Simbahang Ortodoksong Sirya

(Idinirekta mula sa Simbahang Ortodoksong Syriac)

Ang Simbahang Ortokoksong Sirya o Syriac Orthodox Church; (Siriako: ܥܕܬܐ ܣܘܪܝܝܬܐ ܬܪܝܨܬ ܫܘܒܚܐ‎, ʿīṯo suryaiṯo ṯrišeṯ šubḥo) ay isang autocephaliyang simbahang Ortodoksong Oriental nakabatay sa Silangang Mediterraneo at ang mga kasapi ay nakakalat sa buong mundo. Ang Simbahang Ortodoksong Syriac ay nag-aangkin na ito ay nagmula sa isa sa unang mga pamayanang Kristiyano na itinatag sa Antioch ni Apostol Pedro. Ito ay gumagamit ng pinakalumang umiiral na liturhiya ng Kristiyanismo na Liturhiya ni San Santiago at gumagamit ng Wikang Syriac na isang diyalekto ng wikang Aramaiko na pinaniniwalaan ng marami na ang wikang ginamit ni Hesus at ng kanyang mga apostol. Ang iglesiang ito ay pinamumunuan ng Ortodoksong Syrian na Patriarka ng Antioch.

Syriac Orthodox Patriarchate of Antioch and All the East

Emblem of the Church
Tagapagtatag
Independensiya
Rekognisyon Oriental Orthodox
Primado Patriarch Ignatius Zakka I Iwas
Headquarters Historically Antioch, Present time Damascus
Teritoryo Syria, Lebanon, Israel, Turkey, Iraq, Iran and India
Mga pag-aari Eastern Mediterranean, United States, Canada, Great Britain, Western Europe, South America and Australia
Wika Syriac, Aramaic (liturgical), and local languages: Turoyo-Aramaic, Arabic, Turko, Ingles, Malayalam, Dutch and Swedish, German
Mga tagasunod 5.6 million Syrian Malabar Nasrani,[1] 1,000,000 around the World,[2][3][4] with ca. 300,000 in diaspora (80,000 in the USA[5] 80,000 in Sweden,[6] 70,000 in Germany.)
Websayt Official website of the Syriac Orthodox Church

Kasaysayan

baguhin

Ang Simbahang Ortodoksong Syrian ang isa sa sinaunang mga iglesia o simbahang Kristiyano sa buong mundo. Ayon sa Bagong Tipan, "ang mga alagad ay unang tinawag na Kristiyano sa Antioch". (Mga Gawa ng mga Apostol 11:26)

Si Apostol Pedro ay itinuturing sa simbahang ito na unang obispo ng Patriarkado ng Antioch. Nang lisanin ni Pedro ang Antioch, sina Evodios at Ignatius ang humalili sa Patriarkado. Ang parehong sina Evodios at Ignatius ay namatay na mga martir sa ilalim ng pag-uusig ng Imperyo Romano. Dahil sa pagiging kilala ni San Ignatius sa kasaysayan ng simbahang Ortodoksong Syriac, ang halos lahat ng mga Patriarka nito simula 1923 ay pinangalang Ignatius.[7]

Mga Ekumenikal na synod

baguhin

Ang Simbahan ng Antioch ay gumampan ng isang mahalagang papel sa sinaunang kasaysayan ng Kristiyanismo. Ito ay gumampan ng mahalagang papel sa unang tatlong mga synod sa Nicaea (325 CE), Constantinople (381 CE) at Efeso (431 CE) na humugis ng pormulasyon at simulang interpretasyon ng mga doktrinang Kristiyano.

