Paano Protektahan ang iyong Sarili? Isang Gabay tungkol sa Digital na Seguridad para sa Pagpapalaglag/Praybasi sa Kalusugan
Noong June 24, 2022, i-noverturn ng Korte Suprema ng U.S. ang Roe v. Wade kung saan tinapos ang halos 50 na taon ng karapatang konstitusyonal sa pagpapalag. Habang 62% ng mga Amerikano ay sumasang-ayon na ang access sa pagpapalaglag ay dapat maging ligal sa halos lahat o karamihan ng mga kaso, hanggang sa ika-7 ng Hulyo, pinagbawal ng 12 na estado ang pagpapalaglag, mayroong 5 na estadong inaasahang magpatupad ng mas mahigpit na pagbabawal at ang iba pang 11 ay mayroong mga batas â hindi pa kasalukyang pinapatupad â na gagawin din ito.
Habang ginagawang kriminal ng mga estado ang pagpapalaglag, mapipilitan magbiyahe ng mas malayo ang mga indibidwal na naghahanap ng pangangalaga, at maaaring mailagay ang kanilang mga sarili sa panganib na mahuli. Habang ang mga nais magpalaglag ay naghahanap ng klinika at nagkukumpirma ng appointment, ang mga datos na nakolekta mula sa mga search query, email correspondence, text messages, at mga phone log ay maaaring ma-track at magamit ng prosekusyon upang makabuo ng kaso laban sa kanila. Noong 2015, ang isang babaeng taga-Indiana ang hinatulan ng feticide o pagpatay ng sanggol sa sinapupunan kasunod ng paglabas ng mga text messages na nagpapatunay na nag-order siya online ng mga pampalaglag na gamot na misoprostol at mifepristone upang wakasan ang kanyang pagbubuntis.
Habang walang mga batas sa US patungkol sa pambansang praybasi, mayroong mga hakbang na maaaring gawin ng lahat upang maprotektahan ang kanilang mga datos mula sa paggamit laban sa kanila. Ang Asian Americans Advancing Justice â AAJC ay nakabuo ng mga sumusunod na resource guide sa digital na seguridad para sa pagpapalaglag at praybasi sa pangangalaga sa kalusugan.
Paki-tandaan na ang nakasaad sa ibaba ay nagrerepresenta ng mga suhestyon kung paano mo maproprotektahan ang iyong sarili, ngunit hindi to payong ligal.
1) Mga Tawag sa Telepono
Kung kinakailangan mong tumawag sa klinika sa pangangalagang pangkalusugan upang magpa-iskedyul o kumpirmahin ang mga detalye ng appointment, ikonsidera ang paggamit ng Google Voice number (libre) o Hushed o Burner, dalawang apps na may bayad upang tumawag. Hanggaât maaari, nirerekomenda naming ang paggamit ng app na may bayad tulad ng Hushed o Burner dahil ang mga ito ay mayroong mas magandang mga polisiya ng praybasi kaysa sa Google Voice. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga app na ito, maiiwasan ang posibilidad na mabigyan ang iyong pangkompanyang telepono ng rekording na maaring ipa-subpoena ng piskal.
2) Mga Messaging App
Kapag nakikipag-usap sa mga tagapagbigay pangagalaga sa kalusagan o mga mahal sa buhay patungkol sa nalalapit na appointment, gumamit ng mga end-to-end encrypted chat tulad ng Signal o WhatsApp para maprotektahan ang iyong mga mensahe mula sa pagbabahagi nito sa pangkompanyang telepono. Ang Signal at WhatsApp ay parehong mayroong ibaât-ibang wika at maaari mong makumpirma kung aling mga wika ang mayroon sa pamamagitan ng pagpunta sa settings sa loob ng bawat app.
Maaari ring i-konsidera ng mga nais magpalaglag ang paggamit ng matatag na passcode sa device at pagpapagana ng disappearing messages sa Signal upang maiwasan ang pagbasa ng ibang tao sa inyong sambahayan o inyong mga malalapit na kausap ang inyong mga mensahe.
