Pumunta sa nilalaman

Pontianak (alamat)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Para sa iba pang gamit, tignan ang Pontianak (paglilinaw)

Ang Pontianak, Kuntilanak, Matianak, o "Boentianak" (bilang pagkakakilala sa Indonesya, na pinaliit din minsan na kunti) ay isang uri ng bampira sa alamat na pang-Malay at sa Mitolohiyang Indones, na kapareho sa Langsuir. Ang mga pontianak ay mga babaeng namatay habang nanganganak, at nagiging patay na buhay, na nagnanais na maghiganti na nananakot sa mga bayan. Ang pangalang "pontianak" ay napabalitaang isang korupsiyon Indones o Malay na "perempuan mati beranak" o "ang siyang namatay sa panganganak".[1]

Ayon sa alamat, kadalasang nagpaparamdam ang Pontianak sa pamamagitan ng iyak ng sanggol o sa pagbabagong-anyo bilang isang magandang dilag at tinatakot o pinapatay ang sino mang sadyang minalas na nangahas na lumapit. Nagpapanggap ito bilang isang magandang batang dalaga upang akitin ang biktima (kadalasang lalake). Minsan ay nalalaman ang presensiya sa amoy ng matamis na halimuyak na kahintulad sa Plumeria, na sinusundan naman ng masangsang na amoy. Sa koleksiyon ng maikling kuwento na The Consul’s File ni Paul Theroux noong 1977, ipinagpalagay na ang naturang nilalang ay gawa-gawa lamang ng mga esposang Malay na nagnanais na pahinain ang loob ng kanilang mga asawa mula sa mga pasumalang engkuwentro sa pakikipagtalik na makakasalubong nila sa daan kapag gabi.[2]

Nakakalinlang din kung susukatin ang layo ng pontianak sa paghiyaw nito. Naniniwala ang mga Malay na kapag mahina ang hiyaw ng pontianak ay malapit lamang, at kung malakas man ay maaaring nasa kalayuan naman. Naniniwala naman na kapag umalulong ang aso, ibig sabihin ay nasa malayo ang pontianak. Ngunit kung ang aso umiingit, nangangahulugang nasa malapitan lamang ang pontianak.

Pinapatay ng pontianak ang biktima nito sa pagdukot ng sikmura gamit ang mga matutulis na kuko at saka nilalamon ang mga lamang loob. Kailangang kumain ang mga pontianak sa ganitong paraan upang mabuhay. Sa ibang kaso kung saan nais maghiganti ng Pontianak sa isang indibidwal na lalake, niyuyurak nito ang ari gamit ang mga kamay. Pinaniniwalaan na hinahanap ng pontianak ang kanilang sumila sa pag-amoy ng damit nakasampay sa labas upang patuyuin. Upang sa ganitong dahilan, inaayawan ng mga Malay ang kahit na anong bahid nga damit sa labas ng mga tahanan kapag gabi.

Naniniwala ang iba na ang pagtangan sa isang matulis na bagay katulad ng pako ay makakatulong sa kanila na paalisin ang mga potensiyal na pag-atake ng mga Pontianak, sa kadahilanang ginagamit ang pako bilang pambutas sa batok ng Pontianak. Pinaniniwalaang magiging isang magandang babae ang Pontianak, hanggang sa tanggalin uli ang pako. Ang kakaiba rito ay iturok ang pako sa pinakatuktok ng ulo ng Kuntilanak.

Kaugnay ang Pontianak sa mga puno ng saging, at sinasabing naninirahan ang espiritu nito kapag araw.

Pinagmulan ng Pangalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang lungsod ng Pontianak sa Indonesya ay ipinangalan mula sa nilalang na ito, na sinasabing nanakot sa sultan na unang nanirahan doon. Sinasabi na kung nakadilat ang iyong mga mata kapag nasa malapitan lang ang Pontianak, sisipsipan ang lahat ng iyong dugo. Kapag galit na galit ang multong ito, maaari niyang lamunin nang buo ang isang tao.

Ang Langsuir ay isang bersyon ng Pontianak, na sikat sa Malaysia bilang isa sa mga pinakamabagsik na bampira sa alamat pang-Malay. Bilang naiiba sa pontianak, na laging nagpapakita bilang magandang babae upang lamunin ang biktima, sumasapi ang langsuir sa biktima at hinihigop ang dugo mula sa kalooban, habang unti-unti silang pinapatay. Pinaniniwalaan na ang mga langsuir ay mga babaeng naghirap sa panganganak (meroyan) na naging sanhi ng kamatayan ng parehong ina at sanggol sa panganganak. Maari ring maging langsuir ang isang pumanaw na babae makalipas ng 40 araw ng kanyang panganganak. Isinadiwa bilang mapagtago, nakakatakot, mapaghiganti, at mabagsik, tinukoy rin ang langsuir na may mga mapulang mata, matutulis na kuko, mahabang buhok, may luntian o puting pananamit (kadalasan), naaagnas na mukha na may mahahabang pangil, at ang kakayahang makalipad. Pinaniniwalaan din na may butas sa batok ang langsuir na ginagamit na panghigop ng dugo. Kapag may naglagay ng buhok ng langsuir sa butas sa batok, o kapag pinutol ang mga kuko, magiging ganap na taong muli ang langsuir. Upang maiwasang maging langsuir muli ang isang babae, nilalagay ang mga bubog ng salamin sa bunganga ng patay.

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Lee R. The Almost Complete Collection of True Singapore Ghost Stories. 2nd ed. Singapore: Flame of the Forest, 1989.
  2. Theroux P. The Consul's File. London: Hamilton, 1977.

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]