Pumunta sa nilalaman

Espatula

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang 'di-kinakalawang na espatulang pang-laboratoryo

Ang espatula (sa wikang Ingles: spatula) ay isang maliit na kagamitan na may malapad, patag, nababaluktot na talim na ginagamit panghalo, pangkalat at pang-angat ng mga bagay tulad ng pagkain, gamot, tapal at pintura. Ito ay galing sa salitang Latino para sa isang patag na kahoy at maaari itong tawaging tongue depressor sa Ingles (isang instrumento na ginagamit ng doktor upang pigilan ang dila habang sinusuri ang iyong bunganga at lalamunan). Ang salitang spade (kagamitang panghukay) at spathe ay magkatulad ng pinanggagalingan.

Karaniwang ginagamit ang espatula sa pagpatag ng mga basong pangsukat. Ito ay isang kagamitan na may dalawang patag na dulo sa nababaluktot na talim. Ang espatula ay maikli at may sukat na walong pulgada. Ang espatula ay isa ring pang ikot ginagamit pang baliktad ng mga pancake o karne.

Sa mga kagamitang pangkusina, ang espatula ay kilala bilang siyansi o siyanse sa tahanang Pilipino. Ang siyanse ay ginagamit na pang-angat at pambaliktad ng mga pagkain habang nagluluto, tulad ng pankeyk, karne, manok, o isda na tinanggalan ng buto. Ito ay karaniwang gawa sa bakal, plastik na may kahoy o plastik na hawakan upang magkaroon ng insulasyon mula sa init.