Pumunta sa nilalaman

Kristiyanisasyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pangkasaysayang kababalaghan o penomeno ng Kristiyanisasyon o Pagsasakristiyano ay ang pagbabagong-loob na pampananampalataya (kumbersiyong panrelihiyon) ng mga indibiduwal papuntang Kristiyanismo o ang pagbabagong-relihiyon ng kabuuang dami ng mga tao na nangyayari sa loob ng isang ulit lamang. Kinabibilangan din ito ng pagsasagawa ng pagpapabagong-loob ng mga gawain at kulturang pagano, banghay o larawan na panrelihiyong pagano, mga lugar na pagano at kalendaryong pagano upang magamit na pangkristiyano, dahil sa mga pagsisikap ng mga Kristiyano sa proselitismo (ebanghelismo) batay sa tradisyon ng Dakilang Komisyon. Isang payak na halimbawa nito ang pagbabago ng pananampalataya ng isang bansa o rehiyon upang maging kabahagi ng Kristiyanismo, na kadalasang nagsisimula sa pagbibinyag ng isang katutubo o lokal na pinuno.

Sari-saring mga pamamaraan ang ginamit sa mga pangangampanya ng Kristiyanisasyon magmula sa Huling Kasinaunahan hanggang sa mga Panahong Panggitna: ang sinaunang mga banal na pook ay winasak o binago upang maging mga simbahang Kristiyano, ang indihena o katutubong mga diyos na pagano ay sumailalim sa demonisasyon, at ang nakaugaliang mga gawaing panrelihiyon ay hinatulan bilang mga gawain ng pangkukulam at naging krimen din, na kung minsan ay napaparusahan ng parusang kamatayan.[1]

Ang pagbabagong anyo ng katutubong mga gawain at mga paniniwala panrelihiyon at pangkalinangan upang maging isang anyo Kristiyanisado o Naisakristiyano ay opisyal na pinahihintulutan; napanatili ito sa Historia ecclesiastica gentis Anglorum ng Kagalang-galang na Bede, na isang liham mula kay Papa Gregorio II kay Mellitus na ipinagmamatuwid na ang pagpapabagong-loob ay mas madali kung ang mga tao ay pinayagang panatilihin ang panlabas na mga anyo ng kanilang mga tradisyon, habang inaangkin na ang mga kaugalian ay para sa pagpaparangal ng Kristiyanong Diyos, na sa panghuli ay kung panlabas na papahintulutan ang ilang pagpapabuya o gratipikasyon (ng kaugalian), ang mga taong pinagbabagong-pananampalataya ay mas madaling papayag sa panloob na mga konsolasyon o pakunsuwelo ng grasya ng Diyos. Sa kaibuturan, nilayon na umiiral pa rin ang mga tradisyon at mga gawain, ngunit ang katwiran sa likuran ng mga ito ay binago. Ang pag-iral ng sinkretismo sa kaugaliang Kristiyano ay matagal nang kinikilala ng mga dalubhasa, at sa kamakailang mga panahon maraming mga pagkakataon ng sinkretismo ay kinilala na rin ng simbahang Katoliko Romano.

Ang mga pag-aaral na pantao ng Kasinaunahan at ng Repormasyon na pinagsama noong ika-16 na daantaon upang makalikha ng mga akda ng pagkadalubhasa na may marka ng isang adyenda na abala sa pagkilala ng mga gawaing Katoliko Romano bilang may kaugnayan sa paganismo, at ang pagkilala sa bumabangong mga simbahang Protestante na may mapagpurgang "muling pagsasakristiyano" ng lipunan. Ang dalubhasang Lutherano na si Philip Melanchthon ay nilikha ang kanyang Apologia Confessionis Augustanae (1530) na nagdedetalye ng mga ritong hinango mula sa mga gawaing pagano. Ang De origine erroris libris duo (1539) ni Heinrich Bullinger ay nagdetalye ng mga paganong mga "pinagmulan ng mga kamaliang (Katoliko)".

Si Isaac Casaubon, sa kanyang De rebus sacris et ecclesiasticus exercitationes (1614), ay gumawa ng isang pamilya na halimbawa, kung saan ang magaling na kadalubhasaan ay tila nakumpromiso o naalintana ng panghihimok o pangangatwirang sektaryano. Kung kaya, ang mga sinunang paganong mga gawain para sa mga gawaing Kristiyano ay may taglay na pinahihina o pinagwawalangbahala (binabalewala) ng mga apolohistang Kristiyano bilang isang anyo ng Apolohetiks na Protestante.

Ang ika-20 daantaon ay nakakita ng mas dalisay na mga pag-uusisa, na malaya mula sa mga pagkiling na sektaryano; isang maagang klasikong historisista sa larangang ito ng pag-aaral ay ang The Survival of the Pagan Gods: the mythological tradition and its place in Renaissance humanism and the arts (1972) ni Jean Seznec.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Sanmark, Alexandra (2003), [Sanmark, Alexandra (2003), "Power and Conversion: A Comparative Study of Christianization in Scandinavia" (PDF), Occasional Papers in Archaeology, 34, inarkibo mula sa without a parameter%5d%5d%5b%5bPortable Document Format|PDF%5d%5d orihinal noong 2020-04-02, nakuha noong 2012-02-27 {{citation}}: Check |url= value (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)PDF "Power and Conversion: A Comparative Study of Christianization in Scandinavia"], Occasional Papers in Archaeology, 34 {{citation}}: Check |url= value (tulong); templatestyles stripmarker in |url= at position 1 (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)