Dyeus
Nangangailangan pong patunayan ang nilalaman ng artikulo na ito sa pamamagitan ng mga pagdagdag o paglagay po ng sanggunian. (Pebrero 2013)
Makakatulong po sa pagpapabuti nito ang pagdadagdag ng mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na maaaring balaan o maalis ang mga impormasyong walang sanggunian. |
Ang Dyēus, Dieus, o *Dyēus ph2ter ay pinaniniwalaan na naging pinuno o pangunahing diyos sa mga tradisyong panrelihiyon ng prehistorikong mga tribong Proto-Indo-Europeo. Bilang kabahagi ng isang mas malaking panteon (kapangkatan ng mga diyos), siya ang diyos ng liwanag na pang-araw ng kalangitan, at ang kaniyang puwesto ay maaaring nagsalamin ng posisyon ng patriyarka o ng monarka ng lipunan. Ang diyos na ito ay hindi tuwirang napatunayan; sa halip muling binuo ng mga paham ang diyos magmula sa mga wika at mga kultura ng mga bansang Indo-Europeo.
Sumunod na mga diyos na pang-etimolohiyang may kaugnayan sa Dyeus
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Sa mitolohiyang Griyego, si Zeus[1]
- Sa mitolohiyang Romano, si Jupiter (orihinal na Iuppiter)[2]
- Sa makasaysayang relihiyong Vedico, si Dyauṣ Pitār[3]
- Maaaring si Dionysus, at ang Tracianong si Sabazios (mula sa Saba Zeus?)
Nakaugat sa kaugnay subalit namumukod-tanging salitang Indo-Europeong salita na *deiwos ay ang salitang Latin para sa "diyos" na deus. Ang salitang Latin na ito nagpatuloy sa Ingles na divine, "deity", at ang orihinal na salitang Hermaniko ay nananatiling nakikita sa "Tuesday" ("Araw ni Tīwaz") at ng Lumang Nordikong tívar, na maaaring nagpatuloy sa toponimong Tiveden ("Kahoy ng mga Diyos", o ni Týr).
Pangkat na Deiwos
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ang Hermanikong si Tiwaz (na pagdaka ay nakikila bilang si Týr)
- Ang Latin na Deus
- Ang Indo-Irani na Deva/Daeva
- Ang Baltikong Dievas
- Ang pangmitolohiyang Celtic na pang-Gaul na Dēuos (bilang isang halimbawa lamang)
- Maaaring pangmitolohiyang Islabiko na divu (mga dimonyo — na ang kahulugan ay nakuha magmula sa Iranyano)
Ang Estonianong Tharapita ay mayroong pagkakahalintulad sa Dyaus Pita sa pangalan, bagaman naunawa ito bilang mayroong kaugnayan sa diyos na si Thor.
Si Dyeus ay ipinagbubunyi bilang si Dyeu Ph2ter, literal na "Ama ng langit" o "nagniningning na ama", na isinasalamin ng Latin na Iūpiter, Diēspiter, na maaaring Dis Pater at deus pater, na sa Griyego ay Zeu pater, na sa Sanskrit ay Dyàuṣpítaḥ. Sa kaniyang aspekto bilang isang amang diyos o diyos na ama, ang kaniyang konsorte ay si Pltwih2 Mh2ter, "Inang Lupa" (Inang Mundo o Inang Daigdig).
Habang umuunlad o nagkaroon ng ebolusyon ang mga panteon ng indibidwal o bawat isang mga mitolohiya na may kaugnayan sa relihiyong Proto-Indo-Europeo, ang mga katangian ni Dyeus ay paminsan-minsang muling naipamumudmod sa iba pang bagong mga diyos. Sa mga mitolohiyang Griyego at Romano, nanatili si Dyeus bilang pinuno o pangunahing diyos, samantalang sa mitolohiyang Vedico, ang pang-etimolohiyang pagpapatuloy ng Dyeus ay naging isang napaka abstrakto o walang tiyak na hubog na diyos, at ang kaniyang orihinal na mga katangian, at ang kaniyang pangingibabaw sa iba pang mga diyos, ay nalipat sa mga diyos na ang mga pangalan ay maari (Agni) o hindi maaaring (Indra) bakasin sa Proto-Indo-Europeo.
Bilang isang pangkaraniwang pangngalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pangalan ni Dyēus ay maaaring mangahulugan din bilang "ang kalangitan na pang-araw" o "ang langit na pang may liwanag":
- Sa Sanskrit, bilang div- (pang-isahang nominatibo na dyāus sa piling ng vrddhi), ang pang-isahan nito ay nangangahulugang "ang kalangitan" at ang pangmaramihan ito ay may kahulugang "mga araw".
- Kapag binigkas na *di-ēus (2 mga pantig), ito ay naging Latin na diēs = "araw".
- Ang Pinlandes na taivas at ang Estonianong taevas, na may kahulugang "kalangitan" o "langit," ay maaaring nakaugat sa kanilang kanugnog na Baltikong Dievas o sa Hermanikong Tiwaz.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Zeus". American Heritage Dictionary. Bartleby. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-01-13. Nakuha noong 2006-07-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Indo-European and the Indo-Europeans". American Heritage Dictionary of the English Language (ika-ika-4 (na) edisyon). Bartleby. 2000. Nakuha noong 2008-09-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Oberlies, Thomas (1998), Die Religion des Rgveda (sa wikang Aleman), Wien
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link).
Bibliyograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pokorny, Julius (1959), Indogermanisches etymologisches Wörterbuch (sa wikang Aleman)
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link).