Pumunta sa nilalaman

Lubid

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pamigkis)
Mga hibla ng lubid na ginagamit sa mahabang-linyang pangingisda

Ang lubid (Ingles: rope) ay isang kahabaan ng mga hibla, na ipinupulupot o itinatali nang magkakasama upang maging mas matibay o matatag para sa paghila at pag-uugnay (pagkakabit-kabit). Ito ay may makunat na lakas ngunit nababaluktot na nakapagbibigay ng komprehensibong lakas (halimbawa na: maaaring gamitin ito para sa paghila ngunit hindi sa pagtulak). Ang lubid ay mas makapal sa mga kahalintulad nitong iba pang mga panali na kagaya ng gaya ng kurdon, linya, pisi o tali. Ang tali ay isang manipis at nababaluktot na piraso ng lubid o pisi na ginagamit para magbuhol, magbigkis o magsabit ng iba pang mga bagay. Ang tali ay maaaring yari sa ilang iba't ibang mga uri ng hibla.

Teknolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Teknolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.