Pumunta sa nilalaman

Takipsilim (nobela)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Takipsilim
Pabalat ng Takipsilim (bersiyong Filipino)
May-akdaStephenie Meyer
Orihinal na pamagatTwilight
TagapagsalinArmine Rhea Mendoza
Gumawa ng pabalatGail Doobinin (disenyo)
Roger Hagadone (potograpo)
Bansa Estados Unidos
WikaIngles
SeryeTakipsilim
TagapaglathalaLittle, Brown and Company
Petsa ng paglathala
5 Oktubre 2005
Mga pahina498 (matigas na pabalat)
544 (malambot na pabalat)
ISBN0-316-16017-2
Sinundan ngBagong Buwan 

Ang Takipsilim (Twilight) ay isang nobelang romantiko para sa kabataang may edad na isinulat ni Stephenie Meyer, isang Amerikanang manunulat. Bilang una sa apat na aklat ng magkapangalang serye nito, kinikilala dito ang dalagang si Isabella "Bella" Swan, na lumipat mula sa Phoenix sa bayan ng Forks, Washington, at ang paglagay sa panganib ng kaniyang buhay nang umibig siya sa isang bampira, si Edward Cullen. Sinundan ito ng mga aklat na Bagong Buwan ("New Moon"), Eclipse ("Eklipse") at Breaking Dawn ("Bukang Liwayway").

Unang inilabas sa wikang Ingles noong 2005, agarang naging mabenta ang Takipsilim: lumabas ito bilang ikalima sa tala ng mga pinakamabentang aklat ng The New York Times sa loob ng isang buwan makatapos ito inilabas, at umabot rin ito ng unang puwesto pagkatapos iyon. Isinalin ang aklat sa 37 wika,[1] kasama ang isang bersiyon sa Filipino (Taglish) na isinalin ni Armine Rhea Mendoza at inilimbag ng Precious Pages Corporation (sa ilalim ng tatak na Precious Hearts Romances) noong Mayo 2012.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Kenneth Turan (2002-11-21). "Movie Review: 'Twilight'". Los Angeles Times. Nakuha noong 2008-11-21.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Panitikan Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.