Pumunta sa nilalaman

Mikolohiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mikolohiya

Ang mikolohiya (Ingles: mycology) ay ang pag-aaral ng mga halamang-singaw o fungus.[1] Kabilang dito ang kanilang henetika, mga katangiang biyokimikal (ang mga prosesong kimikal sa loob nila), ang kanilang klasipikasyon, ang kanilang gamit para sa mga tao, at ang kanilang panganib na dulot (nakalalason o pagiging nakakahawa). Ang halamang-singaw ay ang pinagkukunan ng pampalatang (pamparikit ng apoy, o lulog; madaling magliyab na materyal upang makagawa ng apoy), ng mga gamot, mga pagkain, at mga enteoheno (isang sustansiyang sikoaktibo). Tinatawag na mikologo o mikolohista ang isang biyologong nag-aaral ng mikolohiya.

Malapit ang kaugnayan ng mikolohiya sa pitopatolohiya (ang pag-aaral ng mga karamdaman ng mga halaman) dahil karamihan sa mga sakit ng mga halaman ay sanhi ng mga halamang-singaw. Kaugnay ng kasaysayan, ang mikolohiya ay isang sangay ng botaniya (biyolohiyang panghalaman). Sa kasalukuyan, ang halamang-singaw ay mas may kaugnayan sa mga hayop kaysa sa mga halaman. Mahalaga ang halamang-singaw para sa buhay sa mundo: sila ay mga simbiyonte (isang organismong namumuhay sa loob ng isang ugnayang may pagbibigayan at pakikinabang na kasama ang isang ibang organismo mula sa ibang uri), mayroon silang bisa sa pagtunaw ng masalimuot na mga biyomolekulang organiko, at mayroon silang gampanin sa pangglobong siklo ng karbon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Spotlight on: Mycology". Royal Society of Biology. Nakuha noong 10 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Biyolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.