Pumunta sa nilalaman

Poaceae

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Poaceae (Totoong Damo)
Temporal na saklaw: Late Cretaceous[1] - present
Namumulaklak na bahagi ng Alopecurus pratensis
Klasipikasyong pang-agham e
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Monocots
Klado: Commelinids
Orden: Poales
Klado: Graminid clade
Pamilya: Poaceae
Subpamilya

Mayroong 7 subpamilya na napapaloob dito:
Subpamilya Arundinoideae
Subpamilya Bambusoideae
Subpamilya Centothecoideae
Subpamilya Chloridoideae
Subpamilya Panicoideae
Subpamilya Pooideae
Subpamilya Stipoideae

Ang mga damo o Poaceae at Gramineae ay isang pamilya sa Klase Liliopsida (ang mga monocot) ng mga namumulaklak na halaman. Ang mga halaman na napapaloob sa pamilyang ito ay kalimitang tinatawag na damo. Ang mga mukhang palumpong o kaya puno na halaman na kabilang sa pamilyang ito ay tinatawag na kawayan (meron din namang hindi makahoy at mala-yerba na kawayan). Mayroong mga 600 na sari at mga 9000–10,000 o mas marami pang uri ng damo (Kew Index of World Grass Species). Ang mga pamayanan ng mga halaman kung saan nakakarami ang mga Poaceae ay tinatawag na damuhan o grassland; sinasabing ang mga damuhan ay bumubuo sa 20% ng balot ng halaman ng mundo. Ang mga uri ng damo ay makikita sa iba't ibang habitat gaya ng mababasang lup, gubat at tundra. Sinasabing ang Poaceae ay ang pinakamahalagang pamilya ng halaman sa ekonomiya ng tao: kasama na dito ang mga pangunahing pagkain na butil at cereal na sinasaka sa buong mundo, damo sa damuhan at mga damong pinapakain sa hayop, at kawayan, na isang mahalagang gamit sa konstruksiyon sa silangang Asya at sub-Saharan Aprika.

Ang salitang "damo" ay ginagamit rin sa (maling) pagtukoy ng mga halamang mukhang damo na hindi napapabilang sa Poaceae lineage. Kasama na dito ang Juncaceae at Cyperaceae. Tinatawag na "totoong damo" ang mga Poaceae dahil sa pagggamit ng salitang damo sa maraming uri ng halaman.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Piperno, D. R. (2005). "Dinosaurs Dined on Grass". Science. 310 (5751): 1126hor = Piperno, D.R. doi:10.1126/science.1121020. PMID 16293745. {{cite journal}}: Unknown parameter |coauthors= ignored (|author= suggested) (tulong); Unknown parameter |unused_data= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)


Halaman Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.