Rajah Baguinda
Si Rajah Baguinda Ali, kilala rin bilang Rajah Baginda Ali, Rajah Baginda, o Rajah Baguinda, ay isang prinsipe mula sa isang Minangkabau na kaharian sa Sumatra, Indonesia na tinatawag na "Pagaruyung". (Baginda/Baguinda ay isang Minangkabau na pamitagan para sa isang prinsipe.) Siya ang unang lider ng namuuong estado sa Sulu, Pilipinas, na kinalaunan ay naging Sultanato ng Sulu.
Kasaysayan
baguhinPagdating sa Pilipinas
baguhinSi Baguinda Ali ay dumating sa Buansa, Sulu taong 1390, sampung taon makalipas ng pagdating ni Sheikh Karim-ul Makhdum sa Sulu at pagdala ng Sheikh ng Islam sa Pilipinas. Noong umpisa, ang mga taga-Buansa ay naghihinala sa kanya; sinubukan nilang palubugin ang mga bangka ng prinsipe, para mahayaan siyang malunod sa dagat. Pinagtanggol ni Baguinda Ali ang kanyang sarili, at tinanong ang mga taga-Buansa, "bakit ninyo ako sinusubukang lunurin?" Giniit niya na siya ay dumating lamang bunga ng paglalakbay at mabuting kalooban—dumating lamang upang manirahan kabilang ng mga mamamayan ng Buansa, sapagkat siya ay katulad ng mga taga-Buansa, mga taga-sunod ni Mohammad. Ang mga mamamayan ng Sulu ay tinanggap ang kaniyang katuwiran, at siya'y naging kaisa ng mga mamamayan. Ginawa pa nga siyang Rajah—Rajah Baguinda Ali.[1]
Si Rajah Baguinda at Abu Bakr
baguhinTaong 1450, isang Arabong manlalakbay na ipinanganak sa Johore ay dumating sa Sulu. Siya ay si Sayyid Abubakar Abirin, at pagkarating niya sa Sulu, tinanong niya ang mga mamamayan ng Sulu kung "saan ang inyong bayan at saan ang inyong sambahan?" at siya ay sinagot, "sa Buansa." Mula sa puntong iyon ay tumungo siya ng Buansa, at nanirahan kasama ni Rajah Baguinda Ali, ang namumuno sa Prinsipado ng Sulu.[2]
Si Abubakar Abirin ay nagdadala ng pamagat na Sayyid (ito'y nababaybay rin bilang Saiyid, Sayyed, Seyyed, Sayed, Seyed, Syed, Seyd), isang pamitagan na nangangahulugang siya ay isang tanggap na desendyente ni Mohammad, ang propeta ni Allah. Ang pangalan ni Abubakar Abirin ay binabaybay rin bilang Abu Bakr Abirin.
Si Rajah Baguinda Ali ay walang lalaking tagapagmana ng kaniyang Prinsipado, ngunit may babaeng anak siya, si Dayang-dayang Paramisuli. (Dayang-dayang ay isang Austronesian na pamitagan na naghihiwatig na ang isang babae ay mataas ang ranggo sa lipunan, o parte ng nobilidad.[3]) Pagkalipas ng panahon, si Dayang-dayang Paramisuli at Sayyid Abubakar ay nagpakasal at ipinamana ni Rajah Baguinda Ali ang kanyang Prinsipado kay Sayyid Abubakar.
Taong 1457, nagsimula ang pamumuno ni Sayyid Abubakar. Pinalitan niya ang porma ng pamamahala sa estado ng Sulu—mula sa prinsipadong porma, ginawa niya itong sultanato. Siya ay umampon ng pangngalan na pinalamutian ng limang pamagat, kaya sa pagtayo ng Sultanato ng Sulu, siya ay nakilala bilang Paduka Mahasari Maulana al Sultan Sharif ul-Hashim, o "Ang Panginoong (Paduka) Kaniyang Kamahalan (Mahasari), Tagapatanggol (Maulana) at (al) Sultan (Sultan), Sharif (Sharif) ng (ul-) Hashim (Hashim)." [Ang parteng "Sharif ng Hashim" ay pagpapatibay ng kaniyang nobilidad bilang desendyente ng angkan ng Hashim, isang angkan na kabilang si Mohammad mismo.] Ang pinalamutiang pangngalang ito ay kadalasang pina-iikli bilang "Sharif ul-Hashim."
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ Division of Ethnology publications (1904), retrieved on 30 December 2014.
- ↑ The Political and Religious History of the Bangsamoro People Naka-arkibo 2015-10-09 sa Wayback Machine., retrieved on 30 December 2014.
- ↑ On the title Dayang, retrieved on 30 December 2014.