Lensk
Lensk Ленск | ||
---|---|---|
Lungsod sa ilalim ng hurisdiksiyong republika[1] | ||
Transkripsyong Iba | ||
• Yakut | Лиэнскэй | |
Kabayanan ng Lensk | ||
| ||
Mga koordinado: 60°44′N 114°55′E / 60.733°N 114.917°E | ||
Bansa | Rusya | |
Kasakupang pederal | Republika ng Sakha[1] | |
Distritong administratibo | Lensky District[1] | |
Lungsod | Lensk[1] | |
Itinatag | 1663 | |
Katayuang lungsod mula noong | Hulyo 16,[kailangan ng sanggunian] 1963[1] | |
Pamahalaan | ||
• Konseho | Konsehong bayan | |
• Pinuno | Alexander Khorunov | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 49 km2 (19 milya kuwadrado) | |
Taas | 180 m (590 tal) | |
Populasyon (Senso noong 2010)[2] | ||
• Kabuuan | 24,966 | |
• Kapal | 510/km2 (1,300/milya kuwadrado) | |
• Kabisera ng | Lensky District[1], Lungsod ng Lensk[1] | |
• Distritong munisipal | Lensky Municipal District[3] | |
• Urbanong kapookan | Lensk Urban Settlement[3] | |
• Kabisera ng | Lensky Municipal District[4], Lensk Urban Settlement[3] | |
Sona ng oras | UTC+9 ([5]) | |
(Mga) kodigong postal[6] | 678141, 678142, 678144, 678145, 678149 | |
(Mga) kodigong pantawag | +7 41137 | |
OKTMO ID | 98627101001 | |
Websayt | gorodlensk.ru |
Ang Lensk (Ruso: Ленск, IPA [lʲɛnsk]; Yakut: Лиэнскэй, Lienskey) ay isang lungsod at ang sentrong pampangasiwaan ng Distrito ng Lensky ng Republika ng Sakha, Rusya. Matatagpuan ito sa kaliwang pampang ng Ilog Lena, sa layong humigit-kumulang na 840 kilometro (520 milya) kanluran ng Yakutsk, ang kabisera ng republika. Ang populasyon nito (ayon sa Senso 2010) ay 24,966 katao.[2]
Kasaysayan
Itinatag ang unang pamayanan bilang Mukhtuya (Мухтуя) ng mga Rusong mangangalakal ng balahibo noong 1663, sa sityo ng isang dating pamayanang Evenk na kilala bilang Mukhtuy. Ang pangalan ng naunang pamayanan name ay hango sa isang salitang Evenk na nagngangahulugang "dakilang tubig".
Noong ika-19 at unang bahagi ng ika-20 mga dantaon, isa itong tapunán (place of exile) ng mga ipinatapon dahil sa politika. Nakaranas ito ng panahon ng mabilis na paglago noong ika-20 dantaon bilang bunga ng pagtuklas at pagpapaunlad ng mga deposito ng diyamante sa daluyang limasan ng Ilog Vilyuy. Bilang pinakamalapit na pangunahing pamayanan sa pangunahing mga paghuhukay ng kimberlita sa minahan ng Mir at ang pagtatatag ng bayang kompanya ng Mirny, ang Mukhtuya ay naging pangunahing base ng pagtatayo. Itinayo ang mga daan na nag-uugnay ng Mukhtuya sa Mirny noong 1956, at itinatag ang pantalan. Noong Hulyo 13, 1963, ginawaran ito ng katayuang panlungsod,[1] kasabay ng pagpapalit ng pangalan nito sa Lensk, mula sa ilog na kinatatayuan nito.
Bahagyang nakatawag ng pansin sa mundo ang Lensk noong Mayo 2001, nang nabaha ang halos kabuoan ng lungsod at nawasak ang maraming mga gusali. Ang mga pagbaha ay dulot ng yelo sa ilog na sumasagabal sa pagdaloy nito at nakalikha ng isang prinsa. Malakihang itinayo muli ang Lensk pagkaraanng pagbaha.
Demograpiya
Taon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1979 | 23,966 | — |
1989 | 30,260 | +26.3% |
2002 | 24,558 | −18.8% |
2010 | 24,966 | +1.7% |
Senso 2010: [2]; Senso 2002: [7]; Senso 1989: [8]; Senso 1979: [9] |
Ekonomiya
Bilang karagdagan sa pagkakaugnay nito sa industriya ng diyamante at konstruksiyon, may malaking sektor ng pagtotroso at paggawa ng tabla ang Lensk at mayroon ding pagawaan ng pabahay na may malalaking mga panel. Tahanan din ang lungsod sa samahang pananaliksik ng agham na Yakutalmaz.
Nakadugtong ang Lensk sa Mirny sa pamamagitan ng isang daan at may itinakdang mga lipad papuntang Mirny, Yakutsk, and Irkutsk mula sa Paliparan ng Lensk. Bilang isang pangunahing panloob na pantalan sa Ilog Lena, napaunlad ang lungsod bilang lugar ng pagpoproseso para sa panrehiyon na industriya ng diyamante.
Klima
Ang Lensk ay may klimang subartiko (Köppen climate classification Dfc). Napakaginaw at napakahaba ang mga taglamig na may katamtamang mga temperatura na naglalaro sa 34.1 hanggang −25.3 °C (−29.4 hanggang −13.5 °F) sa Enero. Banayad ngunit maiksi ang mga tag-init na may katamtamang mga temperatura na naglalaro sa +10 hanggang +23.9 °C (50.0 hanggang 75.0 °F. Katamtaman ang pag-ulan at mas-mataas sa tag-init kaysa sa ibang bahagi ng taon.
