Pumunta sa nilalaman

Palalusugan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang palalusugan (Ingles: hygiene) ay may kaalaman ukol sa kalusugan at pag-iwas mula sa mga karamdaman.[1] Isa itong gawain ng pagiging malinis. Ilan sa mga halimbawa ng ganitong mga pagkilos ang paghuhugas ng katawan upang matanggal ang dumi at mga mikrobyo, pagsisipilyo ng mga ngipin upang mapanatili silang malinis, pag-aahit, wastong paggamit ng kasilyas, at pati na tamang pananamit. Itinuturo sa mga bata sa kanilang murang gulang ang angkop na palalusugan at nagiging mga gawaing nakabihasnan. Ang mga taong walang mabuting palalusugan ay maaaring maging mabaho ang amoy, mabungian ng mga ngipin, at magkasakit.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Hygiene, palalusugan - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Kalusugan Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalusugan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.