Ang Tiktaalik (play /tɪkˈtɑːlɪk/) ay isang monospesipikong henus ng ekstinkt na sarcopteryhiyanong (isdang may lobong palikpik) mula sa huling panahong Deboniyano na may maraming mga katangian na katulad ng sa mga tetrapod(may apat na binting mga hayop).[1] Ito ay isang halimbawa mula sa ilang mga linya ng sinaunang isdang sarcopteryhiyano na nagpaunlad ng mga pag-aangkop(adaptations) sa mga mababa sa oksihenong mga habitat na may mababang tubig sa panahon na tumungo sa ebolusyon ng mga tetrapod. [2] Ang mahusay na naingatang mga fossil ng tiktaalik ay natagpuan noong 2004 saEllesmere Island sa Nunavut, Canada.

Tiktaalik roseae
Temporal na saklaw: Huling Deboniyano, 375 Ma
Replica of the holotype in the Royal Belgian Institute of Natural Sciences
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klado: Sarcopterygii
Klado: Tetrapodomorpha
Klado: Stegocephalia
Sari: Tiktaalik
Daeschler, Shubin & Jenkins, 2006
Tipo ng espesye
Tiktaalik roseae
Daeschler, Shubin & Jenkins, 2006

Ang Tiktaalik ay tinatayang nabuhay na mga 375 milyong taon ang nakalilipas. Ang mga paleontologo ay nagmungkahing ito ay representatibo ng transisyon sa pagitan ng mga bertebratang hindi tetrapod(mga isda) gaya ng mga Panderichthys na alam sa mga fossil na may edad na 380 milyong taon at mga sinaunang tetrapod gaya ng Acanthostega at Ichthyostega na alam sa mga fossil na may edad na 365 milyong taon. Ito ay isang paghahalo ng primitibong isda at ang mga hinangong katangiang ng tetrapod ay tumungo sa isa sa mga nakatuklas nito na ilarawan ang Tiktaalik bilang isang "fishapod".[3][4]

Ang Tiktaalik roseae ang tanging espesye na inuri sa ilalim ng henus na ito. Ang Tiktaalik ay isang salitang Inuktitut na nangangahulugang "burbot" na isang isda sa sariwang tubig na nauugnay sa tunay na cod.[5] Ang henus na "fishapod" ay tumanggap ng pangalang ito pagkatapos ng suhestiyon ng mga matatandang Inuit ng Nunavut Territory sa Canada kung saan ang fossil nito ay natuklasan.[6] Ang spesipikong pangalang roseae ay kriptikong nagpaparangal sa isang hindi kilalang donor.[7]

Bungo ng tiktaalik na nagpapakita ng mga butas na spiracle sa mga mata.
Restorasyon ng Tiktaalik.

Ang putatibong mga bakas ng paa ng tetrapod na natagpuan sa Poland at iniulat sa Nature noong Enero 2010 ay siguradong pinetsahan na 10 milyong mga taong mas matanda kesa sa alam na elpistostegids[8]. Kung ito ay isang tunay na rekord ng tetrapod, kung gayon ang mga hayop tulad ng Tiktaalik ay mga huling-nagpapatuloy na mga reliko kesa sa direktang mga anyong transisyonal.[9] Ang isang alternatibong interpretasyon ay ang mga bakas ng paa sa Poland na walang mga impresyong dihital ay ginawa ng mga lumalakad na isda.[10]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Edward B. Daeschler, Neil H. Shubin and Farish A. Jenkins, Jr (6 Abril 2006). "A Devonian tetrapod-like fish and the evolution of the tetrapod body plan". Nature. 440 (7085): 757–763. doi:10.1038/nature04639. PMID 16598249.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  2. Jennifer A. Clack, Scientific American, Getting a Leg Up on Land Nov. 21, 2005.
  3. John Noble Wilford, The New York Times, Scientists Call Fish Fossil the Missing Link, Apr. 5, 2006.
  4. Shubin, Neil (2008). Your Inner Fish. Pantheon. ISBN 978-0-375-42447-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Nunavut Living Dictionary. Entry for tiktaalik[patay na link]
  6. Spotts, Peter (Abril 6, 2006). "Fossil fills gap in move from sea to land". Nakuha noong 2006-04-05. {{cite news}}: Unknown parameter |org= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Coyne, Jerry (2009). Why Evolution is True. Viking. ISBN 978-0-670-02053-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Niedzwiedzki, G., Szrek, P., Narkiewicz, K., Narkiewicz, M and Ahlberg, P., Nature 463(7227):43–48, 2010, Tetrapod trackways from the early Middle Devonian period of Poland, 7 January 2010.
  9. http://www.nature.com/nature/journal/v463/n7277/edsumm/e100107-01.html
  10. King, H. et al. "PNAS" ""http://www.pnas.org/content/early/2011/12/08/1118669109"" "Behavioral evidence for the evolution of walking and bounding before terrestriality in sarcopterygian fishes"