Datos ng klima para sa Lensk | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Sukdulang taas °S (°P) | −0.1 (31.8) |
2.2 (36) |
12.6 (54.7) |
18.9 (66) |
33.0 (91.4) |
39.0 (102.2) |
37.3 (99.1) |
36.3 (97.3) |
27.2 (81) |
17.2 (63) |
8.0 (46.4) |
4.7 (40.5) |
39 (102.2) |
Katamtamang taas °S (°P) | −25.3 (−13.5) |
−20.3 (−4.5) |
−8.4 (16.9) |
2.2 (36) |
11.6 (52.9) |
21.1 (70) |
23.9 (75) |
20.1 (68.2) |
11.1 (52) |
−1.5 (29.3) |
−15.6 (3.9) |
−24.1 (−11.4) |
−0.43 (31.23) |
Arawang tamtaman °S (°P) | −29 (−20) |
−25.6 (−14.1) |
−15.4 (4.3) |
−3.6 (25.5) |
6.1 (43) |
14.7 (58.5) |
17.7 (63.9) |
14.0 (57.2) |
5.8 (42.4) |
−5.3 (22.5) |
−19.5 (−3.1) |
−27.9 (−18.2) |
−5.67 (21.83) |
Katamtamang baba °S (°P) | −34.1 (−29.4) |
−32.2 (−26) |
−24.3 (−11.7) |
−11.9 (10.6) |
−1.1 (30) |
6.7 (44.1) |
10.0 (50) |
7.1 (44.8) |
0.3 (32.5) |
−10.2 (13.6) |
−24.9 (−12.8) |
−32.8 (−27) |
−12.28 (9.89) |
Sukdulang baba °S (°P) | −55.8 (−68.4) |
−56.1 (−69) |
−47.2 (−53) |
−37.8 (−36) |
−15 (5) |
−5.9 (21.4) |
−3 (27) |
−5.5 (22.1) |
−12.8 (9) |
−32.8 (−27) |
−48.9 (−56) |
−56.1 (−69) |
−56.1 (−69) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 24.9 (0.98) |
23.3 (0.917) |
17.9 (0.705) |
34.2 (1.346) |
42.6 (1.677) |
69.7 (2.744) |
50.3 (1.98) |
59.3 (2.335) |
65.0 (2.559) |
43.0 (1.693) |
38.2 (1.504) |
24.8 (0.976) |
493.2 (19.416) |
Sanggunian: climatebase.ru (1948-2011)[10] |
Mga sanggunian
Talababa
- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 Registry of the Administrative-Territorial Divisions of the Sakha Republic
- ↑ 2.0 2.1 2.2 Russian Federal State Statistics Service (2011). "Всероссийская перепись населения 2010 года. Том 1" [2010 All-Russian Population Census, vol. 1]. Всероссийская перепись населения 2010 года [2010 All-Russia Population Census] (sa wikang Ruso). Russian Federal State Statistics Service.
{{cite web}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 Law #173-Z #353-III
- ↑ Law #172-Z #351-III
- ↑ "Об исчислении времени". Официальный интернет-портал правовой информации (sa wikang Ruso). 3 Hunyo 2011. Nakuha noong 19 Enero 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Почта России. Информационно-вычислительный центр ОАСУ РПО. (Russian Post). Поиск объектов почтовой связи (Postal Objects Search) (sa Ruso)
- ↑ Russian Federal State Statistics Service (21 Mayo 2004). "Численность населения России, субъектов Российской Федерации в составе федеральных округов, районов, городских поселений, сельских населённых пунктов – районных центров и сельских населённых пунктов с населением 3 тысячи и более человек" [Population of Russia, Its Federal Districts, Federal Subjects, Districts, Urban Localities, Rural Localities—Administrative Centers, and Rural Localities with Population of Over 3,000] (XLS). Всероссийская перепись населения 2002 года [All-Russia Population Census of 2002] (sa wikang Ruso).
{{cite web}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Всесоюзная перепись населения 1989 г. Численность наличного населения союзных и автономных республик, автономных областей и округов, краёв, областей, районов, городских поселений и сёл-райцентров" [All Union Population Census of 1989: Present Population of Union and Autonomous Republics, Autonomous Oblasts and Okrugs, Krais, Oblasts, Districts, Urban Settlements, and Villages Serving as District Administrative Centers]. Всесоюзная перепись населения 1989 года [All-Union Population Census of 1989] (sa wikang Ruso). Институт демографии Национального исследовательского университета: Высшая школа экономики [Institute of Demography at the National Research University: Higher School of Economics]. 1989 – sa pamamagitan ni/ng Demoscope Weekly.
{{cite web}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Всесоюзная перепись населения 1979 г. Национальный состав населения по регионам России" [All Union Population Census of 1979. Ethnic composition of the population by regions of Russia] (XLS). Всесоюзная перепись населения 1979 года [All-Union Population Census of 1979] (sa wikang Ruso). 1979 – sa pamamagitan ni/ng Demoscope Weekly (website of the Institute of Demographics of the State University—Higher School of Economics.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Lensk, Russia". Climatebase.ru. Nakuha noong Enero 23, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga pinagkunan
- Official website of the Sakha Republic. Registry of the Administrative-Territorial Divisions of the Sakha Republic. Lensky District. (sa Ruso)
Mga kawing panlabas
- (sa Ruso) Unofficial website of Lensk
- (sa Ruso) Website of the Secondary School #1 in Lensk