Konseho ng Nicaea

baguhin

Noong ika-4 siglo CE, ang isang Alexandrianong presbiterong si Arius ay nagpasimula ng isang alitan tungkol sa kalikasan ni Hesus na kumalat sa buong daigdig Kristiyano sa panahong ito na ngayon ay kilala sa kasaysaysan bilang Arianismo. Ang Ekumenikal na Konseho ng Nicaea noong 325 CE ay tinipon ni Emperador Constantine I sa ilalim ng pagkapangulo ni San Hosius ng Cordova at San Alexander ng Alexandria upang lutasin ang alitan at kalaunan ay tumungo sa pormulasyon ng Simbolo ng Pananampalataya ng tinatawag na Kredong Nicene. Ang kredong ito na sa kasalukuyang modernong panahon ay binabanggit sa buong daigdig Kristiyano ay batay sa katuruan na itinuro ng tao na si San Athanasius ng Alexandria na pangunahing kalaban ni Arius.

Konseho ng Constantinople

baguhin

Noog 381 CE, si San Timoteo I ng Alexandria ay nangasiwa sa ikalawang konsehong ekumenikal na kilala bilang Ekumenikal na Unang Konseho ng Constantinople na kumumpleto ng Kredong Nicene na may kompirmasyon ng pagiging diyos ng Banal na Espiritu na ganito:

"Kami ay naniniwala sa Banal na Espiritu, ang Panginoon, ang Tagabigay ng Buhay na nagmumula sa Ama na kasama ng Ama at Anak ay sinasamba at pinapupurihan na nagsalita sa mga Propeta at sa Isa, Banal, Unibersal at Apostolikong Simbahan. Aming kinukumpisal ang isang Bautismo para sa kapatawaran ng mga kasalanan at aming hinihintay ang pagkabuhay na maguli ng mga patay at buhay sa darating na panahon, Amen."

Konseho ng Efeso

baguhin

Ang isang pang alitang teolohikal noong ika-5 siglo ay nangyari dahil sa mga katuruan ni Nestorius na Patriarka ng Constantinople na nagturo na ang Diyos na Salita ay hindi hypostatikong kasanib ng kalikasang tao kundi bagkus ay nananahan sa taong si Hesus. Bilang kinahinatnan nito, kanyang itinanggi ang titulong "Ina ng Diyos" o Theotokos kay Birheng Marya na ina ni Hesus na bagkus nagsasaad na ito ay "Ina ng Kristo". Nang ang mga ulat nito ay umabot sa Tronong Apostoliko ni Marcos, si Santo Papa Cyril I ng Alexandria ay mabilis na tuwiran ang paglabag sa ortodoksiyo (tamang aral) na humihiling kay Nestorius na magsisi. Nang ayaw itong gawin ni Nestorius, ang Synod ng Alexandria ay nagtipon sa isang mabilisang sesyon at isang kasunduan ay naabot. Si Papa Cyril ng Alexandria na sinuportahan ng buong See ay nagpadala ng liham kay Nestorius na kilala bilang "Ang Ikatlong Sulat ni San Cyril kay Nestorius". Ang liham na ito ay mabigat na humugot sa naitatag na mga Konstitusyong Patristiko at naglalaman ng pinakasikat na artikulo ng ortodoksiyang Alexandrian. Sa mga anathema na ito, tiniwalag ni Cyril ang sinuman na sumunod sa mga katuruan ni Nestorius. Halimbawa, "Ang sinuman na magtangka na itanggi sa Banal na Birhen ang titulong Theotokos (Ina ng Diyos) ay Anathema!". Gayunpaman, si Nestorius ay hindi pa rin nagsisi at kaya ito ay nagtungo sa pagtitipon ng Unang Ekumenikal na Konseho ng Efeso noong 431 CE na pinangasiwaan ni Cyril I ng Alexandria.

Ang Unang Ekumenikal na Konseho ng Efeso ay kumumpirma ng mga katuruan ni Athanasius ng Alexandria at kumumpirma sa titulo ni Marya na Ina ng Diyos (Theotokos). Ito ay maliwanag rin na nagsasaad na sinuman na naghiwalay kay Kristo sa dalawang hypostases ay anathema dahil ayon kay Athanasius na may "Isang Kalikasan at Isang Hypostasis para sa Diyos na Salitang Naging Tao". (Mia Physis tou Theou Togou Sesarkōmenē).

