Pumunta sa nilalaman

Hurado

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang walang taong kahong hurado sa isang korteng Amerikano sa Kondadong Pershing, Nevada

Ang isang hurado o tagahatol ay isang pangkat ng mga taong nanumpa na nagtitipon upang pakinggan ang ebidensya at magbigay ng walang kinikilingan hatol (isang paghahahanap ng katunayan sa isang tanong) na opisyal na sinusumite sa kanila ng isang korte, o itakda ang isang kaparusahan o paghuhusga.

Nanggaling ang mga konsepto ng hurado sa Inglatera noong Gitnang Panahon at tanda ito ng karaniwang batas na Ingles. Tulad nito, ginagamit sila ng Reyno Unido, ang Estados Unidos, Canada, Irlanda, Australya, at ibang mga bansa na ang mga sistemang legal ay hinango mula sa Imperyong Britaniko. Ginagamit ng ibang mga bansa ang mga baryasyon ng batas sibil ng Europa o mga sistemang Islamikong batas na sharia na kung saan pangkalahatang hindi ginagamit ang mga hurado.

Maaring kabilang sa mapagkukunang kaalamang hurado ang kaalamang unang nakuha, imbestigasyon, at hindi gaanong maasahang mapagkukunan tulad ng tsimis at sabi-sabi.[1] Mababakas ang konsepto ng testimonya sa Normandiya bago ang 1066, nang itinatatag ang isang hurado ng mga noble upang pasyahan ang mga alitan sa lupa. Sa ganitong paraan, ang Duke, na siyang pinakamalaking may-ari ng lupa, ay hindi maaring umaktong hukom sa kanyang sariling kaso.[2]

Ipinapakita ng ebidensya na tipikal na napakaseryoso ang mga hurado sa kanilang gampanin.[3] Sang-ayon kay Simon (1980), ginagampanan nila ang kanilang mga responsibilidad bilang mga tagagawa ng pasya na tulad sa isang hukom ng isang korte – na may lubhang pagkaseryoso, isang kaisipang makabatas, at pag-alala sa konsistente na nakabatay sa ebidensya. Sa pamamagitan ng aktibong pagproseso ng ebidensya, paggawa ng mga paghihinuha, paggamit ng sintudo kumon at pansariling karanasan upang mabatid ang kanilang paggawa ng pasya, naipahiwatig ng pananaliksik na ang mga hurado ay epektibong tagagawa ng desisyon na naghahanap ng pagkaunawa, sa halip na mapagbigay, apatikong lumalahok na hindi karapat-dapat na magsilbing hurado.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Daniel Klerman, "Was the Jury Every Self-Informing" (sa Ingles) Naka-arkibo 2011-07-19 sa Wayback Machine. Southern California Law Review 77: (2003), 123.
  2. Tingnan, halimbawa, ang diskusyon ng teoriya ng testimonya ni Brunner, sa halip sa partipasyon panghukuman bilang pinagmulan ng hurado, na ginalugad saexplored in MacNair, Vicinage and the Antecedents of the Jury – I. Theories, sa "Law and History Review", Vol. 17 No 3, 1999, pp. 6–18. (sa Ingles)
  3. Simon, R. J. (1980). The jury: Its role in American society. Lexington, MA: Heath (sa Ingles)
  4. "Human Genome Project Information Site Has Been Updated" (sa wikang Ingles). Ornl.gov. 2013-07-23. Nakuha noong 2014-01-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)