Pumunta sa nilalaman

Auckland

Mga koordinado: 36°50′26″S 174°44′24″E / 36.84056°S 174.74000°E / -36.84056; 174.74000
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Auckland

Tāmaki Makaurau (Māori)
Mga palayaw: 
City of Sails
Queen City[1]
Mga koordinado: 36°50′26″S 174°44′24″E / 36.84056°S 174.74000°E / -36.84056; 174.74000
BansaNuweba Selandiya
IslaNorth Island
RehiyonAuckland
Settled by Māoric. 1350
Settled by Europeans1840
Ipinangalan kay (sa)George Eden, 1st Earl of Auckland
NZ Parliament
Local boards
Pamahalaan
 • KonsehoAuckland Council
 • MayorWayne Brown
 • Deputy MayorDesley Simpson
 • MPs
Lawak
 • Urban
605.67 km2 (233.85 milya kuwadrado)
Pinakamataas na pook
196 m (643 tal)
Pinakamababang pook
0 m (0 tal)
Populasyon
 • Urban
Padron:NZ population data 2,018
 • Regional/metro
Padron:NZ population data 2,018
 • Demonym
Aucklander
GDP
 • Regional/metroNZ$ 139.5 billion (2022)
 • Per capitaNZ$ 80,300 (2022)
Sona ng orasUTC+12:00 (NZST)
 • Tag-init (DST)UTC+13:00 (NZDT)
Postcode(s)
0600–2699
Kodigo ng lugar09
Local iwiNgāti Whātua, Tainui, Ngāti Ākarana (pan-tribal)
Websaytaucklandcouncil.govt.nz

Ang Lungsod ng Auckland ( /ˈɔːklənd/ AWK-lənd; [3] Māori: Tāmaki Makaurau), ay isang malaking métropolitanong lungsod sa North Island ng Nuweba Selandiya. Ito ay may populasyong humigit-kumulang 1,531,400 (Hunyo 2024). Ang lungsod na ito ay matatagpuan sa Auckland Region, na kinabibilangan ng mga malalayong rural na lugar at mga isla ng Hauraki Gulf, na may kabuuang populasyon na 1,798,300 (Hunyo 2024). Ito ang pinakamataong lungsod ng Nuweba Selandiya at ang ikalimang pinakamalaking lungsod sa Oseaniya. Habang patuloy na binubuo ng mga Europeo ang mayorya ng populasyon ng Auckland, ang lungsod ay naging multikultural at kosmopolitan noong huling bahagi ng ika-20 siglo, kung binubuo ng 31% ng populasyon ng lungsod ang mga Asyano noong 2018.[4]

Sumasakop ng 234.40 na kuwadrado kilometro, nasa pagitan ang Auckland ng Hauraki Gulf sa silangan, ang Hunua Ranges sa timog-silangan, ang Manukau Harbour sa timog-kanluran, at ang Waitākere Ranges sa kanluran at hilaga-kanluran.Natatakpan ng kagubatan ang mga nakapalibot na burol sa lungsod, at ang tanawin ay may limampu't-tatlong mga sentro ng bulkan na bumubuo sa Auckland Volcanic Field. Sinasakop ng gitnang bahagi ng urban area ang isang makitid na tangway sa pagitan ng Manukau Harbor sa Tasman Sea at ng Waitematā Harbor sa Karagatang Pasipiko. Ang Auckland ay isa sa iilang lungsod sa mundo na mayroong daungan sa bawat isa sa dalawang magkahiwalay na pangunahing anyong tubig nito.

Unang tinirhan ang tangway ng Auckland noong c.1350 na siaybg pinahahalagahan para sa mayaman at matabang lupa nito. Tinatayang umabot sa 20,000 ang populasyon ng Māori sa lugar bago dumating ang mga Europeo.[5]

Maagang kasaysayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Unang tinirhan ng mga Māori ang Tangway ng Auckland noong 1350, na pinahahalagahan para sa mayaman at matabang lupa nito. Maraming mga (pinatibay na nayon) ang nilikha, lalo na sa mga taluktok ng bulkan. Sa unang bahagi ng 1700s naging pangunahing maimpluwensyang puwersa sa tangway ang Te Waiohua, isang kompederasyon ng mga tribo tulad ng Ngā Oho, Ngā Riki at Ngā Iwi, na may mga pangunahing na matatagpuan sa Maungakiekie / One Tree Hill, Bundok ng Māngere at Maungataketake.[6][7] Nagwakas ang kompederasyon noong 1741, nang napatay ang pinakamataas na pinunong si Kiwi Tāmaki sa labanan ng pinuno ng Ngāti Whātua hapū Te Taoū na si Te Waha-akiaki.[8]