Konseho ng Chalcedon

baguhin

Sa kalikasan ni Hesus, ang pagkaunawang Ortodoksong Oriental ay si Kristo ay "Isang Kalikasan-ang Logos na Nagkatawang Tao" ng buong pagkatao at buong pagkadiyos. Ang pananaw na Chalcedonian ay si Kristo ay nasa dalawang kalikasan, na buong pagkatao at buong pagkadiyos. Kung paanong ang mga tao ay ng kanilang mga ina at ama at hindi nasa kanilang mga ina at ama, gayundin ang kalikasan ni Kristo ayon sa pananaw na Ortodoksiyang Oriental. Kung si Kristo ay nasa buong pagkatao at buong pagkadiyos, kung gayon siya ay hiwalay sa dalawang tao gaya ng itinuturo ni Nestorius ayon sa Ortodoksong Oriental. Ang Silangang Ortodokso at Romano Katoliko gayundin ang karamihan ng mga Protestante ay itinatanggi ito na nagtuturong si Kristo ay isang Tao o "hypostastis" na nasa dalawang mga kalikasan na hypostatikong magkasanib sa isang Tao. Ito ang pagkakaibang pang doktrina na naghiwalay sa Ortodoksong Oriental sa ibang mga sektang Kristiyano.

 
Banal na Misa o Qurbono na ipinagdidiwang sa St. Mark's Syrian Orthodox Monastery

Ang mga natuklasan ng Konseho ay itinakwil ng maraming mga Kristiyano na minoridad sa Imperyong Byzantine kabilang ang Simbahang Ortodoksong Syrian, Simbahang Ortodoksong Coptic, Simbahang Apostolikong Armenian at iba pa.

Patriarkado ng Antioch

baguhin

Ang pangangalagang espiritwal ng simbahan ng Antioch ay ipinagkaloob sa Obispo ng Antioch mula sa mga simulang taon ng Kristiyanimo. Ang una sa mga Obispo ng Antioch ay si Apostol Pedro na pinaniniwalaang nagtatag ng simbahan sa Antioch noong 37 CE. Dahil sa pagiging sinauna ng obispo ng Antioch at ang kahalagahan ng simbahang ito sa siyudad ng Antioch na isang mahalagang siyudad pang negosyo sa mga silangang bahagi ng Imperyo Romano, ang Unang Konseho ng Nicaea noong 325 CE ay kumilala sa pagka obispo ng Patriarkado kasama ng mga obsipo ng Roma, Alexandria, Ehipto at Herusalem na nagkakaloob ng autoridad para sa Simbahan sa Antioch at sa Lahat ng Silangan ng Patriarka. Ang Syndo ng Constantinople noong 381 ay kumilala rin sa See ng Constantinople bilang isang Patriarkado.

Bagaman ang Synod ng Nicaea ay tinipon ng Emperador ng Imperyo Romano na si Constantine I, ang autoridad ng ekumenikal synod ay tinanggap rin ng Simbahan sa Imperyong Persian na pampolitika na hiwalay mula sa mga simbahan ng Imperyo Romano. Hanggang 498 CE, ang simbahang ito ay tumanggap sa espiritwal na autoridad ng Patriarka ng Antioch.

Ang mga kontrobersiya sa Kalikasan ni Hesus na sinundan ng Konseho ng Chalcedon noong 451 CE ay nagresulta sa isang mahabang pakikibaka para sa Patriarkado sa pagitan ng mga tumanggap at tumakwil sa Konseho. Noong 518 CE, ang Patriarkang si Severus ng Antioch ay ipinatapon mula sa siyudad ng Antioch at nagtago sa Alexandria. Sa salaysay ng maraming mga pagbabago at paghihirap na pinagdaanan ng simbahan, ang Patriarkado ay nilipat sa iba't ibang mga monasteryo sa Mesopotamia sa loob ng mga siglo. Noong ika 13 siglo, ito ay inilipat sa Monasteryong Mor Hananyo (Deir al-Za`faran) sa timog silangang Turkey malapit sa Mardin, kung saan ito nanatili hanggang 1933. Dahil sa masamang sitwasyong pampolitika, ito ay inilipat sa Homs, Syria at noong 1959 ay inilipat muli sa Damascus, Syria.