Pag-Set ng Matatag na Passcode sa iPhone:
Settings > Face ID & Passcode > Enter Current Passcode > Change Passcode > Enter Current Passcode > Gumawa ng bagong matatag na passcode
Pag-Set ng Matatag na Passcode sa Android:
Settings > Lock Screen > Screen Lock Type > Kumpirmahin ang Password > Piliin ang Password > Mag-set ng bagong passcode
3) Mga Period Tracker
Nirerekomenda ng mga tao na burahin ang kanilang mga period tracking app dahil ang mga datos na tinatago dito ay maaaring magamit upang ma-track ang iyong period cycle at kung ikaw ay nagpalaglag. Kung hindi ito opsyon para sa iyo, konsiderahin ang pagpalit sa app na mas nakapokus sa praybasi tulad ng Euki upang ma-track ang reproduktibong kalusugan. Hindi tulad ng ibang period tracking app, ang Euki ay hindi nagtatago ng datos sa cloud dahil ito ay hindi konektado sa isang email o numero ng cellphone at walang iba kundi ikaw ang may access sa iyong datos.
4) Patayin ang Mobile Ad Id
Ang iyong online activity ay pinagsasama at tina-track gamit ang iyong mobile ad id. Ang datos na ito ay ibinabahagi sa mga advertiser at mga app maker upang makapagpadala ng personalized ads. Sundin ang mga hakbang gamit man ang iPhone o Android.
Pagpatay ng Mobile Ad ID sa iPhone:
Settings > Privacy > Apple Advertising > Buksan ang Limit Ad Tracking
Pagpatay para sa Android:
Settings > Privacy > Ads > Delete Advertising ID
5) Mag-Opt Out mula sa Personalized Ads at Third-Party Cookies
Karamihan ng mga kompanya ay pinanunuod ang ginagawa natin online at inirekord ang ating mga galaw online upang ibenta ang ating impormasyon sa mga data broker at mga kompanyang advertising. Hindi man mahulaan ng mga kompanya kung ikaw ay buntis, maaaring makita parin nila ang impormasyon ng iyong paghahanap online at magsisimulang punteryahin ka ng mga ads na kaugnay nito.
Upang mas maprotektahan ang iyong datos at maiwasan mula sa pamamahagi ng iyong edad, kasarian, at kilos online sa mga advertiser, mag-opt out sa mga personalized ads sa Google, Facebook at Instagram at tanggihan ang mga third-party cookies mula sa mga website
Mag-Opt out mula sa Third-Party Cookies
Kung maaari, tanggihan ang request ng cookies upang pigilan ang mga advertiser mula sa pagtrack ng kilos sa online.
6) Patayin ang Location Sharing
Kung ikaw ay bibisita sa klinika para sa reproduktibong kalusugan, patayin ang iyong lokasyon upang masiguro na ang datos ng iyong lokasyon ay hindi ma-track. Maraming mga app ang gumagana pa rin kahit wala nito, ngunit sa panahon na mabahagi ang iyong lokasyon, wala nang paraan upang mabura ito.
Kung kinakailangan mong gumamit ng mapa upang makarating ng klinika, i-konsidera ang paggamit ng isang alternatibo sa Google Maps tulad ng OpenStreet Map or OsmAnd.
Patayin ang Location Sharing iPhone:
Settings > Privacy > Location Services > Toggle off Location Services
Patayin ang Lokasyon para sa Android:
Settings > Location > Toggle Location Services
7) Biometric ID
Habang nagbibyahe patungo sa klinika ng pangangalaga sa kalusugan â lalo na sa pagtawid sa mga linya ng estadoÂÂ â i-konsidera ang pagpatay ng anumang biometric unlocking tulad ng face ID o fingerprint, lalo na kung may posibilidad na maaresto ng pulis o makuha ang iyong device. Sa halip na gumamit ng mga biometric scanner, gumamit ng password o pin na mahirap mahulaan.
