noong dekada-1990, at ginamit ito ng maraming mga koponan para sa kanilang mga uniporme.[5][6]

Sa wikang Ingles, ang unang naitalang gamit ng salitang teal o tilya bilang pangalan ng kulay ay noong 1917.[7] Hango ito sa salitang Gitnang Ingles na tele, na kahalintulad ng taling sa wikang Olandes at telink sa Gitnang Ilawod na Aleman [en].[8] Bilang kulay, pinaniniwalaang buhat ang pangalan nito sa maliit at pantubig-tabang na karaniwang tilya, isang kasapi ng pamilyang bibi na ang mga mata ay pinalilibutan ng kulay na ito.[8]

Karaniwang tilya (common teal)

Mga ibang anyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tilyang bughaw

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tilyang bughaw
About these coordinatesAbout these coordinates
About these coordinates
— Color coordinates —
Hex triplet #367588
RGBB (r, g, b) (54, 117, 136)
HSV (h, s, v) (194°, 60%, 53%)
Source Kelly, Kenneth L. and Judd, Deanne B. (December 1976) "Color: Universal Language and Dictionary of Names", National Bureau of Standards, Spec. Publ. 440
B: Normalized to [0–255] (byte)

Ang tilyang bughaw (Ingles: Teal blue) ay isang kagitnang kulay ng tilya na mas-bughaw. Ang unang naitalang paggamit ng tilyang bughaw bilang pangalan ng kulay sa wikang Ingles ay noong 1927.[9]

Ang pinagmulan ng kulay na ito ay ang Plochere Color System, isang sistema ng kulay na binuo noong 1948 na malawakang ginagamit ng mga dibuhista sa disenyong panloob. Madalas na ginamit ang tilya noong dekada-1950 at 1960.[10]

Pangalan din ang teal blue ng isang kulay ng Crayola (kulay blg. 113) mula 1990 hanggang 2003. Ito ay isang pinagsamang bughaw/lunti ngunit may pagka-abong kulay.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Web.forret.com, Color Conversion Tool set to hex code of color #008080 (Teal):
  2. W3C TR CSS3 Color Module, HTML4 color keywords. W3.org
  3. "What Color is Teal - What Colors Go With Teal?". 2013-05-22. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-05-22. Nakuha noong 2018-07-12.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Teal / #008080 hex color". ColorHexa. Nakuha noong 2016-06-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Uni Watch's Friday Flashback: Laughing in the purple rain". ESPN.com. Nakuha noong 2017-01-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "A closer look at the uniforms and logos of the 90s". TheScore.com. Nakuha noong 2017-01-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Maerz, Aloys John and M. Rea Paul (1930) A Dictionary of Color, New York, McGraw-Hill, p. 205; color sample of Teal: p. 101 Plate 39 Color Sample L7
  8. 8.0 8.1 Norman, Teresa (2003). A World of Baby Names. Perigee. p. 145. ISBN 0-399-52894-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Maerz, Aloys John and M. Rea Paul (1930) A Dictionary of Color, New York, McGraw-Hill, p. 205; color sample of Teal Blue: p. 101 Plate 39 Color Sample L6
  10. "NBS/ISCC P - Plochere Color System". 2008-10-04. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-04. Nakuha noong 2018-07-12.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)