Pumunta sa nilalaman

Domino (laro)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang laro ng mga domino.

Ang mga domino, sa pangkalahatan, ay tumutukoy sa mga piraso o pitsang panglaro na bumubuo sa isang pangkat, set, o pakete na pangdomino o sa kabahaging kaurian o kategorya ng mga larong may pitsa. Kaugnay ng matematika, karaniwang tumutukoy ang salitang domino sa anumang parihabang nabuo mula sa pag-uugnay ng dalawang kongruenteng mga parisukat, na gilid sa gilid. Binubuo ang tradisyonal na Intsik-Europeong pangkat ng domino ng 28 mga domino o pitsang pangdomino. Bawat domino ay isang tisa o pitsang parihabang may guhit na humahati sa mukha nito upang maging dalawang dulong parisukat. May tanda ang bawat dulo ng mga tuldok o walang marka. Maaaring walang laman o marka o maaaring may magkakamukhang palamuti ang likuran ng mga domino. Katulad ng mga barahang panglaro at ng dais (betu-beto o puntero), nagagamit ang mga pitsang pangdomino[1] sa sari-saring mga larong pangdomino.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Domino, pitsa ng domino - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.