Pumunta sa nilalaman

Rembrandt

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang larawan ni Rembrandt na siya rin ang nagpinta.
Ang The Nightwatch o "Ang Panggabing Pagbabantay," isang bantog na larawang ipininta ni Rembrandt.

Si Rembrandt Harmenszoon van Rijn (15 Hulyo 16064 Oktubre 1669) ay isang bantog na pintor at artista ng sining na Olandes. Ipinanganak siya sa Leiden. Noong 1631, nagpunta at namuhay siya sa Amsterdam, dahil maraming tao roon ang nakarinig na ng tungkol sa kanya at nais na magpapinta sa kanya ng kanilang sariling mga larawan. Nagpakasal siya sa isang babaeng may pangalang Saskia van Uylenberg. Nagkaroon sila ng apat na mga anak, subalit tatlo sa kanila ang namatay habang napakabata pa. Pagkaraang mamatay ni Saskia, namuhay si Rembrandt sa piling ng isang babaeng may pangalang Hendrickje Stoffels na naging dati niyang katulong o tagapaglingkod, at nagkaroon sila ng isang anak na babaeng pinangalanan nilang Cornelia. Namatay si Rembrandt sa Amsterdam noong 1669.

Nagpinta si Rembrandt ng maraming napakabantog na mga larawan. Ilan sa kanila ang napakalaki ang sukat, at ilan sa mga ito ang madilim at malungkot. Dahil sa pagiging isang mahusay na tagapagpinta, marami sa kanyang mga larawan ang nakaradaramang tila nakikiisa sila sa nangyayari sa loob ng tanawin o ipininta sa larawan. Makikita ang mga larawang ipininta ni Rembrandt sa tanyag na mga tanghalang pangsining sa buong mundo.

TaoSining Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Sining ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.