Ang urbanisadong lawak ng Auckland (pula), magmula noong 2009

Hindi tiyak na itinukoy ang hangganan ng Auckland. Ang urban area ng Auckland, tulad ng tinukoy ng Statistics New Zealand sa ilalim ng Statistical Standard for Geographic Areas 2018 (SSGA18), ay sumasaklaw sa 607.07 square kilometre (234.39 mi kuw) at umaabot sa Long Bay sa hilaga, Swanson sa hilagang-kanluran, at Runciman sa timog. Ang functional urban area ng Auckland (commuting zone) ay umaabot mula sa timog lamang ng Warkworth sa hilaga hanggang sa Meremere sa timog, na kinabibilangan ng Hibiscus Coast sa hilagang-silangan, Helensville, Parakai, Muriwai, Waimauku, Kumeu - Huapai, at Riverhead sa hilagang-kanluran, Beachlands -Pine Harbor at Maraetai sa silangan, at Pukekohe, Clarks Beach, Patumāhoe, Waiuku, Tuakau at Pōkeno (ang huling dalawa sa rehiyon ng Waikato) sa timog. Binubuo ng Auckland ang pinakamalaking urban area ng New Zealand .

Ang urban area ng Auckland ay matatagpuan sa loob ng Auckland Region, isang administratibong rehiyon na kinuha ang pangalan mula sa lungsod. Ang rehiyon ay sumasaklaw sa sentro ng lungsod, pati na rin ang mga suburb, mga nakapaligid na bayan, mga pulong malapit sa baybayin, at mga rural na lugar sa hilaga at timog ng urban area.[9]

Ang central business district ng Auckland (CBD)—ang sentro ng lungsod—ay ang pinaka-natayuang lugar sa rehiyon. Sinasaklaw ng CBD ang 433 ektarya (1,070 akre) sa isang tatsulok na lugar, at napapaligiran ito ng Auckland waterfront sa Waitematā Harbor[10] at ang mga inner-city suburb ng Ponsonby, Newton at Parnell.[11]

Ang cityscape ng Auckland na makikita sa Maungawhau / Mount Eden.
Ang cityscape ng Auckland na makikita sa Maungawhau / Mount Eden.

Mga daungan at golpo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Matatagpuan ang mga gitnang lugar ng lungsod sa Tangway ng Auckland, wala pang dalawang kilometro ang lapad sa pinakamakitid na punto nito, sa pagitan ng Māngere Inlet at ng Ilog Tāmaki. Mayroong dalawang daungan na nakapalibot sa tangway na ito: Waitematā Harbor sa hilaga, na umaabot sa silangan hanggang sa Golpo ng Hauraki at mula sa Karagatang Pasipiko, at Manukau Harbor sa timog, na bumubukas sa kanluran sa Dagat Tasman.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Rawlings-Way, Charles; Atkinson, Brett (2010). New Zealand (ika-15th (na) edisyon). Footscray, Vic.: Lonely Planet. p. 125. ISBN 978-1742203645. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 July 2021. Nakuha noong 6 October 2020.
  2. "Quarterly Economic Monitor | Auckland | Gross domestic product". Inarkibo mula sa orihinal noong 24 December 2022. Nakuha noong 1 July 2022.
  3. "Auckland". The New Zealand Oxford Dictionary (sa wikang Ingles). Oxford University Press. 2005. doi:10.1093/acref/9780195584516.001.0001. ISBN 978-0-19-558451-6. Nakuha noong 17 Hunyo 2023.
  4. "New Zealand's population reflects growing diversity". Stats NZ. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Agosto 2023. Nakuha noong 28 Hulyo 2024.
  5. von Hochstetter, Ferdinand (1867). New Zealand (sa wikang Ingles). p. 243. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 January 2009. Nakuha noong 28 Hulyo 2024.
  6. Taonui, Rāwiri (8 Pebrero 2005). "The tribes of Tāmaki". Te Ara. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Hunyo 2021. Nakuha noong 15 Pebrero 2025.
  7. "ca 1720". Manukau's Journey - Ngā Tapuwae o Manukau. Auckland Libraries Heritage Collections. MJ_0015. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 July 2021. Nakuha noong 17 March 2021.
  8. Fox, Aileen (1977). "Pa of the Auckland Isthmus: An Archaeological Analysis". Records of the Auckland Institute and Museum (sa wikang Ingles). 14: 1–24. ISSN 0067-0464. JSTOR 42906245. Wikidata Q58677038.
  9. "Auckland region - Landforms". Te Ara: The Encyclopedia of New Zealand (sa wikang Ingles). 6 Disyembre 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Mayo 2019. Nakuha noong 17 Hunyo 2023.
  10. "Auckland's CBD at a glance" (sa wikang Ingles). Auckland City Council. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Abril 2009. Nakuha noong 17 Hunyo 2023.
  11. McClure, Margaret (6 Disyembre 2007). "Auckland places - Auckland central business district". Te Ara. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 May 2019. Nakuha noong 27 May 2019.