Publio Sulpicio Quirinio
Si Publio Sulpicio Quirinio o Publius Sulpicius Quirinius (c. 51 BCE – 21 CE) na tinawag ring Cyrenius,[1] ay isang aristokrato ng Imperyong Romano. Pagkatapos patalsikin at ipatapon ni Cesar Augusto si Herodes Arquelao sa Gaul dahil sa reklamo ng mga Hudyo sa kalupitan nito, si Quirinio ay hininirang na legato ng Probinsiyang Romano ng Syria kung saan idinagdag dito ang Judea upang isagawa ang Censo ni Quirinio.[2] Sa Cyrenaica, matagumpay na nilabanan ni Quirinio ang mga Garamantes na isang tribo sa disyerto ng Sahara sa katimugan ng Cyrene. Bilang bayani ng digmaan, bumalik siya sa Roma at isa sa 12 nahalal na konsul. Pagkatapos nito, hinirang ni Augusto si Quirinio na gobernador ng Galacia at Paphlagonia. Sa pagitan ng 5 at 3 CE, nilabanan niya ang tribo ng Homonadensia.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ King James Version of Luke 2:2, a back-transliteration of the Greek Κυρήνιος.
- ↑ Josephus, Antiquities of the Jews, Book XVIII, Chapter 1: "Cyrenius came himself into Judea, which was now added to the province of Syria, to take an account of their substance ..."