Pagpatay ng Touch ID at Face ID sa iPhone:
Settings > Touch ID & Passcode > Ilagay ang Passcode > Toggle off Touch ID
Pagpatay ng Touch ID sa Android:
Settings > Biometrics and Security >Fingerprints > Ilagay ang Passcode > Toggle off Fingerprint Unlock
Pagpatay ng Touch ID sa Android:
Settings > Biometrics and Security > Face Recognition > Ilagay ang Passcode > Toggle off Face Unlock
8) Mga Web Browser
Kung kinakailangan mong magpalaglag o ng reproduktibong pangangalagang pangkalusugan at kinakailangan mong maghanap ng resources at karagdagang impormasyon online, gamitin ang DuckDuckGo o Tor kaysa sa Google Chrome dahil mas naka-pokus sila sa praybasi. Sa Google, sini-save ang lahat ng iyong paghahanap sa kanilang mga server, ngunit ang DuckDuckGo at Tor ay nakadisenyo habang nasa isip ang praybasi. Ito rin ay totoo sa iyong telepono; gumamit ng Firefox Focus kaysa sa Google o Safari.
Hanggaât maaari, sikapin na mag-opt out sa mga third party cookies sa inyong browser.
9) Komunikasyon sa Email
Kung kinakailangan mong makipag-usap sa isang tagapagbigay pangangalaga sa kalusugan sa pamamagitan ng email o kinakailangan mong mag-order ng misoprostol at mifepristone online, gumawa ng pangalawang email address na hindi naka-link sa anumang kasalukuyang mga account na mayroon ka. Ang Protonmail at Tutanota ay mga libreng email na nagaalok ng mga proteksyon sa praybasi kung saan ang mga mas karaniwang provider tulad ng Gmail ay hindi.
Kapag magoorder ng mga gamot na pampalaglag sa online, maaari mong i-konsidera ang pagbili ng isang P.O Box kung saan mo ipapadala ang mga ito kaysa sa diretcho sa iyong pangunahing tirahan para sa karagdagang seguridad.
10) Pisikal na Seguridad
Sa araw ng iyong appointment, magdala ng sombrero, sunglasses, hoodie, at mask upang maprotektahan ang iyong pagkakalinlan kung sakaling mayroong mga nagproprotesta na anti-choice sa klinika ng pangangalagang pangkalusugan. Maaari mo ring tingnan kung ang iyong Planned Parenthood o iba pang tagapagbigay serbisyo ng pagpapalaglag ay may mga clinic escorts na maaari kang tulungan mula sa iyong kotse patungo sa gusali kung sakaling may mga nagproprotesta sa labas.
Kahit na inoverturn ng Korte Suprema ang ating konstitusyonal na karapatan sa pagpapalaglag, maaari pa ring magpatuloy na makatanggap ng pangangalaga sa kalusugan sa iilang estado ang mga nais magpalaglag. Para sa karagdagang impormasyon patungkol sa pagbagsak ng Roe v. Wade, lumaban para sa hustisyang reproduktibo at mga epekto nito sa mga Asyanong Amerikano at mga Pacific Islander, pakibasa ang National Asian Pacific American Womenâs Forum at Advancing Justice â AAJCâs community briefing.
Kung ikaw ay may kakilala na nangangailangang magpapalaglag at nangangailangan ng suportang pinansyal at logistikal, pakibisita ang National Network of Abortion Funds para sa karagdagang impormasyon. Kung ikaw ay naghahanap ng mga mapagkukunan ng impormasyon sa Texas, ang NAPAWF Texas ay naglabas kamakailan ng gabay sa pagpapalaglag â available sa anim na wika â na may kalakip na direksiyon kung paano ma-access ang pangangalaga pagdating sa pagpapalaglag, listahan ng mga klinika sa estado, at mga pondang pangsuporta.