Pumunta sa nilalaman

Philo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Philo of Alexandria)
Philo
1584 European depiction of Philo
PanahonHellenistic Judaism
Ipinanganak20 BC
Alexandria, Egypt, Roman Empire
Namatay50 CE (age c.70)
Mga impluwensiyaStoicism • Pythagorism • Hellenistic Judaism
NaimpluwnsiyahanEarly Christianity

Si Philo ng Alehandriya (Griyego: Φίλων, Philōn; 20 BCE – 50 CE), na tinatawag ring Philo Judaeus ay isang Hudyong Helenistiko na pilosopo ng Bibliya na ipinanganak sa Alehandriya, Ehipto. Ginamit ni Philo ang pilosopikal na alegorya upang tangkaing isama at i-ayon ang pilosopiyang Griyego sa pilosopiyang Hudyo. Ang kanyang pamamaraan ay sumunod sa mga kasanayan ng parehong eksehesis na Hudyo at pilosopiyang Stoik. Ang kanyang eksehesis na alegorikal ay mahalaga para sa ilang mga Kristiyanong ama ng simbahan ngunit may bahagyang pagtanggap sa loob ng Hudaismo. "Ang mga sopista ng pagiging literal" na kanyang pagtawag sa mga literalistang Hudyo,[1] ay "mababaw na nagbukas ng kanilang mga mata" nang kanyang ipaliwanag sa mga ito ang mga kamangha mangha ng kanyang eksehesis. Si Philo ay naniniwalang ang mga literal na interpretasyon ng bibliya ay susupil sa pananaw ng sangkatauhan at persepsiyon ng isang diyos na labis na masalimuot at kamangha mangha upang maunawaan sa mga terminong literal ng tao. Ang ilang mga skolar ay naniniwala na ang kanyang konsepto ng Logos bilang malikhaing prinsipyo ng diyos ay nakaimpluwensiya sa simulang Kristolohiyang pananaw ng mga sinaunang Kristiyano. Ang kakaunting mga detalye sa buhay ni Philo ay matatagpuan sa kanyang mga isinulat lalo na sa Legatio ad Gaium ("embassy to Gaius"), at kay Josephus.[2] Ang tanging pangyayari sa kanyang buhay na matutukoy ng kronolohikal ang kanyang pagsali sa embahada kung saan an mga Hudyong Alexandrian ay ipinadala sa emperador Caligula sa Roma bilang resulta ng isang sibil na awayan sa pagitan ng mga pamayanang Hudyong-Alexandrian at Griyego. Ito ay nangyari noong 40 CE.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. De Somniis, i.16-17
  2. Antiquities xviii.8, § 1; comp. ib. xix.5, § 1; xx.5, § 2