Ang opisinang Patriarkado sa kasalukuyang panahon ay nasa Bab Tuma, Damascus, na kapitolyo ng Syria ngunit ang Patriarka ay nakatira sa Mar Aphrem Monastery sa Ma`arat Sayyidnaya na matatagpuan mga 25 km hilaga ng Damascus.

Paniniwala

baguhin

Pagsamba

baguhin

Gaya ng sinasabi sa Awit 119,[8] ang isang mananampalataya ng Simbahang Ortodoksong Syrian ay dapat manalangin ng pitong beses sa isang araw. Ang mga ito ang:

  • Gabi o Ramsho (Vespers)
  • Compline prayer oSootoro
  • Hatinggabi o Lilyo
  • Umaga o Saphro (Matins)
  • Ikatlong Oras o tloth sho`in (Terce, 9 a.m.)
  • Ikaanim na Oras o sheth sho`in (Sext, noon)
  • Ikasiyam na Oras o tsha` sho'in (Nones, 3 p.m.)

Ayon sa tradisyong Syrian, ang isang araw eklesiastikal ay nagsisimula sa paglubog ng araw. Gayundin, ang sumasamba ay dapat humarap sa silangan habang sumasamba gaya ng sinasabi sa Mateo 24:27.

Liturhiya

baguhin
 
Pagdiriwang sa monasteryong Simbahang Ortodoksong Syriac sa Mosul, Ottoman Syria noong simulang ika 20 siglo.

Ang Misa na tinatawag na Banal na Qurbono sa Syriac Aramaiko at nangangahulugang Eukarista ay ipinagdidiwang tuwing mga Lingo at espesyal na okasyon. Ang Banal na Eukarista ay binubuo ng pagbabasa ng ebanghelyo, pagbabasa ng bibliya, mga panalangin at awit. Sa pagdiriwang ng Eukarista, ang mga pari at deakono ay nagsusuot ng komplikadong mga kasuotan na natatangi sa Simbahang Ortodoksong Syrian. Kahit ito ay nasa Silangang Mediterraneo, India, Europa, Amerika o Australia, ang parehong mga kasuotan ay sinusuot ng lahat ng mga pari ng simbahang ito.

Bukod sa ilang mga pagbasa, ang lahat ng mga panalangin ay inaaawit sa anyo ng mga chant at melodiya. Ang daan daang mga melodiya ay nananatili at ang mga ito ay iningatan sa aklat na tinatawag na Beth Gazo. Ito ang pangunahing sanggunian ng musika sa Simbahang Ortodoksong Syriac.[9]

Ang kanon na ginagamit ng Simbahang Ortodoksong Syrian ang Peshitta. Ang Lumang Tipan nito ay isinalin mula sa Griyego tungo sa Syriac mula huli nang ika 1 siglo CE hanggang simula ng ika 3 siglo CE. Ito ay binubuo ng Lumang Tipan, Apokripa at Bagong Tipan. Kasama rin sa Lumang Tipan nito ang Awit 151, Awit 152–155 at 2 Baruch. Hindi kasama sa Bagong Tipan ng Peshitta ang mga aklat na Ikalawang Sulat ni Pedro, Ikalawang Sulat ni Juan, Ikatlong Sulat ni Juan, Sulat ni Judas at Aklat ng Pahayag.[10]

Mga ranggo ng kaparian

baguhin

Mga deakono

baguhin

Ang anim na ranggko ng mga deakono sa Simbahang Ortodoksong Syrian ang:

