Pumunta sa nilalaman

Delta baryon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hindi na suportado ang printable version at posibleng may mga error ito sa pag-render. Paki-update ang mga bookmark niyo sa browser at pakigamit na lang po ang default na print function ng browser niyo.

Ang mga Delta baryon (na tinatawag ring Delta resonances) ay isang pamilya ng mga subatomikong hadron na mga partikulo na may mga simbolong Δ++, Δ+, Δ0, at Δ at elektrikong kargang +2, +1, 0 at -1 elementaryong karga. Ang mga ito ay relatibong magaang (1232 MeV/c2) na mga baryon na binubuo lamang ng taas na quark at babang quark na may ikot at isospin na 32 salungat sa nucleon (proton at neutron) na may ikot at isospin na 12.

Komposisyon

Ang apat na iba ibang mga partikulong bumubuo ng pamilyang delta ay makikilala sa pamamagitan ng kanilang mga elektrikong karga na suma ng mga karga ng halo ng taas (u) at babang(d) mga quark na bumubuo nito. Mayroon ding apat na antipartikulo na may kabaligtarang mga karga na binubuo ng mga tumutugong antiquark. Ang eskistensiya ng Δ++ na may hindi karaniwan nitong +2 na karga ay mahalagang tanda sa pagkakabuo ng modelong quark.

Ang ikot na 32 ay nangangahulugan ang lahat ng mga quark sa loob ng isang partikulong Δ ay may aksis na ikot na tumuturo sa parehong direksiyon hindi tulad na halos kaparehong proton at neutron kung saan ang likas na ikot ng isa sa tatlong konstituenteng mga quark ay palaging kabaligtaran sa ikot ng iba pang dalawa. Ang paghahanay(alignment) na ikot na ito ay kinompleto ng isospin na bilang qunatum na 32 na nagbubukod sa Δ+ at Δ0 at ordinaryong mga nucleon na may ikot at isospin na 12.

Pagkabulok

Ang lahat ng iba ibang uri ng mga Δ ay mabilis na nabubulok sa nucleon(proton o neutron) at isang pion na angkop na karga. Sa mas bihira at mas mabagal na paraan, ang Δ+ ay maaaring mabulok sa isang proton at isang photon at ang Δ0 ay maaaring mabulok sa isang neutron at isang photon.

Mga delta baryon
Pangalan ng partikulo Simbolo Nilalamang
quark
masa (MeV/c2) I JP Q (e) S C B' T Mean na panahon ng buhay (s) Karaniwang nabubulok sa
Delta[1] Δ++(1232) uuu 1232 ± 1 32 32+ +2 0 0 0 0 5.58 ± 0.09 × 10−24[a] p+ + π+
Delta[1] Δ+(1232) uud 1232 ± 1 32 32+ +1 0 0 0 0 5.58 ± 0.09 × 10−24[a] π+ + n0 or

π0 + p+

Delta[1] Δ0(1232) udd 1232 ± 1 32 32+ 0 0 0 0 0 5.58 ± 0.09 × 10−24[a] π0 + n0 or

π + p+

Delta[1] Δ(1232) ddd 1232 ± 1 32 32+ −1 0 0 0 0 5.58 ± 0.09 × 10−24[a] π + n0

[a] ^ PDG reports the resonance width (Γ). Here the conversion τ = ħΓ is given instead.

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 C. Amsler et al. (2008): Particle listings – Δ(1232)