Hilagang Hating-globo


Ang Hilagang Hating-globo[1][2][3] (o Hilagang Hating-Daigdig; Ingles: Northern Hemisphere) ay ang bahagi ng Daigdig na nasa hilaga ng ekwador. Tinatawag din ito na Hilagang Emisperyo kung saan ang salitang "emisperyo" (mula sa Griyegong σφαιρα [espero o bilog] + ημι [kalahati]) ay literal na may kahulugang 'kalahati ng bola' o 'kalahati ng bilog'. Ito rin ang kalahati ng esperong selestiyal na nasa timog ng ekwator na selestiyal.
Dahil sa aksiyal na pagkiling ng Daigdig sa 23.439281°, may baryasyon ng panahon sa haba ng araw at gabi. May baryasyon din ng panahon sa temperatura na naantala sa baryasyon sa araw at gabi. Sa kumbensyunal, nangyayari ang tag-niyebe sa Hilagang Hating-globo bilang ang panaho mula solstisyo ng Disyembre (tipikal sa Disyembre 21 UTC) hanggang sa ekinoksyo ng Marso (tipikal sa Marso 20 UTC), habang nangyayari ang tag-init sa panahon mula sa solsitisyo hanggang sa ekinoksyo ng Setyembre (tipikal sa September 23 UTC). Nag-iiba ang petsa sa bawat taon dahil sa pagkakaiba sa pagitan ng taon ng kalendaryo at taon na astronomikal. Sa loob ng Hilagang Hating-globo, maaring baguhin ng agos ng karagatan ang modelo ng lagay ng panahon na makakaapekto sa maraming kadahilanan sa loob ng hilagang baybayin. Kabilang sa mga ganoong kaganapan ang El Niño–Katimugang Osilasyon.
Noong 2015, naririto sa Hilagang Hating-globo ang mga 87 bahagdan ng populasyon ng mundo na tinatayang 6.4 bilyong tao sa kabuuang populasyon na 7,3 bilyong tao[4][5][6] at narito rin ang karamihan sa mga lupain ng mundo. Ang kalahatan ng Hilagang Amerika at ng Europa ay nakapaloob sa Hilagang Emisperyo. Nasa Hilagang Emisperyo rin ang karamihan sa mga bahagi ng Asya, dalawang-ikatlo (2/3) ng Aprika at 10 bahagdan ng Timog Amerika. Ang tatlong pinakamalalaking mga bansa ayon sa populasyon (Tsina, India, at Estados Unidos ay nasa loob ng Hilagang Emisperyo.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Makabayan 6' 2004 Ed. Rex Bookstore, Inc. p. 13. ISBN 978-971-23-3902-8.
- ↑ "Hemisphere in Tagalog". www.tagalog.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-01-25.
- ↑ Sambayanang Pilipino. Rex Bookstore, Inc. 1996. p. 13. ISBN 978-971-23-1517-6.
- ↑ Kinalkula mula sa World Population Yearbook 2019 (sa libo) Kabuuang populasyon: 7,359,970 Populasyon ng Hilagang Hating-globo: 6,405,030 87.0% Populasyon ng Katimugang Hating-globo: 954,940 13.0% (Pananda 1) Kung walang datos para sa 2019, ang pinakabagong datos ang ginamit. (Pananda 2) Hinahati sa kalahating mga populasyon sa bawat Hilaga at Timog Hating-globo ang mga sumasaklang na mga bansa na may lupain sa ekwador.
- ↑ "90% Of People Live In The Northern Hemisphere – Business Insider". Business Insider (sa wikang Ingles). 4 May 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Enero 2018. Nakuha noong 10 Nobyembre 2015.
- ↑ "GIC – Article". galegroup.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Abril 2016. Nakuha noong 10 Nobyembre 2015.