  1. ‘ulmoyo (Tapat)
  2. Mawdyono (Tagakumpisal ng Pananampalataya)
  3. Mzamrono (Mang-aawit)
  4. Quroyo (Tagabasa)
  5. Afudyaqno (Sumasailalim na deakono)
  6. Mshamshono (Buong Deakono)

Ang tanging ang buong deakono o Masamsono ang maaaring kumuha ng insenso habang isinasagawa ang liturhiya upang tulungan ang pari. Gayunpaman, sa Malankara Church dahil sa kawalan ng mga deakono, ang mga katulong sa altar na walang anumang ranggo ng pagkadeakono ay tumutulong sa pari. Ang mga deakono sa Malankara Church ay pinapayagang magsuot ng phiro, o sumbrero

Mga pari

baguhin

Ang pari ang ikapitong ranggo at ang hinirang upang pangsiwaan ang mga sakramento. Hindi tulad sa Romano Katoliko, ang mga deakono sa Simbahang Ortodoksong Syrian ay maaaring magpakasal bago maordinahan bilang buong pari. Gayunpaman, hindi siya pwedeng magpakasal pagkatapos na maordinahan bilang pari. Meron pang isang honoraryong ranggo sa mga pari na Corepiscopos na may mga pribilehiyo ng una sa mga pari at binibigyan ng kuwintas na may krus at spesipikong mga dekorasyong pangkasuotan. Ang Corepiscopos ang pinakamataas na ranggo na ang isang kasal na lalake ay maaaring iangat sa Simbahang Ortodoksong Syrian. Ang anumang mga ranggo sa itaas ng Corepiscopos ay hindi kasal.

Mga Episcopos
baguhin

Ang Episcopos ay nangangahulugang "nangangasiwa". Sa Simbahang Ortodoksong Syrian, ang isang episcopos ay isang pinunong espiritwal ng simbahan. Sa episcopos ay mayroon ding iba`t ibang mga ranggo. Ang pinakamataas at suprema ang Patriarka na ama ng mga ama. Sumunod dito ang Maphriyono o Catholicos of India na ulo ng dibisyon ng simbahan. Pagkatapos nito ay may dalawang mga Metropolitan o Arsobispo at sa ilalim ng mga ito ang mga Episcopos o Obispo.[11]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gall, Timothy L. (ed). Worldmark Encyclopedia of Culture & Daily Life: Vol. 3 – Asia & Oceania. Cleveland, OH: Eastword Publications Development (1998); pg. 720–721. [1] Naka-arkibo 2011-06-29 sa Wayback Machine.
  2. "Adherents.com". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-04-04. Nakuha noong 2012-06-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Bishop, Peter & Michael Darton (editors). The Encyclopedia of World Faiths: An Illustrated Survey of the World's Living Faiths. New York: Facts on File Publications (1987); pg. 85. [2] Naka-arkibo 2011-06-29 sa Wayback Machine.
  4. AINA Estimates
  5. Spence, Hartzell. The Story of America's Religions; New York: Holt, Rinehart and Winston (1960) [1st printing 1957]; pg. 117. [3] Naka-arkibo 2011-06-29 sa Wayback Machine.
  6. "Religionswissenschaftlicher Medien- und Informationsdienst e.V. " [REMID: Religious Studies Media and Information Service, Marburg, Germany]; web page: "Informationen und Standpunkte " (viewed 2 Agosto 1999). [4] Naka-arkibo 2011-06-29 sa Wayback Machine.
  7. Chaillot, Christine. The Syrian Orthodox Church of Antioch and All the East. Geneva: Inter-Orthodox Dialogue, 1988.
  8. http://bible.cc/psalms/119-164.htm
  9. Beth Gazo D-ne`motho http://sor.cua.edu/bethgazo
  10. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-12-16. Nakuha noong 2012-06-12.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Corepiscopos, Kuriakose M. A Guide to the Altar Assistants. Changanacherry: Mor Adai Study Center, 2005.