Pumunta sa nilalaman

Desodorante

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Halimbawa ng isang produktong desodorante ng Rexona.

Ang desodorante[1] (Ingles: deodorant) ay isang uri ng pabangong pantaboy-amoy o pampaalis ng baho.[2] Mga sustansiya itong may kakayahang magtakip, sumapaw o magtago at sumira ng mababahong mga amoy, katulad ng nakukuhang amoy mula sa paninigarilyo o pananabako. Hindi sapat na matanggal ang mabahong amoy, kailangan ding maalis ang maaaring makuhang panganib na matatanggap mula sa karamdamang nagdurulot ng amoy na mabaho. Isang halimbawa ng deodoranteng gumaganap din bilang pamuksa ng mapaminsalang mga mikrobyo ang solusyong may permanganato ng potash at kluror ng dayap (klorido ng dalayap).[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Almario, Virgilio, pat. (2010). "deodorant, desodorante". UP Diksyonaryong Filipino (ika-2 (na) edisyon). UP-Sentro ng Wikang Filipino-Diliman – sa pamamagitan ni/ng Diksiyonaryo.ph.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Gaboy, Luciano L. Deodorant - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. Robinson, Victor, pat. (1939). "Deodorant". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 219.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.